ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Ligtas Bang Gumamit Ng Kontraseptibo Habang Nagpapasuso?

breastfeeding, contraceptive, progestin-only pills, IUD, intrauterine device, daphne, Securit-T IUD, family planning, reproductive health

Inirerekumendang tingnan ang IUD o ang iniksyon bilang kontraseptibo. Ang mga ito ay hindi sagabal, epektibo, ligtas para sa mga bagong ina, at mainam na gamitin habang nagpapasuso. Mayroon ding mga pildoras na may espesyal na pormula na ligtas rin para sa mga nagpapasusong ina.

Mangyaring tiyaking kumunsulta sa isang tagapagbigay ng serbisyong pangkalusugan bago simulan ang paggamit ng kahit anong kontraseptibo. Ang pag-inom ng mga pildoras na naglalaman ng estrogen ay hindi inirerekomenda para sa mga nagpapasusong ina dahil mababawasan nito ang produksyon ng gatas. Kadalasang nirereseta ang progestin-lamang na pildoras sa mga nagpapasusong ina dahil ligtas ito sa paggagatas, at ang progesterone ay tila hindi makakagambala sa dami ng gatas; ngunit, ang mga ito ay may bahagyang mas mataas na tsansa mabigo (dahil sa mas mababang dosis ng hormon), gayunpaman, ang mga progestin-lamang na pildoras ay napakabisang proteksyon rin.

Kumunsulta sa doktor kung ano ang mainam na kontraseptibo para sa iyo.

Pinagmulan:

https://www.webmd.com/sex/birth-control/birth-control-breastfeeding#1

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon