fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Breakthrough Bleeding Habang Nagpipills

Breakthrough Bleeding While On The Pills

Ang breakthrough bleeding ay hindi normal na pagdurugo na nangyayari sa pagitan ng mga regla. Ito ay karaniwang nangyayari sa mga unang buwan ng paggamit ng oral contraceptive pills. Maaari rin itong sanhi ng pagpalit sa ibang kontraseptibo o pills na may ibang dosis ng estrogen.

Mga Sanhi

Mga sanhi ng breakthrough bleeding habang nagpipills ay hindi laging tukoy. Maaaring kailanganin lamang ng iyong katawan ng kaunting panahon para umakma sa mga hormon sa pills.

Mas malaki ang tsansang makaranas ng breakthrough bleeding kung ika’y:

  • May nakaligtaang pill
  • Nagsimula uminom ng ibang gamot. Ang ilang mga antibyotiko at suplemento ay maaaring makagambala sa pills
  • Nakakaranas ng pagsusuka o pagtatae, na pumipigil sa bisa ng pills
  • Nagsisigarilyo

Anong gagawin

Ang hindi inaasahang pagdurugo na dulot ng mga pills ay karaniwang bumabawas sa paglipas ng panahon. Sa ngayon, dapat mong:

  • Ipagpatuloy ang pag-inom ng pills ayon sa direksyon. Ang breakthrough bleeding ay hindi nangangahulugan na ang pills o kontraseptibo ay hindi epektibo. Ang posibilidad ng pagbubuntis ay mababa rin kung palagian at tama ang paggamit mo ng pills. Kung ititigil mo ang paggamit nito, ang iyong tsansa na magkaroon ng hindi planadong pagbubuntis ay mataas. Maaari kang sumailalim sa pregnancy test kung may nakaligtaan pill o nakakaranas ka ng anumang mga sintomas ng pagbubuntis.
  • Obserbahan ang pagdurugo. Ang pagsubaybay nito sa isang talaarawan o kalendaryo ay makakatulong sa iyo na matukoy kung bumababa ito.
  • Isaalang-alang ang pagtigil sa paninigarilyo. Ang mga naninigarilyo ay may mas mataas na tsansa na makaranas ng breakthrough bleeding. Ang paninigarilyo ay nagdudulot din ng mas maraming mga panganib sa kalusugan habang gumagamit ng pills. Tanungin ang iyong doktor kung ano ang maaari mong gawin tungkol dito.

Kailan pupunta sa doktor

Ang breakthrough bleeding habang gumagamit ng pills ay pangkaraniwan, ngunit maaaring sanhi ito ng isang kondisyon.

Inirerekumenda na makita agad ang iyong doktor kung tumatagal ito ng higit sa pitong araw na magkakasunod, ang pagdurugo ay dumadami o lumalala, o nagdudulot ito ng sakit sa iyong puson o balakang. Susuriin ng doktor ang sitwasyon at magrerekumenda kung ano ang maaari mong gawin depende sa mga natuklasan.

Mga pinagmulan:

https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/birth-control/expert-answers/seasonale-side-effects/faq-20058109

https://www.healthline.com/health/womens-health/breakthrough-bleeding-on-the-pill#duration

Please follow and like us:

177 thoughts on “Breakthrough Bleeding Habang Nagpipills

  1. Ano po kayang dahilan kase po sa kalagitnaan ng pag inom ko ng pills bigla poakong nag bleed.may 26 po yun nag simula samantalang dinatnan na po ako ng first week ngayong buwan.may16 nagkaroon po kmi contact mr.then kinabukasan na po ako ngmay17 nakapg take ng panibago then okay naman yun nga po pag dating ng may 26 medyo dark brown na red pa kulay na dugo lumabas til now po patak na lng po siya.ano po kaya dahilan bkit nagkaganito?salamat po

    1. Hi, Rea! Normal na makaranas ng ilang mga pagbabago sa regla at siklo ng pagregla, pati na rin ang paminsang minsang spotting, lalo na kung bago pa lang sa paginom ng pill. Bigyan lamang ng kaunting panahon ang katawan para makaadjust sa pills, at ipagpatuloy lang po ang paginom nito.

  2. nagtake po kse ako ng pills 1year na then tinigil ko po ng 1month ..after 1month nagtake ulit ako.. nung 2weeks napo akong umiinom bgla po akong nagkaroon ng period halos 9days napo pero pakonti konti lang po sia..pero iiniinom ko parin po ung pills kahit nreregla ako.. pls answer me po salamat.

    1. Hi, Cha! Kung bago lang uli sa pag-inom ng mga pills, normal na makaranas ng ilang mga pagbabago sa regla at siklo ng pagregla, pati na rin ang paminsang minsang spotting. Bigyan lamang ng kaunting panahon ang katawan para makaadjust sa pills, at ipagpatuloy lang po ang paginom nito.

  3. Hi po ako po si danzen ,3 years na akong gumagamit ng trust pills wala naman problema tapos binigyan ako sa barangay namin ng new brand of pills ,2 lines pa labg ang naiinom ko sa kalagitnaan ay ng mens na ako ano po ang ibig sabihin ?salamat po

  4. Nagswitch po ako ng micro pills nung nagkmens ako, bale 2 days lng yung mens ko at nag inom ako ng micro, after one week nagbleeding ako, sobrang lakas talaga ng mens, hanggng ngayon, mag one week na my bleeding padin pero continuous padin ako sa pag inom, normal po kaya iyon? Salamat

    1. Hi, Yhan! Kung bago lang sa pag-inom ng mga pills, normal na makaranas ng ilang mga pagbabago sa regla at siklo ng pagregla, pati na rin ang paminsang minsang spotting. Bigyan lamang ng kaunting panahon ang katawan para makaadjust sa pills, at ipagpatuloy lang po ang paginom nito.

  5. hivgoodevening po first time kopo uminom ng pills color yellow ang lalagyan nya . tapos po 2weeks and 3days napo akong umiinom then 4days napo akong dinudugo pero kakatapos ko lang pong mag mens then after 5days mens ko firsttime kong uminom ng pills . ano po ba epekto ng ganon sana po masagot

    1. Hi, Wencel! Kung bago lang sa pag-inom ng mga pills, normal na makaranas ng ilang mga pagbabago sa regla at siklo ng pagregla, pati na rin ang paminsang minsang spotting. Bigyan lamang ng kaunting panahon ang katawan para makaadjust sa pills, at ipagpatuloy lang po ang paginom nito.

  6. dati po dianne ang gamit kung pills tapos nagpalit po ako ng gynera pills pero matagal na panahon na po na ginagamit ko ang gynera pills..first time ko po nagkaroon ng bleeding eh katatapos palang ng buwanan dalaw ko.. 10days past… ang pag bleeding ko po ba ay bunga ng palagi kung pagpupuyat at. stress kasi nag aaral po ako.. anu po ba ang gagawin ko.. kusa ba itong hihinto…

  7. Hi po, umiinom po ako ng diane pills tapos nong Martes po ang nakuha ko gamot ung sa banda itaas imbes na sa baba dahil po ata sa antok na ako non.. kaya po ng sumunod na gabi ang ininom ko po ulit ay yong araw ng Martes na dapat ay naka schedule tlga ng Martes, Martes po kc ako nagkamali, Pero ung araw non pills Martes din po kaya nga lang sa itaas ko nakuha hndi sa baba.. tapos kahapon parang napansin ko magkakaroon na ako, and ngayon ngayon lng po may spot nako isang beses palang naman po nalita ko pag cr ko ngayon, tanong ko po sana kung itutuloy ko parin inomin yong natirang pill, Salamat po..

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon