fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Mga Impeksyon Sa Ari (Ng Babae)

OB GYNE Doctor

Malusog Na Ari

Ang ari (ng babae) ay isang saradong kalamnan na kanal na umaabot mula sa bulba (vulva)—ang panlabas ng ari ng babae—hanggang sa leeg ng matris (uterus), ang serviks (cervix). Ang kalusugan ng ari ay mahalagang bahagi ng pangkalahatang kalusugan ng babae. Ang mga problema sa ari ay maaaring makaapekto sa iyong pagkamayabong, pagnanais makipagtalik, at kakayahang maabot ang orgasmo.

Ang mga ganap na isyu sa kalusugan ng ari ay maaari ring magdulot ng stress, mga problema sa relasyon, at makaapekto sa iyong kumpiyansa sa sarili. Alamin ang mga senyales at sintomas ng mga problema sa ari, at kung ano ang maaari mong gawin upang maprotektahan ang kalusugan. Ang iba’t ibang mga kadahilanan ay maaaring makaapekto sa kalusugan ng iyong ari, kabilang ang:

  • Ang pagtalik nang walang proteksyon ay maaaring magresulta sa pagkuha ng sexually transmitted infection (STI).
  • Ang marahas na pagtatalik o isang pinsala sa pelvic area ay maaaring magresulta sa vaginal trauma, o mga maliliit na sugat sa ari.
  • Mga kondisyon o paggamot. Ang ilang mga kundisyon, tulad ng endometriosis at pelvic inflammatory disease (PID), ay maaaring maging sanhi ng sakit o kirot habang nagtatalik.
  • Ang paggamit ng ilang mga antibiotics ay nakakadaragdag ng panganib magkaroon ng vaginal yeast infection.
  • Mga kontraseptibong pildoras at mga produktong feminine-hygiene wash. Ang mga kontraseptibong barrier, tulad ng mga condom, ay maaaring maging sanhi ng pangangati ng ari sa ibang babae. Ang mga produktong feminine-hygiene wash ay maaaring maging dahilan ng kawalan ng balanse sa antas ng pH ng ari, na mas nagpapadali makakuha ng impeksyon.
  • Pagbubuntis at panganganak. Kung buntis ka, hindi ka rereglahin hanggang maisilang ang iyong sanggol. Sa panahon ng pagbubuntis, madalas marami ang nailalabas na likido ng ari. Karaniwang magkakaroon ng mga sugat sa ari sa panahon ng panganganak. Ang vaginal delivery ay maaari ring bawasan ang lakas at higpit ng kalamnan sa ari.
  • Mga isyung sikolohikal. Ang pagkabalisa at pagkalungkot ay maaaring mag-ambag sa pagkawala ng nais makipagtalik at nagreresulta sa sakit o kirot habang nagtatalik. Mga trauma tulad ng pang-aabuso na sekswal o isang masakit na karanasang sekswal ay maaari ring humantong sa sakit na nauugnay sa pagtalik.
  • Mga antas ng hormon. Ang mga pagbabago sa antas ng mga hormon ay maaaring makaapekto sa ari. Halimbawa, ang produksyon ng estrogen ay bumababa pagkatapos ng menopos at habang nagpapasuso sa sanggol. Ang pagkawala ng estrogen ay maaaring maging sanhi ng manipis na uterine lining, na reresulta sa sakit o kirot habang nagtatalik.

Normal Na Vaginal Discharge

Ang isang malusog na ari ay gumagawa ng mga likido upang linisin at alagaan ang sarili, na katulad ng kung paano nililinis at kinokontrol ng laway ang kapaligiran ng bibig. Ang mga vaginal secretion na ito ay normal na vaginal discharge. Ang anumang pagkagambala sa maselan na balanse ng mga vaginal secretion ay maaaring gawing mas madali para makakuha ng impeksyon sa ari.

Ang normal na vaginal discharge ay may ilang mga layunin: paglilinis at pagbasa-basa sa ari, at pagtulong upang maiwasan at labanan ang mga impeksyon. Bagaman normal na mag-iba ang kulay, pakiramdam, at dami ng mga likido ng ari sa pag-ikot ng siklo ng regla, may ilang mga pagbabago na maaaring senyales na pala ng isang problema.

Nakakatulong malaman ang mga pagkakaiba sa pagitan ng normal at abnormal na discharge ng ari. Ang mga normal na likido ng ari ay kadalasan manipis, malagkit, at nababanat o makapal at malapot, at dapat sila ay malinaw, puti, o off-white ang kulay.

Impeksyon Sa Ari

Ang mga impeksyon sa ari na maaaring makuha sa pagtalik man o hindi, tulad ng candidiasis (yeast infection), bacterial vaginosis, at trichomoniasis, ay karaniwang mga sanhi ng abnormal na vaginal discharge. Mayroon ring ilang mga STI na maaaring magdulot ng mga pagbabago sa vaginal discharge, tulad ng gonorrhea. Kung may napansing anumang mga pagbabago sa iyong vaginal discharge, o sa palagay mo mayroon kang problema, dapat makita ang doktor sa lalong madaling panahon.

Yeast Infection

Ang candidiasis o yeast infection ay maaaring magresulta sa napakaputi at makapal na vaginal discharge, na kahawig ng cottage cheese. Ang yeast infection ay karaniwang hindi nagiging sanhi ng pagkakaroon ng malakas na amoy ng discharge, ngunit maaaring magresulta ito sa matinding pangangati at hapdi sa ari.

vaginal yeast infection
Image: https://www.macphersontcm.com/single-post/2016/06/18/Vaginal-Yeast-Infection-%E2%80%93-How-TCM-can-help

Bacterial Vaginosis

Ang Bacterial Vaginosis (BV) ay maaaring maging sanhi ng manipis at kulay-abo na vaginal discharge, na mayroong hindi kanais-nais, at malansang amoy.

Trichomoniasis

Ang Trichomoniasis, isang karaniwang STI, ay maaaring maging sanhi ng malakas na amoy. Ang vaginal discharge ay maaaring maging dilaw-berde ang kulay, at maging mabula-bula. Ang Trichomoniasis ay madalas ding nagdudulot ng pangangati sa ari, at kirot kapag umiihi.

Trichomonas-vaginitis
Image: https://stdtestingnearme.org/identify-std-discharge-in-men-and-women-based-on-color-odor-and-consistency/

Mga Payo Para Sa Malusog Na Ari

  • Pagkatapos gumamit ng banyo, palaging magpunas mula sa harap patungo sa likod. Maaaring makatulong ito upang maiwasan ang paglipat sa ari ng mga bakterya mula sa rectum.
  • Magsuot ng panty gawa sa cotton sa araw dahil ang iyong ari ay “nakakahinga” sa cotton. Iwasan magsuot ng panty sa gabi.
  • Iwasang magsuot ng masisikip na pantalon, leggings, at swimming suit nang matagal.
  • Baguhin ang iyong sabon panlaba kung sa palagay mo ay maaaring sanhi ng iritasyon sa iyong ari.
  • Ang latex sa condom at pampadulas na ginagamit sa pagtalik ay maaaring maging sanhi ng iritasyon para sa ilang mga babae. Alamin kung saan ka hiyang.
  • Maligo araw-araw at marahan punasan ang ari bago magsuot ng damit.
  • Huwag gumamit ng mga produktong feminine-hygiene wash o iwasan hugasan ang loob ng iyong ari. Maaari itong maging sanhi ng pagkawala ng balanse sa natural na kapaligiran ng ari.
  • Iwasan ang paggamit ng mga feminine-hygiene sprays/washes, tisyu na may pangkulay o pabango, at mga napkin o tampon na may pabango.

Mga pinagmulan:

https://www.everydayhealth.com/news/vaginal-infection-types/

https://www.webmd.com/women/guide/sexual-health-vaginal-infections#1

Please follow and like us:

603 thoughts on “Mga Impeksyon Sa Ari (Ng Babae)

  1. Hello po may tatanong lang po, normal Lang Po ba sa mga bagong panganak 1 month and 10 days na yung sa may bungad po Ng Ari is parang may nanigas na discharge ? No bad odor, Hindi din Po masakit, Wala Po akong ibang nararamdaman ?. Lagi ko Kasing chinecheck yung episiotomy ko Kung nagheal na po kaya nalaman ko ☺️. Salamat and Godbless po

  2. Hello po sana po may makapansin at maka advice saakin dto pag nag sesex po kame ni lip pag naka doggy style po subrang sakit para may nasusundot sa loob bakit kaya ganun thank you po sana may makapansin

    1. Hi Nerry! Baka po ang iyong cervix ang “nasusundot” kapag kayo ay nagdodoggy style. Karaniwang nararanasan po ito ng mga babaeng mababa ang cervix. Hindi naman po ito isang sakit. Pero kung nakakaranas ng iba pang sintomas, mainam na ikonsulta ito sa OB/GYN. Baka makatulong ang paggamit ng water-based lubricant gaya ng EZ Lubricating Jelly para gawing mas swabe at kaaya-aya ang pagtatalik, patagalin ang foreplay, o sumubok ng ibang posisyon.

  3. Hi po anu po dapat igamot sa Pepe na my luma labas na white blood na my pagka yellow po at mabaho Rin PO siya..6months narin PO akong Hindi ng Kaka regla,at Hindi nman PO ako buntis..

  4. Hello pd po ba makipag sex kahit po na kagagaling lng sa yeast infection kc d na sya makati at ung ihi ko is normal lng sya although ung labas ng pussy is kuntinv kati lng nya .. then may lumalabas na sipon ang kulay tas white na maliliit.. ok lnv po kaya un?

    1. Hi Joanna! Bago makipagtalik kung kagagaling sa yeast infection, mainam na kumonsulta sa doktor para matukoy ng doktor kung talagang magaling ka na at hindi ka na nakakahawa.

  5. Hello po mam pd po ba magtalik kahit d na sya makati tas ok nmn po ihi ko d nmn po masakit at pag pinapasok ko daliri ko sa vigina is may kunting sipon at white na buo buo pero maliliit lng sya… Anu po ba dapat gawin?

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon