fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Missionary 101 para sa mga Lalaki

Kung hindi na bago sa’yo ang pakikipagtalik, malamang ay naranasan mo na ang missionary position. Ito ang pinaka-classic at pinakasikat na posisyon. May mga iba pa ngang magsasabing “basic” ito dahil sa kung gaano ito kadaling subukan.

Pero ‘wag kang magpapalinlang sa kasikatan nito. ‘Wag mo sanang isiping boring o basic ang posisyon, dahil maraming uri ng sarap na pwedeng ihatid ang missionary.

Beterano ka man sa mundo ng pakikipagtalik o baguhan na gustong matuto ng mga astig na moves, ang missionary position ay may maaambag sa sexy time niyo ng partner mo. Tingnan natin ang mga sikreto ng position na ito!

Ano ito?

Ang missionary style o missionary position, ay isang sekswal na posisyon kung saan nasa ibabaw ang lalaki habang nakahiga ang babae.

Maganda ang posisyong ito para sa face-to-face na pakikipagtalik. Pwede kang makipag-eye contact sa partner mo, at madaling magkaroon ng malalim na koneksyon sa gitna ng sexy time. Maaaring mag-usap o makipaghalikan habang ginagawa ang posisyong ito, at pwede ka ring yakapin ng partner mo gamit ang kanyang mga hita.

Ang missionary position ay isang go-to na posisyon para sa mga magkarelasyon dahil sa intimacy na hatid nito.

Paano natin ito magagawa nang tama?

Bagama’t ang missionary style ay sikat sa mga sexually active, may mga wastong hakbang pa rin na pwedeng gawin para magawa ito nang maayos at para makaranas ng matinding sarap gamit itong posisyon na ito.

Samantalahin ang posisyon

Ang mga mag-partner na nagtatalik nang naka-missionary ay magkaharap. Marami kang pwedeng gawin o subukan habang ganun ang posisyon ninyong mag-partner. Pwede mo siyang halikan, o ‘di kaya’y halikan mo ang kanyang leeg.

Pwedeng-pwede mo ring gamitin ang iyong mga kamay habang naka-missionary. Hawakan mo ang kanyang dibdib o kumapit sa kanyang baywang. Maraming posibleng subukan!

Pag-eksperimentuhan ang posisyon!

Maaaring simple lang ang missionary, pero maraming pwedeng gawin dito para lalong sumarap ang sexy time niyo ni babe. Heto ang ilan.

  • Ang closed missionary ay ang posisyon kung saan nakapulupot ang mga binti ng partner mo sa’yo.
  • Meron ding “legs-on-shoulders.” Dito naman, ang mga binti ng babae ay nakasabit sa iyong balikat. Subukan niyo’t tingnan kung magugustuhan niyo!
  • Meron namang tinatawag na pretzel missionary na may exciting na twist na halos literal. Sa pretzel missionary, bahagyang ipipihit ng babae ang ibabang bahagi ng kanyang katawan na nagbibigay-daan para sa mas malalim na pagpasok o “penetration.”

Baka ikatuwa niyo rin ang paglagay ng unan sa ilalim ng babae. Itataas nito ang kanyang baywang at magbibigay ng kakaibang anggulo.

Tandaan mong kapag nage-experiment sa mga posisyon, mainam na pansinin ang body language ni partner. Maging sensitibo sa kanyang nararamdaman, at mag-adjust kung kinakailangan.

Maghanda sa labas ng sexy time

Bilang lalaki sa relasyon, ikaw ang mangingibabaw tuwing naka-missionary kayo. Kailangan mong maging conscious sa nararamdaman ni babe. Kailangan ding pakiramdaman kung nakakahinga pa ba siya.

Malaki ang maitutulong ng page-ehersisyo. Kung matino ang iyong pangangatawan, hindi mo kailangan mag-alala kung naiipit na ba siya sa ilalim mo.

Kung sakaling nais mong magpapayat para sa mas masayang missionary, ‘wag kang mag-alala! Maraming aktibidad na pwedeng gawin para pumayat at maging malusog.

Pwede kang mag-jogging, pumunta sa gym, o regular na maglaro ng isang sport. Malaki rin ang maitutulong ng tamang pagkain at pahinga.

At ‘yun na ‘yon! Sa susunod na nasa mood si bae at iimbitahin ka niya sa kama, marami ka nang moves na pwedeng gawin! At sa susunod na may magsabing “basic” lamang ang missionary style, marami ka nang pwedeng isagot!

Sundan lamang ang mga tips na nandito para masiguro ang kalidad ng missionary position niyo ng partner mo. At tingnan ang iba pa naming mga article para malaman ang tamang galawan pagdating sa sex. Kasi nga, #DoItRight dapat palagi!

Mga Pinagmulan:

Please follow and like us:

One thought on “Missionary 101 para sa mga Lalaki

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon