fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Mga karaniwang sabi-sabi tungkol sa pakikipagtalik nang nireregla

Debunking period sex myths

‘Di pa rin masyadong pinag-uusapan ang mga paksang ‘sex’ at ‘regla’ sa Pilipinas. At dahil hindi sila madalas na bukas pinag-uusapan, marami pa rin ang mga sabi-sabi at maling akala tungkol sa dalawang bagay na ito. At kapag pinagsama mo ang dalawa — pakikipagtalik habang nireregla — nagkakaroon na naman ng mga panibagong sabi-sabi!

Sa artikulong ito, pag-usapan natin  ang ilan sa mga pinaka-karaniwang sabi-sabi tungkol sa pakikipagtalik nang nireregla, at kung ano ba ang katotohanan sa likod ng bawat ito.

Myth #1 Hindi ka mabubuntis

Ito ay tiyak na hindi totoo. Mababa ang posibilidad na mabuntis, ngunit palaging may posibilidad na mabuntis nakipagtalik ka nang walang gamit na proteksyon habang nireregla.

Para sa mga may siklo ng regla na tumatagal ng hindi bababa sa 28 araw, sila ay hindi gaanong fertile sa panahon ng kanilang regla. Ang tsansa na mabuntis ay tumataas habang papalapit sa obulasyon, na kadalasang nangyayari 12 hanggang 16 na araw bago magsimula ang susunod na regla.

Gayunpaman, ang haba ng siklo ng regla ay maaaring mag-iba bawat buwan. Ang mga sperm cell ay maaaring mabuhay sa loob ng reproductive tract ng babae hanggang 5 araw.

Dahil dito, ang mga may menstrual cycle na 21 araw o mas maikli ay may mataas na tsansa na mabuntis kung sila ay nakipagtalik nang walang proteksyon habang nireregla. O kung ang iyong cycle ay karaniwang 28 araw ang haba at may pagkakaiba-iba sa haba ng cycle na nagiging sanhi ng iyong pag-ovulate nang mas maaga, maaari kang mabuntis kapag makikipagtalik nang walang proteksyon sa panahon ng iyong regla.

Myth #2 Ito ay makalat

Maaaring maging makalat ito, ngunit may magagawa ka tungkol dito. Ang regla ay hindi naman bumubulwak o tuloy-tuloy na dumadaloy palabas ng katawan; sa halip, ito ay papatak-patak lamang.

Maaari kang maglatag ng twalya sa kama upang maiwasan ang mga mantsa sa kumot o sapin sa higaan. Mas mainam na maghanda basang face towel o pakete ng wet wipes malapit sa kama para may panlinis rin pagkatapos.

O mas mabuti pa, makipagtalik sa shower. Bukod sa pagiging kapana-panabik, maaari mong ganap na maiwasan ang pagkalat ng dugo.

Myth #3 Masakit ito

Baka ‘di mo na rin naiisipan makipagtalik kung nakakaranas ng pananakit tuwing nireregla. Ngunit pakikipagtalik habang nireregla ay maaaring makatulong na mapawi ang pananakit, partikular na ang pananakit ng puson at pananakit ng ulo.

Ang mga orgasm ay nagpapa-contract at relax sa mga kalamnan ng matris — at sa pagrelax nito, maaaring makatulong na mapawi ang pananakit ng puson. Bukod pa riyan, ang mga sexual activities ay nagiging sanhi ng paglikha ng katawan ng mga endorphins oang tinatawag na “feel-good” hormone. Ito ay itinuturing bilang natural na pain reliever ng katawan; plus, ito ay nagtataguyod ng kasiyahan.

Gayunpaman, mayroong ilang mga tao na maaaring makaranas ng ilang sakit o kakulangan sa ginhawa kapag nakikipagtalik sa panahon ng kanilang regla. Kung isa ka sa kanila, maaari kang mag-eksperimento sa mga posisyon o gumawa ng iba pang bagay maliban sa penetrative sex (tulad ng mutual masturbation o outercourse).

Myth #4 Ito ay magpapabigat ng regla

‘Di naman talaga bibigat ang daloy ng regla. Ang nangyayari ay ang mga pagpintig ng kalamnan kapag nag-orgasmo ay nakakahikayat sa mas mabilis na paglabas ng regla, kaya nagmumukhang mas mabigat ang daloy ng iyong regla. Dahil mas maraming regla ang lumalabas habang nakikipagtalik, maaaring magresulta sa mas maikling regla.

Mga pinagmulan:

Watson, S. (March 31, 2023). Is It Safe to Have Sex During Your Period? Tips, Benefits, and Side Effects. Healthline. https://www.healthline.com/health/womens-health/sex-during-periods 

Hussein, J. (October 2, 2021). 6 Major Period Sex Myths, Debunked. Stylecaster. https://stylecaster.com/period-sex-myths/ 

Myths about Period Sex. (October 13, 2020). Imbue Natural. https://imbuenatural.com/blogs/blog/myths-about-period-sex 

Cohut, M. (February 8, 2019). 5 menstruation myths you must leave behind. MedicalNewsToday. https://www.medicalnewstoday.com/articles/324403 

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon