fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

G-Spot: Totoo nga ba ito?

Siguro narinig mo na dati na ang G-spot daw ay ang sikreto sa pinaka masarap na vaginal orgasm sa mga babae — ngunit, totoo ba ang G-spot? Sa katotohanan, kumplikado ito.

Ano ba ito?

Ang German gynecologist na si Ernest Grafenberg ay nag-publish ng isang saliksik tungkol sa isang tiyak na “erotic zone” sa front wall ng pwerta na maaaring humantong sa matinding orgasmo — at baka pati ejaculation — kapag na-stimulate. Ang lugar na ito ay tinawag na ‘G-spot,’ at naging usap-usapan sa mga kalalakihan, kababaihan, at maging ng mga mananaliksik.

Nasaan ba ito?

Isang pag-aaral noong 2021 ay nagsasabi na ilang mga pag-aaral ang sumasang-ayon na maaaring mayroong talagang G-spot, ngunit ang lokasyon at laki nito ay hindi pa tiyak. Kaya, ang pagkakaroon ng G-spot ay hindi pa rin kumpirmado.

Ngunit noong 2022,  may isang editorial sa Sexual Medicine Reviews Journal na nagsabi na mas angkop na tawaging ‘zone’ ang G-spot, sa halip na iisang tiyak na bahagi. Ayon sa editorial, ang G-spot ay binubuo ng higit sa limang erotogenic regions. Ito ay ang clitoral crura, ang clitoral bulb, ang periurethral glands, ang urethra, at ang anterior vaginal wall.

Paano ba ito i-stimulate?

Dahil hindi ito eksaktong bahagi sa katawan ng tao, medyo mahirap ang paghahanap at pag-stimulate sa G-spot; pero hindi rin ito imposible.

Pinakamabuting hanapin ang G-spot sa pamamagitan ng pag-explore muna sa sariling katawan kaysa sa pakikipagtalik.

Para sa mga may pwerta, magsimula sa pamamagitan ng pagre-relax at pagpwesto sa isang posisyon na pinakakomportable sa iyo. Pagkatapos ay i-massage ang bukasan ng pwerta bago ipasok ang iyong daliri o sex toy. Kapag nasa loob na ang iyong daliri o laruan, ituro ito pataas patungo sa iyong pusod, na tila may tinatawag ka “halika rito.”

Tandaan na hindi mo sinusubukang maghanap ng eksaktong bahagi o partikular na button. Sa halip, tinutuklas mo kung ano ang pinakamainam para sa iyo kapag nilalaro ang bahaging iyon ng iyong katawan.

Tumutok sa panloob na bahagi ng pwerta sa halip na labas-pasok ang motion. Kapag nahanap mo na ang tamang zone at stimulation para sa iyo, patuloy na ulitin ang motion hanggang sa tumitindi ang sensation.

Mga huling paalala

Iba-iba ang kagustuhan ng bawat tao, tulad ng sa anumang erogenous zone o sexual activity. Walang tama o maling paraan na makamit ang orgasmo, at ang ilan ay maaaring hindi makatagpo ng kasiyahan mula sa pag-stimulate sa G-spot — at okay lang ‘yun!

Hindi mo dapat ipilit ang iyong sarili na hanapin ang tinatawag na G-spot, o kahit na magkaroon ng mga napakasarap na orgasmo. Ang layunin ng masturbation — o anumang sexual activity —  ay ang masiyahan at masarapan sa buong karanasan.

Mga pinagmulan:

Vieira-Baptista, P. et al. (October 9, 2021). G-spot: Fact or Fiction?: A Systematic Review. National Library of Medicine. https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC8498956/ 

NWHN Staff. (October 3, 2022). Is the G-spot Real? https://nwhn.org/is-the-g-spot-real/#:~:text=Here%20is%20what%20we%20know%20for%20certain%3A&text=The%20researchers%20could%20find%20no,between%20the%20female%20sex%20organs

Sutton, J. (April 13, 2023). Everything You Need to Know About the G Spot. Healthline. https://www.healthline.com/health/g-spot-in-women 

Zane, Z. & White, R. (April 20, 2022). Want to Find the G-Spot? Here’s a Step-by-Step Guide. Men’s Health. https://www.menshealth.com/sex-women/a19536271/find-g-spot/ 

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon