fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Cowgirl 101 para sa mga Lalaki

Sa lahat ng mga sex position na maaaring gawin ng mga tao, ang Cowgirl ay isa sa mga kinakabitan ng negatibong konotasyon. Isa itong posisyon kung saan mas madalas gumalaw ang babae habang nakahiga lamang ang lalaki.

Pero hindi dapat isipin na pang-tamad ang posisyon na ito. Sa katunayan, pwede itong maging kapana-panabik na posisyon, if you know how to #DoItRight. At ‘yun ang dahilan kung bakit nandito kami!

Beterano ka man sa sexy time o baguhan at curious sa sex position na ito, bibigyan ka namin ng mga tips dito para sa intense at kaliga-ligayang Cowgirl. Humanda ka na, pre, dahil pag-uusapan natin ang mga dapat gawin kapag “sinakyan” ka ni babe!

Ano ito?

Ang Cowgirl position ay isang karaniwan na posisyon sa pagtatalik. Sa Cowgirl, sumasakay ang babae sa lalaki. Ang babae ang gumagalaw at siya ring may “kontrol” sa pagtatalik.

Dahil sa effort na kailangan ng isang babae sa pagsagawa ng Cowgirl, madaling isipin na ang posisyong ito ay para sa mga tamad na lalaki. Pero babasagin natin ang palaisipan na ‘yan!

How do we #DoItRight?

Marami pa rin namang pwedeng gawin ang mga lalaki habang nasa ibabaw ang mga babae. Sa katunayan, posibleng magbigay ng maraming “stimulation” na pwedeng ibigay ang isang lalaki kahit na nakahiga siya.

Gamitin ang mga pwedeng igalaw

Bagama’t limitado ang galaw ng iyong baywang, mga hita, at paa, may mga pwede ka pa ring ikilos habang nakasakay si babe sa’yo.

Pansinin mo ang ritmo ni babe at sabayan mo ito. Subukan mong sumabay sa kanyang pagbayo, para sa mas intense at mas masarap na aksyon.

May mga maaari kang igalaw sa itaas na bahagi ng iyong katawan habang nakasakay sa’yo ang partner mo. Gamitin mo ang iyong mga braso’t kamay. Ibig sabihin, pwede mong haplusin ang mukha, leeg, dibdib, o tagiliran ni babe. Kung okay lang sa kanya na masakal sa leeg o kapitan nang mahigpit ang kanyang dibdib, alam mo na ang dapat mong gawin.

Tandaan mong ang pakikipagtalik ay isang sayaw ng kasiyahan, kaya hayaan mo ang iyong katawan na gumalaw kasabay ng kumpas ng iyong partner.

Maging vocal

Communication is key, ika nga, kaya ‘wag kang mahiyang magsalita. Sabihin mo kay babe kung gaano kasarap ang ginagawa niyo, at bigyan mo siya ng espasyong magsalita tungkol sa mga ginagawa mo. Huwag mahiyang umungol. Hindi ‘yun makakabawas sa iyong pagkalalaki. Sa katunayan, lalo ka pa ngang magiging mapusok na kasiping dahil dun.

Hindi ka rin dapat mahiyang makipag-dirty talk. May mga babaeng natu-turn on dun. At kung ganun ang partner mo, bumanat ka ng mga linyang “Ang sarap mo!” o “Ang galing mo, babe!” Kung kinakailangan mo ng tulong sa sex talk, we got’chu! Pwede kang mag-take ng Dirty Talk 101. ‘Wag kang maag-alala, walang exams o quizzes diyan! (Pero magagamit mo ang kaalaman sa isang recitation with babe.) . 

Mag-experiment

May mga “twist” na pwedeng gawin sa Cowgirl position. Pag-eksperimentuhan niyo ng partner mo ang mga ito nang malaman kung alin ang pinaka-astig para sa inyo.

  • Ang Reverse Cowgirl ay isang position kung saan sa kabilang direksyon nakaharap ang babae. Sa ganitong position, kitang-kita mo ang kanyang likuran, at pwede kang kumapit sa kanyang balakang habang gumagalaw siya.
  • Meron tayong tinatawag na Crab position kung saan nakasandal sa likod ang babae habang nakasakay sa lalaki. Sa ganitong posisyon, mas exposed ang kanyang ari, at pwede mo itong galawin gamit ang iyong mga kamay. Baka mabaliw siya niyan!
  • Sa Horizontal Cowgirl naman, nakayuko ang babae, at pwede kayong mag-face-to-face. Sa ganung posisyon, marami kayong pwedeng gawin. Maaari mo siyang halikan, o halikan ang kanyang leeg, tenga, etc.

Ang Cowgirl position ay pwedeng maging empowering sa iyong partner dahil kapag ginawa niyo ito, hinahayaan mong magkaroon ng kontrol sa pakikipagtalik ang babae. Hinahayaan mo siyang mag-lead ng sexy time. At kung ikaw ay isang supportive na lalaki, ikatutuwa mong sumunod sa mga kagustuhan niya!

Sa pagiging mabuting sexual partner, maaari mong bigyan si babe ng mga sexy time na ‘di niya malilimutan. Enjoy!

Mga Pinagmulan:

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon