fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Ano bang amoy ng sex?

What does sex smell like?

Minsan habang nakikipagtalik, napapa-isip ka ba kung may makakahalata sa amoy ng kwarto mo na nakipagtalik ka? May kakaiba talaga itong amoy, ngunit mahirap ilarawan. Iyon ay dahil kumbinasyon ito ng iba’t ibang mga amoy na nagreresulta sa napakatamis na amoy ng kasiyahan. Narito ang isang listahan ng mga bagay na posibleng amoy ng sex.

Pawis

‘Pag sinabing “basa ka” habang nakikipagtalik, pwede ring dahil nagpapawis ka pala! At dahil wala kang damit na pwedeng kapitan ng pawis, mapupuno ang kwarto ng maalat na amoy ng saya at tiyaga. Ngunit, walang dapat ikahiya dahil ang pagpapawis ay normal!

Semilya

Bukod sa milyun-milyong maliliit na manlalangoy na nag-uunahan na mapertilisa ang egg cell, ang semilya ay naglalaman ng fructose (isang uri ng asukal), zinc, enzymes, at isang grupo ng iba pang mga kemikal na nakaka-ambag sa aroma nito. Ito ay maaaring amoy maalat o maasim, habang ang ilan ay naglalarawan dito bilang musky.

Vaginal Discharge

Ang pwerta at ang mga discharge nito ay maaaring magkaroon ng iba’t ibang mga amoy, tulad ng matamis, musky, malabakal, at kahit na mala-bleach — ngunit HINDI dapat ito mangamoy candy o bulaklak! Ang amoy ng mga vaginal discharge ay mas kapansin-pansin kapag nakikipagtalik, dahil ang katawan ng babae ay likas na naglilikha ng higit pa nito upang mas madali makapasok ang ari ng lalaki, sex toy, o daliri.

Latex at lube

Ang latex ay hindi masyadong kaaya-aya ang amoy. Sa kabutihang palad, karamihan sa mga condom ay mayroon nang iba’t ibang mga pabango upang umangkop sa iyong mga kagustuhan. Ang mga pabango na ginagamit sa condom ay, siyempre, banayad lamang upang hindi ito maging sanhi ng pangangati sa ari.

Karamihan sa mga lube ay walang amoy. Pero meron din namang mabango gaya ng EZ Lubricating Jelly na may Strawberry at Bubblegum scent.

Dugo

Ang mga babaeng nakikipagtalik habang nireregla o sa mga araw sa paligid ng kanilang regla ay maaaring makapansin ng metal na amoy, na nagmumula sa dugo. Bukod sa regla, ang kiskisan ng mga ari ay maaaring magdulot ng pagdurugo pagkatapos makipagtalik. Pinakamabuting kumunsulta sa doktor sa lalong madaling panahon kung madalas itong mangyari.

Malansa

Ang pagsasama-sama ng iba’t ibang mga aroma sa pakikipagtalik ay maaaring hindi ang pinaka-kaaya-ayang bagay para sa iyong ilong, ngunit karamihan sa mga amoy ay normal at walang dapat ipag-alala. Gayunpaman, ang amoy ng sex ay hindi dapat amoy malansa.

Kumonsulta sa doktor kung may napansin kang malansang amoy dahil maaaring senyales ito ng impeksyon gaya ng bacterial vaginosis o trichomoniasis.

Mga pinagmulan:

Santos-Longhurts, A. (September 10, 2020). 15 Reasons Why Vaginal Discharge Smells Different After Partner Sex and What to Do. Healthline. https://www.healthline.com/health/healthy-sex/my-discharge-smells-like-my-boyfriend 

Goldman, A. (July 29, 2020). What Does Sex Smell Like, Exactly?. Women’s Health. https://www.womenshealthmag.com/sex-and-love/a19904427/smells-like-sex/ 

Adriana. (n.d.). Ooh That Smell – What Does Sex Smell Like, Anyway?. Bad Girls Bible. https://badgirlsbible.com/what-does-sex-smell-like 

Mandal, A. (February 27, 2019). Semen Physiology. News Medical Life Sciences. https://www.news-medical.net/health/Semen-Physiology.aspx

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon