fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Ito Ang Mga Dapat Mong Malaman Tungkol Sa Vaginal Yeast Infection (Vulvovaginal Candidiasis)

Yeast Infection, Doctor, Women, Vaginal Yeast Infection, Reproductive Health

Ang pwerta ay natural na may malusog na balanse ng mabuting bakterya at yeast. Ang hormon estrogen ay tumutulong sa lactobacilli (isang bakterya) na lumago, at puksain ang nakakapinsalang mga organismo sa pwerta upang mapanatili kang malusog. Kapag ang balanse na ito ay nagulo, ang candida (isang fungus) ay maaaring lumago nang labis at magreresulta sa yeast infection.

Paano Ito Nakukuha

Kahit sino sa anumang oras ay maaaring magkaroon ng yeast infection. Pwede rin magkaroon nito ang mga lalaki sa kanilang ari at bayag, ngunit hindi ito masyadong karaniwan kumpara sa mga babae.

Larawan galing sa: https://www.netmeds.com/health-library/post/vaginal-yeast-infection-causes-symptoms-and-treatment

Kapag ang balanse sa kapaligiran ng iyong pwerta ay nabago, maaaring lumago nang labis ang yeast at humantong sa isang impeksyon. Ang ilan sa mga bagay na maaaring maging sanhi nito ay:

  • Mga pagbabago sa hormon (tulad ng panahon ng regla, pagbubuntis, o menopos)
  • Diyabetis
  • Mga antibyotiko, cortisone, at iba pang gamot
  • Mahinang resistensya
  • Mga feminine douche at spray 

Ang yeast infection ay hindi itinuturing na sexually transmitted infectionl (STI), gayunpaman, maaari kang magkaroon nito mula sa pakikipagtalik kapag ang iyong katawan ay may masamang reaksyon sa natural na genital yeast at bacteria ng kasosyo.

Mga Sintomas

Ang pangangati sa loob at paligid ng ari ay ang pinakakaraniwang sintomas ng yeast infection. Maaari ka rin makaranas ng:

  • Pamumula at pamamaga ng ari, na tila mainit ang pakiramdam
  • Pananakit o pangingirot ng ari kapag umiihi
  • Pananakit o pangingirot kapag nagtatalik
  • Pananakit at pagkahapdi ng ari
  • Malapot, maputi, at walang amoy na vaginal discharge (mukhang cottage cheese)

Maaaring lahat o iilan lamang sa mga sintomas ang iyong maranasan, ngunit kung minsan may mga sintomas na may pagkakapareho sa iba pang mga kondisyon at STI. Ang tamang pagsusuri ay makakatulong na makakuha ng pinakamahusay na paggamot, kaya mabuti na kumunsulta sa iyong tagabigay ng serbisyong pangkalusugan kung sa palagay mong mayroon kang yeast infection o nakakaranas ng anumang sintomas.

Pano Ito Lunasan

Ang mga antifungal cream, ointment, at mga suppositori ay kadalasang nalulunasan ang yeast infection sa loob ng ilang araw. Ang iyong tagapagbigay ng serbisyong pangkalusugan ay maaari ring magreseta sa iyo ng tableta. Anuman ang ibibigay sa iyo na gamot, siguraduhin na susundan mo ang mga direksyon upang matiyak na ang yeast infection ay lubos na mawala.

Ang priksyon ay maaaring makadagdag sa pangangati o gawing mas mahirap malunasan ang impeksyon, kaya mas mahusay na magpahinga muna sa pakikipagtalik o magpasok ng anumang bagay sa loob ng iyong ari hanggang sa matapos ang paggagamot. Ang ilan sa mga gamot para sa ari ay naglalaman ng langis, na maaaring makasira ng mga condom. Ang yeast infection ay makati at nakakahikayat na magkamot, ngunit subukang pigilan ang iyong sarili na magkamot para mas madali magamot ang impeksyon.

Paano Ito Maiiwasan

Ang paggamit ng condom ay isa sa mga pinakamahusay na paraan upang maiwasan ang pagkakaroon at pagpasa ng yeast infection. Kahit na ito ay karaniwang nangyayari, narito ang mga paraan kung paano mo maiwasan ito:

  • Magsuot ng preskong panty tulad ng gawa sa koton
  • Iwasang magsuot ng mga damit na sobrang hapit
  • Huwag mag-douche ng iyong pwerta
  • Gumamit ng mga feminine hygiene products na walang halong pabango
  • Iwasan magbabad sa mga mainit na tubig (gaya ng jacuzzi)
  • Magpalit kaagad kapag basa o mamasa-masa ang damit
  • Laging punasan ang ari mula sa harap papuntang likod pagkatapos magbanyo
  • Regular na palitan ang iyong napkin o tampon kapag nireregla
  • Sikapin na makakuha ng tamang paggamot para sa iyong diyabetis
  • Gumamit lamang ng mga antibyotiko kapag kailangan
  • Panatilihing malinis at tuyo ang iyong ari
  • Panatilihing malinis ang katawan

Mga Pinagmulan:

https://www.webmd.com/women/guide/understanding-vaginal-yeast-infection-basics#1

https://www.plannedparenthood.org/learn/health-and-wellness/vaginitis/what-yeast-infection

https://www.webmd.com/women/guide/10-ways-to-prevent-yeast-infections

Please follow and like us:

97 thoughts on “Ito Ang Mga Dapat Mong Malaman Tungkol Sa Vaginal Yeast Infection (Vulvovaginal Candidiasis)

  1. Helow puh…share q lng puh medjo natatakot n DN KC AQ…lage puh AQ nghuhugas pag ngtoilet…minsan maligamgam n tubig at konting Suka…napapansin q puh KC ngdidischarged AQ NG puti malapot parang sipon…ndi amn xa mabho…pero SA isang buwan 2x lumlbs .normal puh un…plzzz rep….

    1. Hi Rose! Bakit po gumagamit ng suka sa paghugas ng ari? Posible pong magdulot ng iritasyon ang suka sa iyong ari dahil ito ay masyadong marahas para sa manipis at sensitibong balat ng ari. Hugasan ito gamit ang malinis at maligamgam na tubig, at dahan-dahan dampiin para matuyo bago magsuot ng malinis na panty. Maraming posibleng makaapekto sa vaginal discharge, kasama na ang kinakain at gamot na iniinom. Nakakaranas ka rin ba ng iba pang sintomas? Baka makatulong rin po sa inyo ito: https://doitright.ph/tl/gabay-sa-mga-kulay-ng-vaginal-discharge/

    1. Hi Ella! Naghuhugas ka po ba ng ari? May ibang sintomas pa po bang nararanasan? May ilang posibleng sanhi ng pangangati ng ari, kasama na rito ay ilang mga impeksyon o kaya’y paggamit ng sabon o femine wash na hindi ka hiyang. Araw-araw siguraduhin na malinis ang ari. Hugasan ito gamit ang malinis na tubig, at dahan-dahan dampiin para matuyo bago magsuot ng malinis na panty. Iwasan ang madalas at matagal na pagsuot ng masisikip na damit, at huwag muna makipagtalik habang hindi pa nawawala ang pangangati o hindi pa nakakapunta sa doktor. Kung lumala pa ito, tumagal nang isang linggo, o may iba pang sintomas na nararanasan, mabuting magpasuri na sa obgyn para malaman ang sanhi at kung ano pwedeng gamot.

  2. Sa tingin nyo po ano po kayang infection ang nararanasan ko ngaun dahil every day po nagpupunas nmn po ako ng tissue pagkatapos mag c.r pero po may amoy pa dn po sya

      1. Hi Mhayumi! May ilang mga impeksyon na posibleng sanhi ng mabahong vaginal discharge. May ibang sintomas ka pa po bang nararanasan? Mainam na magkonsulta sa obgyn kaagad upang masuri kung ano ang sanhi ng iyong nararanasan at mapayuhan ka kung ano pwedeng gamot. Siguraduhin rin na palaging malinis ang ari sa pamamagitan ng paghugas nito araw-araw. Gumamit lamang ng maligamgam na tubig, at dahan-dahan dampiin para matuyo bago magsuot ng malinis na panty. Iwasan rin ang pagsuot ng masisikip na damit, at huwag muna makipagtalik habang hindi pa nakakapunta sa doktor. Baka makatulong rin sa inyo ang pagbasa sa artikulong ito: https://doitright.ph/tl/gabay-sa-mga-kulay-ng-vaginal-discharge/

  3. Hello Po, maaari pobang Yeast infection Ang nararamdaman ko ngayon. May pamamaga at pagsakit Po sa aking pwerta , naglalabas den Po ng puti at malapot .. na kapag iihi Po ako ay mahapdi. SA pakikipag talik Lang Po ba makukuha Ito? Kase Po di Po ako NAKIKIPAG talik. Ano Po Ang pwede Kong gawin o bilin ng gamot? Inaasahan kopo Ang inyong sagot.

    1. Hi Shakara! Gaya nga po ng sabi sa artikulong ito, ang yeast infection ay maaaring makuha ng sino man dahil hindi ito nakukuha lamang sa pakikipagtalik. Mabuting magpunta sa obgyn para masuri kung yeast infection nga talaga ang sanhi ng iyong mga nararamdaman, at para mapayuhan ka kung ano ang pwedeng gamot.

  4. my discharge na medyo malansa ang amoy kapag nagcocontact kami ng asawa ko, d naman po makati walang masakit sa pwerta, wala ponv mga butlig , yun lang po my amoy at sa magkabilang singig po un po anv minsan ang masakit., ligated po ako pero tali lang cia, ano.po ba dapat gawin. , 40 yrs. old na po, salamat po.

    1. Hi Angel! May ilang mga impeksyon na posibleng sanhi ng mabahong vaginal discharge. May ibang sintomas ka pa po bang nararanasan? Mainam na magkonsulta sa obgyn kaagad upang masuri kung ano ang sanhi ng iyong nararanasan at mapayuhan ka kung ano pwedeng gamot. Siguraduhin rin na palaging malinis ang ari sa pamamagitan ng paghugas nito araw-araw. Gumamit lamang ng maligamgam na tubig, at dahan-dahan dampiin para matuyo bago magsuot ng malinis na panty. Iwasan rin ang pagsuot ng masisikip na damit, at huwag muna makipagtalik habang hindi pa nakakapunta sa doktor.

  5. Good day po , nangangati rin po pwerta ko at diko maiwasang kamotin ito kaya minsan pag mag ihi nako mahapdi na siya , minsan yung kati maramdaman ko sa luob pero minsan lang naman , nag pa check-up ako at ang binigay na gamot ay CALESTINE VAGINA(DIKO SURE ANG NAME KASI NASA KWARTO KO) PERO NAG TAKA AKO kasi po imbis inomin ay ipasok pala sa vagina ko medyo malaki ang gamot matutunaw ba ito sa luob? SALAMAT PO!

    1. Hi Nana! Ano po ang sinabi sa iyo ng doktor? Natanong mo po ba ito sa kanya? Kung iyan po ang inireseta ng iyong doktor, mabuting sundin nang mabuti ang kanyang payo para siguradong mapuksa ang iyong nararanasang pangangati.

  6. Nangangati po ang labas lng ng ari ko,pero ndi po ang loob,,parang rashes ndi ko po kasi nararamdaman ang mga sinasabing pangangati sa loob ng vagina at mahapding pagihi or kht ang lumalabas na puti na dinidischarge ako po kaya ang pwede kung gwin,slamat po.

    1. Hi Anna! Baka makatulong sa iyo ang paghugas sa iyong ari araw-araw, at least isang beses. Gumamit lamang ng maligamgam na tubig, at dahan-dahan dampiin ito para matuyo bago magsuot ng malinis na panty. Baka makatulong rin po ang pagpalit sa sabon panlaba para sa panty, at umiwas sa pagsuot ng masisikip na damit. Mabuti ring gumamit lamang ng napkin na walang pabango. Kung lumala pa rin ang rashes, mabuting magpunta na sa doktor para masuri.

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon