fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Tilted Uterus: Paano ito nakakaapekto sa pagbubuntis at pakikipagtalik

Tilted uterus: How it affects fertility and sex

Ang tilted uterus (o retroverted uterus), ay matris na “nakasandal” paatras sa pelvic cavity, na patungo sa ibabang likod, sa halip na paharap patungo sa pantog.

Ito ay normal sa reproductive anatomy, at hindi talaga isang seryosong kondisyon. Ang tilted uterus ay medyo karaniwan: Humigit-kumulang 1 sa 5 kababaihan ang may tilted uterus (bagama’t ang ilan ay hindi na napapansin ito).

Nakakatakot pakinggan ang pagkakaroon ng tilted uterus. Madalas itong nauugnay sa mga kondisyon na maaaring makaapekto sa kakayahan mabuntis, tulad ng endometriosis, pelvic inflammatory disease, at fibroids.

Ang posisyon ng iyong matris ay hindi nakakaapekto sa iyong kakayahang magbuntis o magdala ng bata.

Hindi rin ito nakakaapekto sa labor o panganganak. Kayang kaya pa rin magkaroon ng normal at malusog na pagbubuntis sa kabila ng pagkakaroon ng tilted uterus.

Gayunpaman, ang tilted uterus ay maaaring maglagay ng higit na presyon sa pantog sa unang trimester. Maaaring makaranas ng increased incontinence o kahirapan sa pag-ihi. Ang ilan naman ay maaari ring makaranas ng pananakit ng likod.

Sa pagtatapos ng unang trimester, sa pagitan ng ika-10 at ika-12 linggo, dapat na lumawak at tumuwid ang matris. Aangat ito palabas ng pelvis at hindi na nakasandal paatras.

Ngunit sa ilang mga kaso, ang mga adhesion ay nagpapanatili sa matris na nakakapit sa pelvis at pinipigilan ang pagbabago sa posisyon. Ito ay tinatawag na incarcerated uterus, at ang ilang mga sintomas na dapat mong bantayan ay:

  • Madalas na kahirapan umihi
  • Pananakit sa iyong tiyan o malapit sa iyong tumbong
  • Pagtitibi
  • Urine incontinence

Ipaalam kaagad sa iyong doktor kung nakaranas ng anuman sa mga sintomas na ito. Mainam na bigyang pansin kaagad ang incarcerated uterus para mabawasan ang panganib ng pagkalaglag.

Ang tilted uterus ay maaaring magdulot ng ‘di kaaya-ayang pakikipagtalik

Ang tilted uterus ay hindi karaniwang nagdudulot ng anumang problema sa sex life. Gayunpaman, ang ilang mga posisyon ay maaaring maging mas hindi komportable at masakit kumpara sa iba. Subukang baguhin ang iyong mga posisyon hanggang sa makakita ka ng kumportable para sa iyo at iyong partner.

Kung ang bawat posisyon sa pakikipagtalik ay hindi komportable, mayroon man o walang pagdurugo, pinakamahusay na talakayin ito sa iyong doktor.

Mga huling paalala

Minsan ‘di komportable makipagtalik dahil sa tilted uterus, ngunit hindi ito kailangan ikabahala at bihira itong nauugnay sa mga malubhang kondisyon. Bagama’t bihira itong nakakaapekto sa pagbubuntis, maaari pa rin itong maiugnay sa iba pang mga kondisyon na kilala na nakakaapekto sa kakayahang mabuntis.

Mga pinagmulan:

Whelan, C. (April 8, 2019). What You Should Know About Retroverted Uterus. Healthline. https://www.healthline.com/health/womens-health/tilted-uterus 

Galan, N. (July 7, 2021). What Causes A Tilted Uterus? Healthline. https://www.medicalnewstoday.com/articles/320965 

Tipped (tilted) uterus. (n.d.). Mayo Clinic. https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/female-infertility/multimedia/tipped-uterus/img-20008147#:~:text=Print,considered%20a%20normal%20anatomical%20variation 

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon