Para sa karamihan, iniisip nila na ang mga lingerie dapat sexy, kinky, at tila napakahirap isuot, pero huhubarin lang rin naman agad-agad pagkatapos ng ilang minuto.
Nakakatuwa rin naman na bumili ng mga sexy lingerie para isorpresa ang iyong partner para sa inyong anniversary o espesyal na okasyon, o kaya para lang pampalakas ng confidence at maramdaman na ika’y ubod ng ganda at sexy!
Ngunit kadalasan, ang mga kababaihan ay nahaharap sa isa pang problema kapag nabili na nila ang gusto nilang lingerie: natatambak lang sa likod ng kabinet, at ilang beses lang nasusuot sa isang taon.
Pag-isipang muli ang papel ng lingerie sa iyong pang-araw-araw na buhay. Hindi nila kailangang sobrang sexy at kumplikado (bagaman maganda ring makabili ng ilang mga lingerie na ganun). Magandang simulan sa pagkakaroon ng simpleng lingerie na maaari mong isuot araw-araw — malaking bagay na ‘to sa pag-angat ng iyong sexual confidence!
Parang kumplikado ang pamimili ng lingerie sa simula, lalo na kung first time mo, ‘no? Pero ‘wag kang mag-alala. Narito ang ilang mga tips na makakatulong sa’yo sa pagpili ng tamang lingerie kung saan pakiramdam mo ika’y sexy, confident, at ubod ng ganda araw-araw.
Alamin ang iyong mga opsyon
Bago ka magsimulang mamili, dapat mong malaman ang iba’t ibang uri ng lingerie — oo, ‘di lang panty set ang mga lingerie, sis!
Ang bodysuit, o kilala rin bilang teddy, ay one-piece set na magkadugtong ang bra at underwear. Ang isa pang uri ng one-piece set ay ang romper. Ito ay may shorts naman sa halip na underwear para sa mas playful at kaswal na hitsura.
Ang bralette ay isang bra na walang underwire, at kadalasang gawa sa lace.
Ang corset ay isa sa mga una at pinakalumang kasuotan ng kababaihan. Isinusuot ito para mas litaw ang mga kurba ng katawan para mukha kang may hourglass figure (o sa mga pinoy, Coca-Cola bottle body!).
Ang chemise ay maikling dress na karaniwang gawa sa silk o satin, at magandang isuot ito nang siya lamang, o may katernong thong.
May mga robe na maikli o mahaba, at kadalasang gawa sa mga sosyal na tela tulad ng silk. Pwede rin itong suotin nang mag-isa lamang, o bilang coverup kapag may iba ka pang suot na lingerie sa ilalim.
Alamin ang iyong body type
Walang one-size-fits-all pagdating sa lingerie. Ang bawat isa ay may iba’t ibang proporsyon at body type, at ang ilang uri ng lingerie ay maaaring mas nababagay para sa isa ngunit hindi sa isa.
Para sa mga may maliit ang katawan at gustong palitawin ang kurba ng kanilang katawan, maganda ang padded o underwire na half cup bra. Ang mga lace, ruffles, at extra frills ay magdaragdag din ng higit na dimensyon. Sa kabilang banda, ang mga body type na athletic ay bagay sa mga lace bralette na may mga neckline na hugis V.
Kung mayroon kang fuller figure at biniyayaan ng magagandang kurba ng katawan, gusto mong ibida ang mga ito habang inilalayo ang atensyon sa bahagi ng katawan na maaaring hindi ka masyadong komportable. Magandang magsuot ng mga full cup bra o sheer chemise na magtatakip sa iyong tiyan ngunit ibibida ang iyong cleavage.
Tandaan na ang mga ito ay mga suggestion lamang para sa iba’t ibang body type. Isaisip kung ano bang babagay sa iyong katawan, kaysa sa ano ba ang dapat iwasan. Huwag matakot na subukan ang lingerie na talagang natipuhan mo — kapag tama ang fit sa’yo, tiyak na mabibida talaga ang ganda ng iyong katawan.
Isaalang-alang ang iyong comfort at istilo
Minsan talaga may mga damit at lingerie kapag supermodel ang may suot, ngunit maaaring iba ang hitsura at pakiramdam kapag ikaw na ang nagsusuot
Magsuot ng mga lingerie kung saan ika’y komportable at nagpapakita ng iyong personal na istilo. Kahit na ang iyong pangunahing dahilan sa pagbili ng lingerie ay upang sorpresahin ang iyong partner, kailangan mo munang unahin ang iyong kaligayahan. Kung mas komportable ka, mas sexy at maganda rin ang mararamdaman mo.
Kung ito ang iyong unang pagkakataon na bumili ng lingerie, magsimula sa mga simpleng piraso tulad ng bra at panty set. Bigyang-pansin din ang tela. Gugustuhin mong magsuot ng lingerie na kumportableng isuot buong gabi, tulad ng cotton, silk, at polyester blends. Gayundin, mag-ingat sa mga lace at iba pang mga dekorasyon dahil madalas makati ang mga ganitong materyales.
Isaalang-alang ang okasyon
Mayroong iba’t ibang mga kasuotan na angkop sa iba’t ibang okasyon, at ganoon din ang lingerie.
Ang mga bodysuit ay maganda para sa pagrerelax, habang ang mga bra at panty set na neutral ang kulay ay angkop para sa pang-araw-araw na pagsusuot at halos lahat ng iyong mga outfits.
Kung naghahanap ka ng isusuot para sa Valentine’s Day o bakasyon kasama ang iyong partner, pagkakataon mo na para ipakita ang iyong wild at creative side! Subukan ang mga kakaibang tela o materyales (gaya ng leather, na nakapa-hot tignan), at mag-eksperimento sa iba’t ibang kulay (nasubukan na ba ang pula, gold, o violet dati?).
Mga huling paalala
Ang pagpili ng lingerie ay hindi lamang tungkol sa pagsusuot ng mga piraso na sa tingin mo ay magpapa-sexy sa iyo. Sa halip, ito ay pagiging masaya at confident sa napili mong lingerie. Kaya kapag finifit mo ang iba’t ibang lingerie, bigyang pansin kung ano ang iyong reaksyon at nararamdaman.
Huwag mag-settle sa isang bagay na ang masasabi mo na lang ay “Mukhang maganda naman ito sa akin, sa palagay ko.” Maghanap ng lingerie na magpaparamdam sa iyo na ikaw ang pinakamagandang babae sa mundo! Tandaan na masarap sa pakiramdam na maganda at sexy ka, kaya magsuot ng kahit anong magpaparamdam sa iyo nito.
Mga pinagmulan:
Hathway, S. (June 11, 2019). 5 key tips for choosing the right lingerie. Elle Courbee. https://ellecourbee.co.uk/blog/5-key-tips-for-choosing-the-right-lingerie/
Wagman, M. (April 21, 2023). Types Of Lingerie – How To Choose Lingerie For Your Body Type. Stylecraze. https://www.stylecraze.com/articles/lingerie-for-body-types/
Gregoire, S. (August 7, 2019). The Lingerie Series: How To Choose Lingerie That Makes You Feel Sexy. Bare Marriage. https://baremarriage.com/2019/08/choosing-great-lingerie/