fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Mga Dapat Malaman Kung Gagamit Ng Contraceptive Injectable Sa Unang Pagkakataon

Things to expect if you’re a first-time user of contraceptive injectables

Ang mga injectable, o kung minsan ay tinatawag na Depo, ay isang contraceptive na naglalaman ng hormone progestin. Nagbibigay ito ng tatlong buwang halaga ng proteksyon mula sa pagbubuntis, at gumagana sa pamamagitan ng pagpigil sa obulasyon at pagpapalapot ng cervical mucus upang pigilan ang sperm cell na maabot ang egg cell.

Bago ka magpasya kung ang injectable ay ang paraan ng contraceptive para sa iyo, narito ang ilan sa mga bagay na maaari mong maranasan sa mga unang buwan.

Maaaring hindi ka agad maprotektahan

Depende ito sa kung anong punto ka sa iyong menstrual cycle kapag nagpaturok sa unang pagkakataon. Agad kang protektado kung nakuha mo ito sa loob ng limang araw ng iyong regla.

Kung magsisimula ka sa kalagitnaan ng cycle o higit sa limang araw pagkatapos ng iyong regla, kakailanganin mong gumamit ng backup contraceptive method — gaya ng condom — sa unang pitong araw.

Ilang karaniwang karanasan

Maraming kababaihan ang nakakaranas ng kaunting pagbabago sa katawan sa mga unang buwan ng injectable, dahil ang katawan ay nag-a-adjust sa mga pagbabago sa mga antas ng hormone. Ang mga karaniwang bagay na nararanasan ay kinabibilangan ng:

  • Sakit ng ulo
  • Pagkahilo
  • Bloating
  • Pabago-bago ng mood
  • Pagbaba ng libido

Ang mga karaniwang karanasang ito ay kadalasang pansamantala at nawawala kapag nasanay na ang katawan sa hormones, na kadalasan nagtatagal ng tatlong buwan lamang. Tandaan, gayunpaman, na ang katawan ng bawat tao ay magkakaiba at maaaring magkaiba rin ang reaksyon sa injectable.

Normal ang spotting

Ang mga spotting at hindi regular na pagdurugo ay karaniwan sa una mong paggamit ng injectable. Nakakaalarma ito sa ilang kababaihan, dahil hindi nila ito inaasahan. Huwag mag-panic kung mangyari ito sa iyo — natural lang itong reaksyon ng iyong katawan sa pagpasok ng mga bagong hormone.

Asahan ang mabigat na daloy at/o hindi regular na regla

Ang isang karaniwang karanasan sa mga unang beses na gumagamit ng mga injectable ay ang pagkakaroon ng mas mabigat at mas mahabang regla sa unang ilang buwan. Ngunit sa karamihan ng mga kaso, ang regla sa kalaunan ay nagiging mas magaan o ‘di na talaga dinadatnan pagkatapos ng ilang buwan ng paggamit.

Huwag mag-alala kung ang mga injectable ay nagdudulot ng tuluyang paghinto ng iyong regla. Hindi nito inilalagay sa panganib ang iyong kalusugan at kaligtasan, at, salungat sa mga karaniwang maling sabi-sabi, hindi ito nagreresulta sa “pagtambak” ng regla sa loob ng matris.

Mga pinagmulan:

Raypole, C. (January 21, 2022). Depo-Provera: Everything to Know About the Birth Control Shot. Healthline. https://www.healthline.com/health/birth-control-depo-provera-shot#:~:text=You%20might%20notice%20some%20period,your%20shot%20every%203%20months 

Mayo Clinic Staff. (n.d.). Depo-Provera (contraceptive injection). Mayo Clinic. https://www.mayoclinic.org/tests-procedures/depo-provera/about/pac-20392204 

Contraception – injections. (n.d.). Better Health Channel. https://www.betterhealth.vic.gov.au/health/healthyliving/contraception-injections-for-women#are-there-any-side-effects-from-using-the-contraceptive-injection 

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon