fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Bakit ako tuyo?

Ang vaginal dryness, o pagkatuyo ng puwerta, ay maraming posibleng sanhi at maaaring mangyari sa anumang edad. Hindi dapat ito magtagal o ikabahala, dahil madali ito malunasan. Ang pagkatuyo ng puwerta ay pwedeng maghantong sa pangangati, iritasyon, at kawalan ng ginhawa, at makakaapekto rin sa pakikipagtalik.

Para malaman kung ano ang maaaring lunas para sa pagkatuyo ng puwerta, kailangan alamin mo muna kung ano ang dahilan nito. Narito ang mga karaniwang psychological at physiological na mga dahilan ng pagkatuyo ng puwerta.

Stress

Ang sexual stimulation ay may kinalaman sa pisikal at mental na tugon. Ang stress at pagkabalisa ay maaaring magdulot ng mental block at makaapekto sa sexual desire. Saka ito magreresulta sa kakulangan sa dumadaloy na dugo sa ari, paghadlang sa pagpukaw, at pagpigil sa puwerta na lumikha ng sariling lubrikasyon.

Kung sa palagay mo ang stress ay nakakaapekto na sa iyong love at sex life o nahihirapan ka matamasa ang sandali dahil sa stress, baka makatulong sa ‘yo ang regular na paggawa ng mga libangan na nakakapawi ng iyong stress at pagod.

Sigarilyo

Ang paninigarilyo ay nakakaapekto sa daloy ng dugo ng buong katawan, kasama ang puwerta. Ito ay may masamang epekto sa stimulasyong sekswal, pagpukaw, at paglikha ng puwerta ng sariling lubrikasyon.

Alak

Ang alak ay nakaka-dehydrate sa buong katawan, pati ang puwerta. Kapag mas mababa ang lebel ng tubig sa katawan dahil sa alak, mas kaunti rin ang nakukuhang likido ng puwerta para sa lubrikasyon.

Ang mga nerve endings ay naaapektuhan rin ng alak. Nababawasan ang kanilang pagkasensitibo kapag ika’y umiinom, at maaaring makaapekto sa pagdama ng mga sensasyon.

Alerhiya

Ang ari at puwerta ay napakasensitibo. Ang mga sabong panlaba at fabric softener, lotion, tisyu, at ilang feminine wash na lubos ang mga pabango ay maaaring magsanhi ngsa iritasyon at pagkasensitibo, na nakakaambag sa pagkatuyo ng puwerta.

Mga gamot

Ang mga antihistamine, gamot pang hika, at antidepressants ay posibleng magsanhi sa pagkatuyo

ng puwerta. Kung nararanasan ito, huwag magpasiyang agad itigil ang gamot. Kausapin ang iyong doktor para mapayuhan kung ano ang pwede mong gawin.

Mababang antas ng estrogen

Napakahalaga ng estrogen para sa paglikha ng lubrikasyon ng puwerta.

Ang siklo ng regla ay kinokontrol ng pagtaas at pagbaba ng antas ng estrogen. Mas malaki ang tsansang makaranas ng pagkatuyo ng puwerta sa mga araw na mababa ang antas ng estrogen, gaya sa mga araw na nireregla at mga araw pagkatapos nito.

Bumababa rin ang antas ng estrogen kapag buntis o bagong panganak. Maaari ring makaranas ng pagkatuyo ng puwerta, mas mataas na tsansa ng iritasyon, at pabago-bagong libido sa mga panahong ito. Babalik rin ang mga ito sa normal pagkatapos manganak o kapag madalang na magpasuso.
Nakakaranas rin ng pagbaba ng estrogen ang mga babaeng nakakakaranas ng menopause.

Ang mga babaeng papalapit sa postmenopause ay maaaring makaranas ng pananakit o pagdurugo habang nakikipagtalik dahil sa mas mababang lubrikasyon ng puwerta.

Pagkatuyo ng puwerta at pakikipagtalik

Ang lubrikasyon ng puwerta ay karaniwang tinatawag na “getting wet” habang nakikipagtalik. Ito’y physiological na tugon ng katawan para maghanda makipagtalik. Nahihikayat ito ng sekswal na pagpukaw at istimulasyon, parehong physiologically at psychologically, na kadalasang ginagawa sa foreplay.

May mga pagkakataon na ika’y napukaw, pero hindi pa rin sapat ang lubrikasyon ng puwerta. Hindi ibig sabihin nito na hindi ka napukaw, hindi ka interesado, o hindi ka naaakit ng iyong partner. Baka kailangan lang ng iyong katawan ng kaunti pang oras at istimulasyon para makahabol sa iyong isip.

Mahalaga ang lubrikasyon ng puwerta pagdating sa penetrasyon. Masakit ang pagpasok ng ari ng lalaki, ng daliri, o ng sex toy sa tuyong puwerta. Ang kakulangan ng lubrikasyon ay maaaring magresulta sa microtears sa puwerta, na nakaka-irita at hindi komportable, at pwede ring magdugo minsan.

Anong gagawin

Ang pinakamadaling solusyon para sa tuyong puwerta habang nakikipagtalik ay ang paggamit ng personal lubricant. Ang pinakaligtas at madaling gamitin sa penetrasyon ay ang water-based lubricant, gaya ng EZ Lubricating Jelly. Ito ay ligtas ring gamitin sa karamihan ng sexual activities, pati na rin sa mga condoms at sex toys.

Mainam na kumonsulta sa doktor para anumang problema sa kalusugan, lalo na kung nakakaranas ka ng mga sintomas tulad ng:

  • Pagkatuyo ng puwerta na tumatagal nang higit sa isang linggo
  • Kawalan ng ginhawa buong araw, na nakakaapekto na sa mga gawain
  • Matinding pangangati ng puwerta
  • Pananakit habang nakikipagtalik
  • Pagdurugo pagkatapos makipagtalik
  • Madalas na pamamaga ng ari

Mga pinagmulan:

https://www.scarleteen.com/article/advice/why_dont_i_selflubricate_enough

https://helloclue.com/articles/cycle-a-z/vaginal-dryness-why-it-happens-what-you-can-do-about-it

https://www.healthline.com/health/why-am-i-dry-down-there-all-of-a-sudden#stress

https://www.elitedaily.com/p/if-youre-not-getting-staying-wet-during-sex-these-reasons-might-be-why-16970187

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish.

Modal's Close Icon