fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Pagpapanatiling Malinis Ng Ari (Ng Babae)

Vagina, hygiene, Sexual Health, Family Planning

Sa kabila ng kung ano ang sinasabi ng mga patalastas, ang iyong ari ay hindi dapat kasing amoy ng “mga sariwang bulaklak.” Ang pag-aalaga ng iyong ari ay napaka-simple, at hindi mangangailangan ng mga mamahaling produkto — ngunit dapat bang hinuhugasan ang iyong pwerta? Hindi, ngunit ang iyong vulva ay kailangang hugasan.

Ang pwerta (vagina) at bulba (vulva)

Kaya ano ang pagkakaiba? Ang pwerta ay ang panloob na kanal sa loob ng iyong katawan. Ang bubla ay tumutukoy sa mga maselang bahagi ng katawan ng babae sa labas ng ari, tulad ng:

  • Klitoris
  • Klitoral hood
  • Ang panloob at panlabas na labia

Mabuting hugasan ang mga bahaging ito, ngunit hindi mo kailangang mag-alala tungkol sa iyong pwerta; kaya nitong alagaan ang sarili.

Likas na kapaligiran ng pwerta

Ang pwerta ay gumagawa ng sarili nitong mabuting bakterya at likas na uhog na tumutulong mapanatiling malinis ang sarili. Ang paggamit ng sabon sa paghuhugas ng iyong pwerta ay maaaring hadlangan ito sa paggawa ng sariling mga tungkulin sa paglilinis at sirain ang likas na balanse nito. Kung nais mong panatilihing malusog ang pwerta, hayaan itong gawin ang sariling trabaho.

Paghugas ng iyong bulba

Palaging pinapaisip sa atin ng lipunan at kultura na marumi ang ari ng babae, ngunit hindi talaga nangangailangan ng matinding pagkuskos o malupit na mga produkto upang malinis ito. Paano ba talaga dapat linisin ang bulba?

  • Gumamit ng maligamgam na tubig at banayad na sabon. Sapat na ang maligamgam na tubig pang linis ng iyong bulba; ngunit kung mas komportable sa paggamit ng sabon, gumamit ng banayad at walang halong pabango. Hindi dapat masyadong mainit ang tubig at dapat ibanlaw nang husto ang sabon.
  • Maging banayad. Dahan-dahang ibuka ang mga labia gamit ang mga daliri, at hayaan lamang ang maligamgam, at mabulang tubig na dumadaloy sa paligid ng klitoral hood at sa pagitan ng labia — hindi na kailangan ng pagkuskos! Sensitibo ang balat at hindi na kailangan ng washcloth o loofah. Gayundin, siguraduhin na hindi papasok ang sabon sa pwerta. Mahusay din na hugasan ang anus at ang lugar sa pagitan ng anus at bulba. Kung gagawin mo ito, tandaan na maghugas mula sa harap papuntang likod upang iwasan mapunta ang bakterya ng anus sa pwerta at yuritra.
  • Dampiin para matuyo. Matapos mong lubusang hugasan ang iyong bulba, dampiin ito gamit ang isang malambot na tuwalya para matuyo.
  • Magsuot ng malinis at gawa sa cotton na panty. Matapos maligo o hugasan ang iyong bulba, tiyakin na ang panty na iyong isusuot ay malinis at nalabhan. Ang panty gawa sa cotton ay ang pinakamabuti dahil sa ganitong uri ng materyal “nakakahinga” ang iyong ari.

Regular na palitan ang iyong napkin o tampon kung ikaw ay nireregla. Maaari mo ring hugasan ang iyong bulba nang higit sa isang beses sa isang araw kung nais manatiling presko o nag-aalala ka na mangamoy.

Ano ang Iwasan

  • Douching. Ang douching ay ang pag-agos ng tubis sa loob ng pwerta upang ito ay “malinis” at maalis ang natural na mga uhog. Ginugulo nito ang likas na kapaligiran ng pwerta at ang mga bakterya na nagpoprotekta dito, kaya mahihirapan ito na linisin ang sarili. Mas mabuting iwanan ang paglilinis sa pwerta — alam nito kung ano ang gagawin.
  • Mga feminine spray at wash. Ang mga produktong tulad ng feminine spray at wash ay karaniwang may mga pabango at kemikal na maaaring maging sanhi ng pangangati o iritasyon sa sensitibong balat ng iyong ari. Kung nag-aalala ka tungkol sa amoy, hugasan nang regular ang iyong bulba gamit ang maligamgam na tubig, o gumamit ng banayad ata walang pabangong sabon..
  • Vaginal steaming. Ang vaginal steaming ay ang pagkulo ng mga herb sa mainit na tubig at pag-upo sa ibabaw ng tubig upang dumaloy ang singaw sa loob ng pwertai. May mga nagsasabi na nakakatulong ito sa pananakit ng puson, kabag, at iba pang mga kondisyon, ngunit walang mga pag-aaral na patunayan na ang vaginal steaming ay nakakatulong na mapabuti ang kalusugan ng ari. Maaaring masunog ng mainit na singaw ang sensitibong tisyu ng pwerta at makagambala sa likas na kapaligiran, kaya hindi inirerekumenda na mag-vaginal steaming.
  • Masikip na damit. Ang masikip na damit ay maaaring pigilan ang likas na bentilasyon, at maaaring gawing makati, mainit-init, at mahalumigmig ang iyong ari — sa ganitong kapaligiran karaniwang lumalago ang mga bakterya. Iwasan ang pagsusuot ng masisikip at mamasa-masang damit nang matagal upang mapanatiling presko ang iyong ari.

Mga Pinagmulan: 

https://www.healthline.com/health/how-to-clean-your-vagina#steaming

https://www.nhs.uk/live-well/sexual-health/keeping-your-vagina-clean-and-healthy/

Please follow and like us:

63 thoughts on “Pagpapanatiling Malinis Ng Ari (Ng Babae)

  1. hi tanong ko lang po kung ano gamot sa sitwasyon ko nung nagka buhok po ang aking ari tyaka po sya kumati ng kumati grabe po talaga yung kati nya magsusugat na nga po ari ko sa sobrang kati nangingitim na din po singit ko kasi kinakamot ko ng kinakamot

    1. Hi Nikolai! Hindi po kami maaaring magreseta ng gamot dahil hindi po kami mga doktor. Ang angkop na lunas o gamot para sa inyo ay depende sa sanhi nito, kaya mainam na magpasuri sa malapit na health center para malaman ang tiyak na sanhi ng iyong pangangati.

  2. Hello po pwede po magtanong kung ano dapat gawin kapag my pigsa sa pisngi ng ari,una po nangati lang sya pero palage po hinuhugasan ng maligamgam n tubig at sabon,thanks po.

  3. Hello doc. Ano ang pwedeng gamot sa sobrang pangangati sa singit. Sobrang kati na hindi na po mapigilan na hindi kamutin. Nagsusugat na din dahil sa sobrang pagkamot. Thank you po

  4. Hi ask q Lang po Kung ang pagsusugat ba sa pwerta ng babae ay delikado after makipag talk? Anu possible na gamot pra dto upang mawala ang sakit? Thanks.

    1. Hi Brian! Ang mga maliliit na sugat sa pwerta ay karaniwang kusang naghihilom sa loob ng ilang araw. Mainam na umiwas muna magtalik at huwag kamutin ang ari. Siguraduhin rin na palaging malinis ang ari – hugasan ito araw-araw gamit ang maligamgam na tubig, at dahan-dahan dampiin para matuyo bago magsuot ng malinis na panty. Kung umabot ito higit sa isang linggo, lumala pa, nagdugo, nakakaranas pa ng ibang sintomas, at nakakasagabal na sa araw-araw na gawain, mainam na magkonsulta na sa obgyne kaagad ukol dito. Para maiwasan ang sakit at pagsusugat sa susunod, mainam na gumamit ng water-based lubricant tulad ng EZ Lubricating Jelly para mabawasan ang priksyon at kiskisan na nagdudulog ng pagsusugat at pananakit tuwing magtatalik.

      Mabibili ang EZ Lubricating Jelly sa pangunahing botika at convenience store. Maaari mo rin ito mabili online!
      Lazada: https://www.lazada.com.ph/shop/trust-philippines-1524467118/
      Shopee: https://shopee.ph/trust.premiere.ez

    2. Hi po tanong kolang po kung posible po ba na hindi magpantay o lumapad ang labia ng babae pagnakikipagtalik or mag-masturbation.

      1. Hi, Rachelle! May mga babae po na hindi pantay ang labia, nakikipagtalik/masturbation man o hindi. Normal po ito at walang mali dito.

  5. Hi po magtanong lang po ako. Last night lang po kasi nakaramdam po ako ng pangangati ng aking ari. Naka apekto po ba dito ang madalas ko nanaman pong pagkain ng matatamis? Ano po kayang mabisang gawin para mawala ang pangangati

    1. Hi Aileen! May ilang mga babae na maaaring makaranas ng pangangati sa ari pagkatapos kumain ng maraming matatamis dahil ang matatamis na pagkain ay maaaring makahikayat sa pagdami ng yeast (isang bacteria sa puwerta). Likas na may yeast talaga ang iyong puwerta, pero nakakasama lang ito kapag masyado silang dumami. Ang pagdami nito ay maaaring magresulta sa pangangati ng ari. Maaaring subukan pong bawasan ang pagkain ng matatamis, at uminom ng maraming tubig araw-araw. Ngunit, kung tumagal pa ito, lumala, o nagkaroon pa ng iba pang sintomas, mainam na magpasuri na kaagad sa doktor.

  6. Hi doc, hingi lang po ng payo anu po ang pwede kong gawin sa ngayon bakit natutuyo ang vagina ko? Nagcocomplain na po ang asawa ko kong bakit daw ako dry? Wala nmn po ako idia kong nakit eh 42 years old palang nmn po ako. Sana po masagot nyo po ang katanungan ko salamat po

    1. Hi Ammie! Sa iyong edad mo karaniwang nararanasan ng mga babae ang pagkatuoy ng puwerta dahil nagbabago na ang mga antas ng hormone habang papalapit sa menopause. Mainam na uminom ng maraming tubig araw-araw, patagalin ang foreplay tuwing magtatalik, at gumamit ng water-based lubricant tulad ng EZ Lubricating Jelly para mas kaaya-aya at suwabe ang pagtatalik.

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon