fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Breakthrough Bleeding Habang Nagpipills

Breakthrough Bleeding While On The Pills

Ang breakthrough bleeding ay hindi normal na pagdurugo na nangyayari sa pagitan ng mga regla. Ito ay karaniwang nangyayari sa mga unang buwan ng paggamit ng oral contraceptive pills. Maaari rin itong sanhi ng pagpalit sa ibang kontraseptibo o pills na may ibang dosis ng estrogen.

Mga Sanhi

Mga sanhi ng breakthrough bleeding habang nagpipills ay hindi laging tukoy. Maaaring kailanganin lamang ng iyong katawan ng kaunting panahon para umakma sa mga hormon sa pills.

Mas malaki ang tsansang makaranas ng breakthrough bleeding kung ika’y:

  • May nakaligtaang pill
  • Nagsimula uminom ng ibang gamot. Ang ilang mga antibyotiko at suplemento ay maaaring makagambala sa pills
  • Nakakaranas ng pagsusuka o pagtatae, na pumipigil sa bisa ng pills
  • Nagsisigarilyo

Anong gagawin

Ang hindi inaasahang pagdurugo na dulot ng mga pills ay karaniwang bumabawas sa paglipas ng panahon. Sa ngayon, dapat mong:

  • Ipagpatuloy ang pag-inom ng pills ayon sa direksyon. Ang breakthrough bleeding ay hindi nangangahulugan na ang pills o kontraseptibo ay hindi epektibo. Ang posibilidad ng pagbubuntis ay mababa rin kung palagian at tama ang paggamit mo ng pills. Kung ititigil mo ang paggamit nito, ang iyong tsansa na magkaroon ng hindi planadong pagbubuntis ay mataas. Maaari kang sumailalim sa pregnancy test kung may nakaligtaan pill o nakakaranas ka ng anumang mga sintomas ng pagbubuntis.
  • Obserbahan ang pagdurugo. Ang pagsubaybay nito sa isang talaarawan o kalendaryo ay makakatulong sa iyo na matukoy kung bumababa ito.
  • Isaalang-alang ang pagtigil sa paninigarilyo. Ang mga naninigarilyo ay may mas mataas na tsansa na makaranas ng breakthrough bleeding. Ang paninigarilyo ay nagdudulot din ng mas maraming mga panganib sa kalusugan habang gumagamit ng pills. Tanungin ang iyong doktor kung ano ang maaari mong gawin tungkol dito.

Kailan pupunta sa doktor

Ang breakthrough bleeding habang gumagamit ng pills ay pangkaraniwan, ngunit maaaring sanhi ito ng isang kondisyon.

Inirerekumenda na makita agad ang iyong doktor kung tumatagal ito ng higit sa pitong araw na magkakasunod, ang pagdurugo ay dumadami o lumalala, o nagdudulot ito ng sakit sa iyong puson o balakang. Susuriin ng doktor ang sitwasyon at magrerekumenda kung ano ang maaari mong gawin depende sa mga natuklasan.

Mga pinagmulan:

https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/birth-control/expert-answers/seasonale-side-effects/faq-20058109

https://www.healthline.com/health/womens-health/breakthrough-bleeding-on-the-pill#duration

Please follow and like us:

177 thoughts on “Breakthrough Bleeding Habang Nagpipills

  1. Hi Po .. 1st time ko po mag take ng Diane pills sa unang men’s ko po .. nka 12 tablets na Po ako .. pero nagulat Po ako na may spoting Po ako .. normal lng po ba un ..

    1. Normal na makaranas ng ilang mga pagbabago sa regla at siklo ng pagregla, pati na rin ang paminsang minsang spotting, lalo na sa loob ng unang tatlong buwan ng paginom ng pills. Ito ay dahil nag-a-adjust ang iyong katawan sa pagbabago ng mga antas ng hormones. Pansamantala lang ito at mawawala rin kapag nakapag-adjust na ang iyong mga hormones, na kadalasang nangyayari sa loob ng tatlong buwan. Ipagpatuloy lang po ang paginom ng pills.

  2. Natural lang po ba nung nag start ako uminom ng pills dipo humihinto mens ko. 2weeks napo halos mag 1month na sya. And nakaka kalahati na po ako ng pag inom ng pills. Pero mahina naman po yung mens ko. Natural lang po ba yun? First time ko lanv din po uminom after kong manganak sa 1st baby ko. Thank you po.

    1. Normal na makaranas ng ilang mga pagbabago sa regla at siklo ng pagregla, pati na rin ang paminsang minsang spotting, lalo na kung bago pa lang sa paginom ng pills at kakapanganak niyo lang. Ito ay dahil nag-a-adjust ang iyong katawan sa pagbabago ng mga antas ng hormones. Pansamantala lang ito at mawawala rin kapag nakapag-adjust na ang iyong mga hormones, na kadalasang nangyayari sa loob ng tatlong buwan. Ipagpatuloy lang po ang paginom ng pills.

  3. 3days po Hindi ako nakainum ng pills at dinugo po ako ano po dapat gawin ipagpatuloy po ba yong pills hanggang matapos ang pakete?pagkatapos po ba ng lumang pakete itutuloy po ba ang bagong pakete kahit di pa dinadatnat?

    1. Normal na makaranas ng ilang mga pagbabago sa regla at siklo ng pagregla, pati na rin ang paminsang minsang spotting, lalo na kung bago pa lang sa paginom ng pill. Ito ay dahil nag-a-adjust ang iyong katawan sa pagbabago ng mga antas ng hormones. Pansamantala lang ito at mawawala rin kapag nakapag-adjust na ang iyong mga hormones, na kadalasang nangyayari sa loob ng tatlong buwan. Ipagpatuloy lang po ang paginom ng pills.

    1. Normal na makaranas ng ilang mga pagbabago sa regla at siklo ng pagregla, pati na rin ang paminsang minsang spotting, lalo na kung bago pa lang sa paginom ng pill. Ito ay dahil nag-a-adjust ang iyong katawan sa pagbabago ng mga antas ng hormones. Pansamantala lang ito at mawawala rin kapag nakapag-adjust na ang iyong mga hormones, na kadalasang nangyayari sa loob ng tatlong buwan. Ipagpatuloy lang po ang paginom ng pills. Basahin rin po ito: https://doitright.ph/tl/breakthrough-bleeding-habang-nagpipills/

  4. Hello po.. nag pi-pills po ako , hindi pa po ubos ung althea pills ko at nasa kalagitnaan palang ako ay nagkaroon ako ng menstruation ngaun,bukod dun ay masakit ang aking puson at balakang.. nagkaroon ako ng miss na pills,mga 2 o 3 days ago,pero nabawi ko po agad within 12 hours ung pag inom ng isang missed pill. Bukod po dun ung oras po ng pag inom ko ng pills ay tuwing 8 pm,minsan ay nagiging 9 or 10.okay lng po ba un?
    normal po lng din po ba na nagkaroon ako bigla ng menstruation ngaun..thanks po in advance..

    1. Normal na makaranas ng ilang mga pagbabago sa regla at siklo ng pagregla, pati na rin ang paminsang minsang spotting, lalo na kung bago pa lang sa paginom ng pill. Ito ay dahil nag-a-adjust ang iyong katawan sa pagbabago ng mga antas ng hormones. Pansamantala lang ito at mawawala rin kapag nakapag-adjust na ang iyong mga hormones, na kadalasang nangyayari sa loob ng tatlong buwan. Ipagpatuloy lang po ang paginom ng pills.

  5. Hello. Nakaligtaan ko ang pills ng 4days. Then tinuloy ko ulit. after 3days, nagspotting ako pero di ko pa naman day ng pagreregla. Pano po yun? Is it safe po ba?

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon