fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Mga Bagay Na Makakaapekto Sa Bisa Ng Pill

things that could make your pill fail

Ang mga oral contraceptive pill ay ang pinakalaganap na modernong kontraseptibo as Pilipinas. Sa katunayan 51 porsyento ng mga Pilipinong babae na gumagamit ng kontraseptibo ay umiinom ng pill.

Ang mga pill ay higit sa 96-99 porsyentong epektibo (depende sa uring iniinom) kapag “perpekto” ang paggamit, pero nagiging 91 porsyento ang bisa sa “tipikal” na paggamit. Sandali, alam mo ba kung ano ibig sabihin ng “tipikal na paggamit”? Ibig sabihin nito na mayroong posibilidad ng pagkakamali sa paggamot ng mga pill, tulad ng pagkalimot inumin ng isa o higit pang araw, habang ang perpektong gamit naman ay ang tama at palaging paggamit ng pill ayon sa patnubay.

Walang duda na napakahusay na kontrasepsyon ang mga pill, pero may ilang mga bagay na maaaring makaapekto sa bisa nito. Nilista namin ang ilan sa ibaba.

Pagkalimot inumin ang pill

Pagkakalimot inumin ang pill sa ibang araw ay ang pinakamadalas na dahilan kung bakit ito nabibigo. Hindi naman ibig sabihin na mabubuntis ka kapag may nakaligtaang pill, ngunit tumataas nang husto ang tsansa.

Kapag hindi ka nagsimula sa panibagong pakete kaagad, hindi rin garantisado na ika’y lubos na protektado mula sa pagbubuntis. Napakahalaga ang pagsisimula kaagad sa bagong pakete kapag natapos mo na ‘yung nauna.

Baka makatulong sa iyo ang pagtala ng alarm sa iyong selpon o pagmamarka sa kalendaryo para masanay ka sa pag-inom ng mga pill.

Pabago-bagong oras ng pag-inom

Kapag hindi gumagamit ng pill, ang iyong siklo ng regla at pagkamayabong ay nakasalalay sa daloy ng antas ng mga hormon. Ang mga hormon na ito ay responsable sa obulasyon, ang pagpapakawala ng selulang itlog mula sa obaryo. Kung ang selulang itlog na ito ay matagumpay na napertilisa ng esperma, may tsansa na matutuloy ito sa pagbubuntis.

Ang palaging pag-inom ng mga pill ay makakakontrol sa iyong mga hormon, kaya makokontrol rin nito ang ilang mga pangyayari sa iyong katawan. Ang mga pill ay makakapigil sa pagpapakawala ng selulang itlog, at nagpapalapot sa uhog ng serviks para hindi makalapit ang mga esperma sa selulang itlog. Ito ang dahilan kung bakit mahalagang pare-parehong oras ang paginom ng mga pill araw-araw, lalo na kung ang iyong mga pill ay naglalaman ng progestin lamang. Medyo mas may palugit sa oras kapag ang iyong pill ay kombinasyon (naglalaman ng parehong estrogen at progestin), pero mas mabuti pa rin kung pare-parehong oras mo pa rin ito iinumin araw-araw para masanay ka.

Labis na timbang

Ayon sa isang saliksik noong 2005, ang mga babaeng may BMI na 27.3 pataas ay may 60 porsyentong tsansa na mabuntis habang gumagamit ng pill, kumpara sa mga babae na normal o hindi gaano kalabis ang BMI. Ang mga may BMI na higit pa sa 32.2 ay higit pa sa 100 porsyento ang tsansa na mabuntis habang nagpi-pills. Sa kalahatan, ang bisa ng mga pill ay bumababa habang tumataas ang timbang o BMI.

Baka hindi ka lubos na maprotektahan ng mga pill kung labis ang iyong timbang. Huwag mag-alala! Marami pang kontrasepsyon na pwedeng pagpilian. Mabuting magpunta sa iyong doktor para matulungan kang matukoy kung ano ang babagay sa iyo.

Ilang mga gamot

May ilang mga gamot para sa seizure o migraine, antibyotiko, anti-depressant, at antiretroviral therapy (para sa HIV) ay may potensyal na makaapekto sa bisa ng mga oral contraceptive pill. Kung kasalukuyang may iniinom na gamot, mabuting kumunsulta sa iyong doktor kung makakaapekto ba ito sa iyong contraceptive pill.

Mga problemang gastrointestinal

Mga digesting disorder, pagsusuka, at pagtatae ay maaaring makaapekto sa bisa ng pill. Ang iyong katawan ay hindi lubos na nakukuha at nagagamit ang nilalaman ng mga pill, kaya posibleng mabawasan rin ang bisa nito.

Mga pinagmulan:

https://splinternews.com/does-taking-birth-control-at-the-same-time-every-day-ma-1793845871

https://www.self.com/story/how-important-is-it-to-take-the-pill-at-the-same-time-every-day

https://www.foxnews.com/health/7-things-that-can-make-birth-control-pills-fail

https://www.insider.com/what-can-make-birth-control-not-work-2019-4

https://www.forhers.com/blog/5-factors-that-make-birth-control-pill-less-effective

Please follow and like us:

2 thoughts on “Mga Bagay Na Makakaapekto Sa Bisa Ng Pill

  1. Umiinom po ako ng Althea pills daily po na good for 21 days. Nung 18th or 19th day ko pong uminom ng pills, hindi po nag-pull out ang partner ko. Kakaubos ko lang po today nung 21st pill. Dapat po bang mag-start na ako ng panibagong box ng pills? O stop na po para sa 7 days na pill free?

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish.

Modal's Close Icon