fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Sex Don’ts: Mga ‘Di Dapat Gawin ng mga Lalaki sa Kama

Safe space dapat ang pakikipagtalik. Isa itong mapusok na aktibidad na ginagawa ng dalawang taong gustong pasiyahin ang isa’t-isa. Kabahagi nito ang tamang pagtrato sa partner mo. Kaya magandang malaman ang mga hindi dapat gawin sa kanya sa gitna ng sexy time.

Heto ang ilan sa mga bagay na dapat iwasan ng mga lalaki sa kama.

‘Wag manghingi ng kundisyon

Lahat dapat ng ibibigay o gagawin mo sa partner mo ay walang kapalit.

Hindi porke’t bumaba ka’t binigyan mo ng oral sex ang partner mo ay may karapatan ka nang humingi ng BJ bilang kabayaran. (‘Yun ang unang unang patakaran sa Walong Tuntunin sa Pagtanggap ng Blowjob).

Ang pagdemanda ng kapalit ay hindi dapat ginagawa sa sexy time!

‘Wag mong pilitin ang partner mo

Lahat tayo ay may karapatang magsabi ng “hindi” sa mga bagay na ‘di kanais-nais para sa atin. Ganun din dapat sa mga may sekswal na relasyon.

Kung may ayaw gawin ang partner mo, kailangan mo itong tanggapin. Hindi mo rin dapat ito ikagalit. Hindi naman ito nangangahulugang ayaw niya sa’yo o may problema siya sa’yo. Ibig sabihin lang nito ay may ayaw siyang maranasang bagay.

Hindi dapat pinipilit ang mga tao na gawin ang isang bagay na ayaw nila.

‘Wag ituloy ang binabalak kung ‘di komportable ang partner mo

Ito ay karugtong ng naunang payo. Kung sinabi ng partner mo na may ayaw siyang maranasan, iwasang mo nang gawin ‘yon. Sigurado namang may daan-daan pa kayong pwedeng subukan sa kama.

Nakakatulong dito ang pagiging sensitibo. Kung mapapansin mong hindi natutuwa ang partner mo, mainam na tanungin mo siya mismo tungkol sa nararamdaman niya. At kung aaminin niyang hindi siya komportable, itigil mo na lang ang gusto mo sanang subukan.

‘Wag maging agresibo nang walang pahintulot

May mga taong natutuwa sa magaslaw o agresibong pagtatalik. Pero hindi ibig sabihin nito na pwede kang manakal na lamang bigla o manabunot! 

Pag-usapan niyo ng partner mo ang mga bagay na gusto ninyong maranasan. Pwede ka ring magpaalam kung pwede bang gawin ang naiisip mo, o ‘di kaya’y gumamit kayo ng safe words para malaman kung sobra na ang nararanasan ng isa sa inyo.

‘Wag magmadali

Ang pakikipagtalik ay hindi tungkol sa pagbulalas. Umiikot dapat ito sa kasiyahan niyo bilang sexual partners o may relasyon. Kaya hindi ka dapat magmadali patungo sa climax.

Kung gagalaw ka nang mas mabilis o madiin, ang layunin mo dapat ay pasiyahin lalo ang kasiping mo, hindi lang ang sarili.

Tandaan nating ang bawat bahagi dapat ng sexy time ay masarap—simula, kalagitnaan, at katapusan. Bigyan natin ng atensyon ang buong kwento, ‘wag lang ang dulo. 

‘Wag manahimik kung hindi ka komportable 

Siyempre, kailangan mo ring masiyahan sa pagtatalik. Ibig sabihin, kailangang respetuhin ng partner mo ang mga ‘di mo nais maranasan sa kama.

Kung may mangyari man na hindi mo gusto, hindi ka dapat mahiya o matakot na sabihin ito. Kung totoong nirerespeto ka’t gusto kang alagaan ng kasiping mo, igagalang niya ang anumang sasabihin mo. Pero maigi pa ring ipaalam sa partner ang mga maaaring makabigla sa’yo. Kung gusto mong malaman pa’no niyo mapag-uusapan ang mga ganitong bagay, pwede mong basahin ang article namin tungkol diyan.

Bukod sa mga nabanggit dito, mahalaga ring mag-usap kayo ng partner o mga partner mo. Malaki ang papel ng komunikasyon sa mga relasyon, lalo na sa mga relasyong sekswal. Makakatulong ito para masigurong tuwing makikipagtalik ka, ikaw ay nasa safe space.

Pinagmulan:

https://www.healthline.com/health/healthy-sex-tips-for-men#healthy-sex-donts

Imahe mula kay zinkevych sa Freepik

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon