fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

9 Sex positions para sa girl-girl harutan

9 Best Sex Positions for Girl-Girl Action

Kung binabasa mo ito, marahil ay naghahanap ka ng mga paraan para gawing mas masarap ang orgasm niyo ni partner, naghahanap ka ng mga bagong ideya na pwede niyong gawin sa kama, o naghahanap ka ng ilang patnubay para sa iyong first time na girl-girl harutan.

Bago natin pag-usapan ang tips and tricks, linawin muna natin ang mga karaniwang sabi-sabi  tungkol sa lesbian sex. Ang terminong ‘lesbian sex’ ay kadalasang ginagamit para patungkol sa pakikipagtalik ng dalawang babae. Gayunpaman, ang mga babaeng iyon ay maaaring hindi naman talaga “lesbian” ang kanilang sexual orientation. Baka sila’y bisexual, pansexual, o maaaring heterosexual. Ang pakikipagtalik ng dalawang babae ay hindi lamang para sa mga lesbian at cisgender couple.

Karaniwang pinaniniwalaan at ipinapakita sa mainstream media na ang pakikipagtalik ay tungkol lamang sa penetrative sex at palaging kinasasangkutan lamang ng pwerta at ari ng lalaki. Iyon ang dahilan kung bakit hindi itinuturing ng maraming tao na ang lesbian sex ay mali o ‘di kasiya-siya.

Maaaring magkaiba ang kahulugan ng sex sa iba’t ibang tao, at maaaring magsangkot ng anumang sexual activity na gusto nilang gawin. Sa katunayan, ang sex ay maaari pa ring maging kasiya-siya kahit na walang penetration!

Anuman ang iyong hangarin, ang mahalaga ay masarapan ka! Narito ang ilan sa mga pinakamahusay na posisyon para sa girl-to-girl harutan

Para sa pag-finger

Ang iyong mga kamay ay may kakayahang gumawa ng mga magic tricks. Narito ang ilang mga posisyon na magdadala sa inyo ni partner sa paraiso sa isang iglap!

Side Missionary

Ang Side Missionary ay magandang posisyon para sa mga magpartner na nag-e-enjoy sa mutual fingering. Simple at madaling posisyon ‘to na nag-aalok ng intimacy at mga pagkakataong magyakapan.

Ang parehong magpartner ay nakahiga sa kanilang tagiliran, at nakaharap sa isa’t isa. Maaari painitin ang sandali sa pamamagitan ng paghalik at paghaplos sa katawan ng isa’t isa. Habang umiinit ang mga bagay, abutin ang pagitan ng mga binti ng isa’t isa at magsagawa ng clitoral stimulation o fingering sa pwerta.

Cowgirl

Ang giving partner ay nakahiga sa kanilang likod, na ang kanilang dominant hand (nakataas ang palad) ay nakapwesto sa sa kanilang puson. Ang receiving partner naman ay kakalong sa balakang ng kanilang partner.

Kapag nakaposisyon na, ang receiving partner ay maaaring “sakyan” ang mga daliri ng kanilang partner at magkaroon ng kontrol sa kanilang galaw at bilis.

Spooning

Ang spooning ay hindi lamang para sa yakapan. Maaari rin itong magbigay sa inyo ni partner ng kasiyahan! Ang posisyon na ito ay perpekto para sa mga magpartner na nais ng chill bebetime.

Parehong nakahiga ang magpartner, nakaharap sa iisang direksyon. Ang big spoon (o ang giving partner) ay iyayakap ang kanilang mga braso sa baywang ng little spoon (ang receiving partner) at abutin ang kanilang clitoris. Ang little spoon ay maaari ding ibend ang kanilang nangingibabaw na binti upang maabot ng big spoon ang likod at makapasok sa ari.

Kung ikaw ang big spoon, maaari mo ring pasiglahin ang mga erogenous zone ng iyong partner. Dilaan ang kanilang leeg, kagatin ang kanilang tainga, o halikan ang kanilang batok. O bumulong ng matatamis na bagay habang ginagawa mo ito!

Para sa oral sex

Walang tatalo sa lambot ng labi at sa flexibility ng dila kapag minamasahe at pinapasigla ang ari. Sa mga posisyong ito, maipapakita mo sa iyong partner kung ano ang kayang gawin ng iyong bibig!

69

Ang 69 ay isang klasikong posisyon na tinatangkilik ng mga magpartner ng anumang kasarian. At ang pinakamaganda rito ay sabay na nasisiyahan ang parehong partner!

Ang isang partner ay nakahiga sa kanilang likuran. At ang isa naman ay nakahiga sa ibabaw nila, nang nakaharap sa kabilang direksyon. Pareho dapat kayong nakaharap sa ari ng isa’t isa.

Ang sideway 69 ay isang variation ng posisyong ito. Ang pagkakaiba ay pareho kayong nakahiga patagilid, ngunit nasa magkaibang direksyon. Ito ay mas madali, at ang iyong mga kamay ay pwede ring gamitin para sa iba pang stimulasyon. Sa ganoong paraan, maaari mong isama ang pag-finger o paggamit ng vibrator para sa higit pang kasiyahan.

Relax and Enjoy

Isa ito sa mga unang posisyon sa oral sex na dapat subukan. Magugustuhan mo ang posisyong ito kung natutuwa kang pasiyahin ang iyong partner — o kung gusto mong ma-spoil! Tulad ng ipinahihiwatig ng pangalan nito, ang receiving partner ay nakakarelaks at nag-e-enjoy sa aksyon!

Ang receiving partner ay nakahiga sa kanilang likod na nakabuka ang kanilang mga binti. Ang isa pang partner ay nakahiga sa kanilang tiyan sa pagitan ng mga binti ng kanilang partner. Ang giving partner ay magbibigay ng oral sex sa kanilang partner at dalhin sila sa paraiso!

Maaari maglagay ng unan sa ilalim ng balakang ng receiving partner upang ayusin ang anggulo at gawing mas madali para sa giving partner na ma-access ang ari.

Face Sitting

Kung ano ‘yung pangalan, ganun rin ang mangyayari: ang isang partner ay “uupo” sa mukha ng kanyang partner.

Kilala rin ito bilang ‘Queening’ dahil ang receiving partner ay nakaupo sa isang trono ng purong kasiyahan. May kapangyarihan silang kontrolin ang paggalaw at sensasyon.

Ang giving partner ay nakahiga sa kanilang likuran. Ang receiving partner ay nakakalong sa mukha ng kanilang partner kaya ang ari ng receiving partner ay dapat nakadikit sa bibig ng giving partner.

Ang nakakatuwa sa Face Sitting ay nakakakuha din ng sobrang gandang view ang giving partner ng mga dibdib at reaksyon ng kanilang partner — ang mukha na iyon ay napaka-hot!

Rear Fun

Ang Rear Fun ay parang Face Sitting, ngunit nasa baligtad na posisyon. Ang posisyon na ito ay nagbibigay-daan sa iyo upang masiyahan at mapalapit sa pwet ng iyong partner.

Kung mahilig kayos a rimming, ang posisyon na ito ay isang magandang paraan para tamasahin ang cunnilingus o rimming.

Ang giving partner ay nakahiga sa kanilang likuran, habang ang receiving partner ay naka-straddle sa mukha ng kanilang partner. Ang receiving partner ay dapat na nakaharap sa mga paa ng kanilang partner para madilaan ng giving partner ang ari o anus.

Ang receiving partner ay maaari ring lumuhod sa kanilang mga kamay at tuhod upang baguhin ang anggulo at sensasyon sa clitoris at G-spot.

Para sa mga strap-on

Ang paggamit ng mga sex toys ay ang perpektong paraan upang gawing mas kapana-panabik ang playtime kasama ang iyong partner. Ang isa sa mga sikat na laruan para sa lesbian sex ay ang strap-on. Kung ito ang unang pagkakataon na narinig mo ang tungkol dito, ang strap-on ay isang harness na isinusuot sa balakang at kinakabitan ng dildo. 

Sa pamamagitan ng strap-on, maaari kang makipagtalik na parang may sarili kang phallus. Narito ang ilan sa mga pinakamahusay na posisyonkung gusto niyong gumamit ng strap-on.

Missionary

Nag-aalok ang Missionary ng maraming intimacy, skin-to-skin contact, pati eye contact sa pagitan ng mga partner.

Isusuot ng giving partner ang strap-on, habang ang receiving partner ay nakahiga sa kanilang likuran habang nakabuka ang kanilang mga binti. Ang giving partner ay ipupwesto ang kanilang sarili sa itaas, na ang kanilang mga binti ay nakapwesto sa pagitan ng mga binti ng kanilang partner. Kung ikaw ang giving partner, maaari mong ilagay ang iyong mga siko o bisig sa magkabilang gilid ng mga balikat ng iyong partner bilang suporta sa iyong sarili. Maaari mong ipasok ang strap-on dildo sa pwerta ng iyong partner. Maaari mo ring paglaruan ang mga suso o ang clitoris ng iyong partner habang ginagawa ang penetrasyon.

Doggy Style

Ang Doggy Style ay isang klasikong posisyon na maaaring tangkilikin ng lahat ng uri ng magpartner. Ang posisyon na ito ay nagbibigay sa giving partner ng napakagandang view ng pwet ng kanilang partner, at pagkakataon na gawing mas malakas at mas malalim ang pag-penetrate.

Upang gawin ang posisyon na ito, ang receiving partner ay luluhod at yuyuko nang nakasandal sa kanilang mga kamay, habang bahagyang nakahiwalay ang kanilang mga binti. Ang giving partner — ang nakasuot ng strap-on — ay luluhod sa likod ng kanilang partner, at maaaring simulan ang penetrasyon kapag nakaposisyon na.

Ang giving partner ay maaari ring humawak sa puwet ng kanilang partner, hampasin o hilahin ang kanilang buhok (kung iyon ay gusto nila), o abutin ang clitoris upang pasiglahin ito.

Mga Tip sa Kaligtasan

Tandaan na ang mga impeksiyon tulad ng mga sexually transmitted infections (STIs) ay maaaring maipasa anuman ang ari ng iyong partner at sa anumang sexual activity, at hindi lamang sa pamamagitan ng penetration.

Narito ang mga tips kung paano mo mababawasan ang panganib ng mga impeksyon:

  • Gumamit ng dental dam kapag nagsasagawa ng oral sex sa ari o sa anus. Hindi ito karaniwang nabibili sa Pilipinas, ngunit maaari kang gumawa ng sarili gamit ang condom gaya ng TRUST Condom at Premiere Condom:
    • Buksan ang pakete ng condom
    • I-unroll ang condom
    • Gupitin ang dulo at ang mga pinagsamang dulo
    • Gupitin sa isang gilid ng condom
    • Ilabas ang sheet, at ngayon ay handa na itong gamitin
  • Gumamit ng mga guwantes o finger cot kapag ngsasagawa ng manual-genital stimulation, tulad ng fingering at clitoral stimulation.
  • Panatilihing malinis ang iyong mga kamay. Palaging maghugas ng kamay bago makipagtalik upang maiwasan ang pagkalat ng mikrobyo sa iyo o sa ari ng iyong partner. Ang pagpapanatili ng maiikling kuko ay mahalaga din kung plano mong gamitin ang iyong mga daliri para sa penetrasyon. Makakatulong ito na maiwasan ang masakit na mga sugat na maaaring humantong sa mga impeksyon at pananakit.
  • Palaging maghanda ng pampadulas. Kung hindi ka sigurado kung anong uri ng lube ang gagamitin, gumamit ng water-based na lube gaya ng EZ Lubricating Jelly. Ito ay ligtas para sa halos lahat ng mga sexual activity (kahit na may condom at mga sex toy), at parang natural lang pakiramdam nito. Maliban sa dagdag kasiyahan, ginagawa rin nitong mas ligtas ang pakikipagtalik sa pamamagitan ng pagbabawas ng mga pagkakataon ng pagkasugat at pangangati. Ang pampadulas ay lalong mahalaga sa anal sex dahil ang anus ay hindi katulad ng pwerta na gumagawa ng likas na pagpapadulas.
  • Panatilihing malinis ang iyong mga sex toy upang maiwasan ang pagkalat ng mga impeksyon sa pagitan ng mga magpartner. Linisin ang mga laruan pagkatapos ng bawat gamit.
  • Huwag lumipat mula sa anus patungo sa pwerta, laruan man o daliri ang iyong mga gamit. Ang bakterya mula sa anus ay maaaring makagambala sa vaginal flora at maging sanhi ng mga impeksyon. Pwedeng mula sa pwerta tapos sa anus, ngunit kung gusto mong gawin ito sa kabaligtaran, kailangan mong hugasan nang mabuti ang iyong laruan o mga kamay bago pumasok sa pwerta.

Iba pang mga tips

Ang bawat isa ay may kanya-kanyang kagustuhan sa kama, ngunit narito ang ilang higit pang mga tips upang matulungan kayong magkaroon ng kasiya-siyang karanasan.

Mag-communicate!

Narinig mo na ito noon at muli mo itong maririnig: Ang komunikasyon ay palaging mahalaga para sa isang malusog na relasyon at kasiya-siyang pakikipagtalik. Alamin kung ano ang gusto, hindi gusto ng iyong partner, pati na rin ang kanilang mga limitasyon. Gayundin, tiyaking lubos nilang nalalaman ang sexual activity na gagawin mo at 100% silang sumasang-ayon na gagawin nila ito kasama ka.

Dapat ka ring makipag-usap sa iyong partner habang nakikipagtalik na. Tanungin sila paminsan-minsan kung komportable sila sa nangyayari. Sa parehong paraan, dapat mo ring hayagang ipaalam ang iyong nararamdaman sa iyong ginagawa.

Huwag tularan ang nakikita mo sa porn

Karamihan sa mainstream na lesbian porn ay ginawa para sa fetish at kasiyahan ng mga lalaki. Iyon ang dahilan kung bakit ang mga posisyon at pamamaraan ay madalas na hindi makatotohanan o hindi talaga kasiya-siya para sa mga kababaihan.

Huwag tularan ang nakikita mo sa porn dahil hindi sila ang pinaka mabuting gabay na makukuha mo. Ang nagpapasaya sa pakikipagtalik ay kung ano ang gusto mo at ng iyong partner, at ang iyong partner ang pinakamahusay na mapagkukunan ng impormasyon para doon. Tanungin lang ang iyong partner para sa kanilang kagustuhan, at pag-usapan kung anong mga diskarte o posisyon ang gusto niyong gawin.

Maging malikhain

Hindi ka limitado sa 9 na posisyon sa pagtatalik, ngunit maaaring gusto mong magsimula sa mga ito. Maraming mga lesbian sex na posisyon na maaari mong subukan, o maaari mong baguhin ang ilan sa iyong mga paboritong posisyon upang baguhin ang mga bagay-bagay. Ang pagsasama ng mga games, kinks, laruan, at roleplaying ay iba pang mga paraan na maaari mong gawing mas kapana-panabik ang mga bagay. Nasa inyo ang lahat, basta’t masaya ka!

Mga pinagmulan:

Marin, V. & Steber, C. (July 30, 2015). 

The 5 Best Lesbian Sex Positions. Bustle. https://www.bustle.com/wellness/93848-the-5-best-lesbian-sex-positions-for-female-orgasm 

Ferguson, S. (May 5, 2023). How Do Lesbians Have Sex? 28 Things to Know Before Your First Time. Healthline. https://www.healthline.com/health/healthy-sex/how-do-lesbians-have-sex 

Curtis, L. (August 14, 2019). 7 Best Lesbian Sex Positions to Elevate Your Sex Life. Medium. https://medium.com/@lindsayrcurtis/7-best-lesbian-sex-positions-to-elevate-your-sex-life-f0f8eb5ef686 

Thomas, S. (June 20, 2019). The Most Satisfying Sex Positions for Lesbians. Refinery29. https://www.refinery29.com/en-us/2017/02/139157/best-lesbian-sex-positions#slide-1 
Holland, K. (March 30, 2023). Everything You Need to Know About Using a Dental Dam. Healthline. https://www.healthline.com/health/healthy-sex/dental-dam#how-to-make-a-dental-dam-at-home

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon