fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Mga one-night stand tips para ika’y ligtas at masaya

One-night stand tips to keep you safe and satisfied

Friends with benefits, fuck buddy, booty call, no strings attached — ano man ang tawag mo rito, ang casual sex ay dapat masaya lamang. ‘Yung naman ang gusto mo, ‘di ba? Minsan, ang mga one-night stand ay sobrang nakakasabik. Minsan naman baka may mga karanasan na ayaw mo na lang balikan isipin!

Parang bakasyon ang mga one-night stand. Makakaranas ka ng intimacy o mga sexual activities sa isang tao na kakaiba mula sa iyong regular na buhay. Pagkakataon ‘tong gawing mas exciting ang mga ordinaryong araw, at magkaroon ng panahong magpakasaya.

Bagama’t ‘di “perpekto” palagi ang mga one-night stand, may mga tips na makakasiguro na masaya ang iyong karanasan.

Alamin kung bakit mo ito ginagawa

Kung paanong maraming dahilan para mag-one-night stand, mayroon ding iba’t ibang dahilan para hindi ito gawin. Kung gusto mong gawin ito, siguraduhing ito ay para sa mga tamang dahilan.

May mga nag-e-enjoy sa one-night stand dahil matagal na silang ‘di nakikipagtalik, gusto nilang i-explore ang kanilang sekswalidad, naghahanap sila ng pahinga mula sa kanilang normal na buhay, o dahil lang sa paghahangad nila para sa sex.

Dapat panay saya at sarap lamang ang one-night stand. Huwag pumasok sa ganitong bagay kung napipilitan ka lang o dahil ginagawa ito ng iba. At kung plano mong gawin ito nang may kasamang mga feelings o sa pag-asang ma-fall sa’yo ang isang tao, ‘wag ka mag-one-night stand dahil baka masaktan ka lang.

Maging malinaw sa iyong mga intensyon

Ang mga one-night stand ay tungkol lamang sa sex. Kung umaasa kang umusbong ito sa isang relasyon, hindi iyon ang pinakamagandang paraan para gawin ito. Kadalasan ang mga one-night stand ay nasisira ng mga attachment o expectations na magpapatuloy ito into “something serious.”

Kapag papasok sa one-night stand, siguraduhin na ang taong makakasama mo ay sex lang rin ang habol at alam kung ano bang intensyon o hangad mo.

Maghanap ng taong trip mo

Maghanap ng taong madaling kausap at kaakit-akit sa iyo. Ang mga one-night stand ay magandang pagkakataon din bigyan ng chance ang mga taong hindi mo type (hindi ka naman nakikipag-date, ‘di ba).

Kahit na hindi kayo muling magkikita, mahalaga pa rin na komportable ka sa makakasama mo, at dapat nirerespeto ka rin niya. Kung ang iyong magiging partner ay kakilala mo (tulad ng isang kaibigan o dating katrabaho), mas mabuting pag-usapan muna ang mga arrangements at boundaries, at kung paano ito maaaring makaapekto sa inyong pagkakaibigan.

Kung hindi mo kakilala ang magiging partner mo, magsabi sa isang kaibigan kung saan ka pupunta at kung anong oras nilang pwedeng asahan na magtetext ka uli. Gayundin, magtext sa kanila ng mga update paminsan-minsan para hindi sila masyadong mag-alala kapag napa-late ang iyong uwi o hindi mo masagot ang kanilang tawag.

Alamin ang health at relationship status ng iyong magiging partner

Dapat masaya ka lang pagkatapos ng one-night stand. Ang huling bagay na gusto mong mangyari ay umuwi at mag-alala tungkol sa mga sexually transmitted infections (STIs) o, mas malala pa, isang galit na galit na kasintahan. Bago gumawa ng anumang bagay, tanungin ang relationship status ng magiging partner mo. Siguraduhin na sex lamang ang mangyayari, o gumawa ng napakalinaw na mga hangganan.

Hindi lahat ng STI ay nagpapakita ng mga sintomas. At kung mayroon man, maaaring lumipas ng ilang buwan o taon bago lumitaw ang mga ‘to. Hindi mo masasabi kung ang isang tao ay may STI sa pamamagitan lamang ng pagtingin sa kanila. Para sa ilan, nakakasira sa mood ang pagtanong tungkol sa health status; pero sa katotohanan, ito ay isang pag-iingat lamang para siguradong masaya kayo na walang mga alalahanin.

Pwede namang magtanong lang para makakuha ng sagot, pero ang paghingi ng patunay sa kanilang health status ay ang pinakamahusay at pinaka tiyak na paraan upang malaman. Maaaring awkward ang pag-uusap, ngunit maaari mo itong simulan sa pamamagitan ng pagbubukas ng tungkol sa iyong kalusugan at sexual history para maging mas komportable ang iyong magiging partner na ibahagi ang kaniyang side. Pag-usapan niyo rin ang paggamit ng kontraseptibo at proteksyon bago makipagtalik — ito ay napakahalaga.

Gawin itong nang sober

Kung gusto mong magkaroon ng isang masaya at ‘di malilimutang karanasan, gawin ito nang ‘di nakainom, ‘di nakagamit ng iligal na droga, at manatiling may kontrol sa iyong mga kakayahan. Walang mali sa pagparty o pag-inom, pero ‘pag napasobra, mahirap magsabi ng iyong mga hangganan at hangad, makiramdam kung may mali ba, at maghanap ng paraan para umalis kung pakiramdam mo’y ‘di ka ligtas.

I-treat ang iyong sarili

Siyempre, ang sex ay ang “main treat”, pero maganda rin na i-treat rin ang sarili bago pa makipagkita o makipagtalik. I-treat ang iyong sarili sa pamamagitan ng pagkakaroon ng nakakarelaks na bubble bath, pagsisindi ng scented na kandila, pagtugtog ng paborito mong musika, pagsusuot ng bagong damit at cute na lingerie, at pagpapabango at pagpapaganda. Magkaroon ng kaunting “sexual spa day” o gawin ang anumang bagay na nagpapasaya sa iyo at nagpapa-sexy. Kapag mas komportable at relax ka, mas magandang karanasan ang one-night stand.

Magsabi kung ano ang gusto mo

Ang komunikasyon ay ang sikreto sa masayang karanasan. Sex ang habol mo sa one-night stand, kaya itodo mo na ang saya. Nakakahiyang sabihin ang gusto mo kapag hindi ka sanay. Ngunit napaka-sexy rin ang pagiging vocal sa kama at pagsasabi sa iyong partner kung ano ang gusto mo. Isang senyales ng mabuting partner ay ang pagiging bukas niya sa iyong mga gusto.

Halos hindi ninyo talaga kilala ang isa’t isa at kung ano ang iyong mga kagustuhan. Samantalahin ito at maging bukas tungkol sa kung ano ang gusto mo. Saan at paano mo gustong hawakan ka? Gusto mo ba itong mabilis, mabagal, magaan, o mabigat? Sabihin sa iyong partner ang mga sagot sa mga tanong na ito, at garantisadong masisiyahan ka sa karanasan.

Mag-eksperimento

Okay lang kung ayaw mong makitang muli ang iyong naging parter, at iyon ang isa sa mga pinakamagandang bagay tungkol sa mga one-night stand. Pagkakataon mong maging wild at mag-eksperimento — sumubok ng bagong posisyon, mag-role playing, o alinman sa iyong pinakamalalim na sexual fantasy. Kung magiging awkward, tandaan na ang one-night stand ay ganoon din: pang isang gabi lang. Kapag nakalabas na kayo sa kwarto, hindi niyo na kailangang balikan at gawin o pag-usapan ito muli.

‘Wag magpalipas ng gabi

Ang one-night stand ay para lamang sa isang gabi, kaya ang pananatili ng mas matagal o ang pagpapalipas ng gabi pagkatapos makipagtalik ay ‘di magandang ideya, lalo na kung ginawa ito sa bahay ng iyong partner. Tandaan na hindi mo sila lubos na kilala.

Maaari kang manatili para sa wake-up sex kung iyon ang gusto mo. Ngunit manatili para sa almusal at gumugol ng mas maraming oras na magkasama? Hindi magandang ideya. “I had a really fun time with you” ang magandang exit line bago ka lumabas ng pinto.

Magsaya at manatiling ligtas

Higit sa lahat, magsaya at huwag masyadong seryosohin ang mga bagay-bagay! May mga awkward na bagay na maaaring mangyari. Bagama’t nakakahiya sila, pagtawanan lang ito para mabawasan ang tensyon at para maging komportable kayo sa isa’t isa.

Kung minsan, ang pakikipagtalik ay maaaring hindi rin umaayon sa plano — maaaring masira ang condom o baka makalimutan niyong gumamit nito. Palaging maghanda ng backup plan  kung sakaling may magkamali. Isa sa mga pinaka-epektibong emergency contraception na maaari mong gawin upang maiwasan ang pagbubuntis ay ang Yuzpe Method. Uminom ng apat (4) na combination pills sa loob ng 72 oras pagkatapos ng insidente, pagkatapos ay isa pang dosis ng apat na pills pagkalipas ng 12 oras.

Mga pinagmulan:

Emery, L. (July 29, 2017). 7 Ways To Have The Fun One-Night Stand You Deserve. Bustle. https://www.bustle.com/p/how-to-have-a-better-one-night-stand-because-you-deserve-it-73197 

Lu, W. (March 14, 2017). How To Have The Best One-Night Stand. Bustle. https://www.bustle.com/p/how-to-have-the-best-one-night-stand-according-to-sex-experts-39462 

Fellizar, K. (July 26, 2018). How to have a fun, safe one-night stand that’s actually pleasurable for you. HelloGiggles. https://hellogiggles.com/one-night-stand-safe-pleasurable/ 

Rosen, S. (April 12, 2013). The Gentleman’s Guide to a One-Night Stand. GQ. https://www.gq.com/story/guide-to-a-one-night-stand 
30 One Night Stand Tips You Should Know (Safety First!). (October 11, 2021). Lauvette. https://www.lauvette.ph/health/30-one-night-stand-tips-you-should-know-safety-first/

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon