fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Breakthrough Bleeding Habang Nagpipills

Breakthrough Bleeding While On The Pills

Ang breakthrough bleeding ay hindi normal na pagdurugo na nangyayari sa pagitan ng mga regla. Ito ay karaniwang nangyayari sa mga unang buwan ng paggamit ng oral contraceptive pills. Maaari rin itong sanhi ng pagpalit sa ibang kontraseptibo o pills na may ibang dosis ng estrogen.

Mga Sanhi

Mga sanhi ng breakthrough bleeding habang nagpipills ay hindi laging tukoy. Maaaring kailanganin lamang ng iyong katawan ng kaunting panahon para umakma sa mga hormon sa pills.

Mas malaki ang tsansang makaranas ng breakthrough bleeding kung ika’y:

  • May nakaligtaang pill
  • Nagsimula uminom ng ibang gamot. Ang ilang mga antibyotiko at suplemento ay maaaring makagambala sa pills
  • Nakakaranas ng pagsusuka o pagtatae, na pumipigil sa bisa ng pills
  • Nagsisigarilyo

Anong gagawin

Ang hindi inaasahang pagdurugo na dulot ng mga pills ay karaniwang bumabawas sa paglipas ng panahon. Sa ngayon, dapat mong:

  • Ipagpatuloy ang pag-inom ng pills ayon sa direksyon. Ang breakthrough bleeding ay hindi nangangahulugan na ang pills o kontraseptibo ay hindi epektibo. Ang posibilidad ng pagbubuntis ay mababa rin kung palagian at tama ang paggamit mo ng pills. Kung ititigil mo ang paggamit nito, ang iyong tsansa na magkaroon ng hindi planadong pagbubuntis ay mataas. Maaari kang sumailalim sa pregnancy test kung may nakaligtaan pill o nakakaranas ka ng anumang mga sintomas ng pagbubuntis.
  • Obserbahan ang pagdurugo. Ang pagsubaybay nito sa isang talaarawan o kalendaryo ay makakatulong sa iyo na matukoy kung bumababa ito.
  • Isaalang-alang ang pagtigil sa paninigarilyo. Ang mga naninigarilyo ay may mas mataas na tsansa na makaranas ng breakthrough bleeding. Ang paninigarilyo ay nagdudulot din ng mas maraming mga panganib sa kalusugan habang gumagamit ng pills. Tanungin ang iyong doktor kung ano ang maaari mong gawin tungkol dito.

Kailan pupunta sa doktor

Ang breakthrough bleeding habang gumagamit ng pills ay pangkaraniwan, ngunit maaaring sanhi ito ng isang kondisyon.

Inirerekumenda na makita agad ang iyong doktor kung tumatagal ito ng higit sa pitong araw na magkakasunod, ang pagdurugo ay dumadami o lumalala, o nagdudulot ito ng sakit sa iyong puson o balakang. Susuriin ng doktor ang sitwasyon at magrerekumenda kung ano ang maaari mong gawin depende sa mga natuklasan.

Mga pinagmulan:

https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/birth-control/expert-answers/seasonale-side-effects/faq-20058109

https://www.healthline.com/health/womens-health/breakthrough-bleeding-on-the-pill#duration

Please follow and like us:

177 thoughts on “Breakthrough Bleeding Habang Nagpipills

  1. Hi po, marami ako namiss na pills at during that missed pills my intercourse po kami ng BF ko. Naun 1 week bago expected menstruation ko since regular po ako nagspotting po ako ng 2 days watery pinkish at brown po pg nagwipe lng po ako. Normal lng ba un side effect ng pills or implantation na po un? thanks

  2. Nagkaregla poh ak ng june 19 to 23 ngaun poh june 2 bigla poh ak ngkaroon ulit.1yr n poh akng ngpipills.ituloy kap din b ung pagpipills?

  3. Hello po..mag 3 months palang akong gumagamit ng pills.Neregla na Ako itong June 14.pero 6 days na akong nag spotting Hindi pa ubos Ang pills ko.july 4 po Ang tapos ng last take ko ng pills.Normal lang po ba Ito?

  4. hi po tanong ko lng po 2 months plng po ako gumamit ng pills bakit po ni reregla na po ako 12 pcs plng na inom ko na pills tapos yung regla ko june 12 pa nawala taa ngayon ne regla ako

    1. Hi, Rosalie! Normal na makaranas ng ilang mga pagbabago sa regla at siklo ng pagregla, pati na rin ang paminsang minsang spotting, lalo na kung bago pa lang sa paginom ng pill. Bigyan lamang ng kaunting panahon ang katawan para makaadjust sa pills, at ipagpatuloy lang po ang paginom nito.

  5. Hi po nung June 03 ako nagstart magpills after one week LNG nagkaroon nako straight hanggang ngaun.. Hindi ko nmn po hininto ang pagpills tinulog ko LNG.. first time LNG po to nangyari sakin..

    1. Hi, Mary Christine! Normal na makaranas ng ilang mga pagbabago sa regla at siklo ng pagregla, pati na rin ang paminsang minsang spotting, lalo na kung bago pa lang sa paginom ng pill. Bigyan lamang ng kaunting panahon ang katawan para makaadjust sa pills, at ipagpatuloy lang po ang paginom nito.

    1. Hi, Heart! Normal na makaranas ng ilang mga pagbabago sa regla at siklo ng pagregla, pati na rin ang paminsang minsang spotting, lalo na kung bago pa lang sa paginom ng pill. Bigyan lamang ng kaunting panahon ang katawan para makaadjust sa pills, at ipagpatuloy lang po ang paginom nito.

  6. hello po, more than 1 year na po akong gumagamit sa pills na ito pero bakiy po ngayon june lang po eh naka 12 tablets palang po ako eh may bleeding na po ako eh kareregla ko palang po noong june 3 po. Ano po kayang sanhi neto salamat po.

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon