fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Ito Ang Mga Dapat Mong Malaman Tungkol Sa Vaginal Yeast Infection (Vulvovaginal Candidiasis)

Yeast Infection, Doctor, Women, Vaginal Yeast Infection, Reproductive Health

Ang pwerta ay natural na may malusog na balanse ng mabuting bakterya at yeast. Ang hormon estrogen ay tumutulong sa lactobacilli (isang bakterya) na lumago, at puksain ang nakakapinsalang mga organismo sa pwerta upang mapanatili kang malusog. Kapag ang balanse na ito ay nagulo, ang candida (isang fungus) ay maaaring lumago nang labis at magreresulta sa yeast infection.

Paano Ito Nakukuha

Kahit sino sa anumang oras ay maaaring magkaroon ng yeast infection. Pwede rin magkaroon nito ang mga lalaki sa kanilang ari at bayag, ngunit hindi ito masyadong karaniwan kumpara sa mga babae.

Larawan galing sa: https://www.netmeds.com/health-library/post/vaginal-yeast-infection-causes-symptoms-and-treatment

Kapag ang balanse sa kapaligiran ng iyong pwerta ay nabago, maaaring lumago nang labis ang yeast at humantong sa isang impeksyon. Ang ilan sa mga bagay na maaaring maging sanhi nito ay:

  • Mga pagbabago sa hormon (tulad ng panahon ng regla, pagbubuntis, o menopos)
  • Diyabetis
  • Mga antibyotiko, cortisone, at iba pang gamot
  • Mahinang resistensya
  • Mga feminine douche at spray 

Ang yeast infection ay hindi itinuturing na sexually transmitted infectionl (STI), gayunpaman, maaari kang magkaroon nito mula sa pakikipagtalik kapag ang iyong katawan ay may masamang reaksyon sa natural na genital yeast at bacteria ng kasosyo.

Mga Sintomas

Ang pangangati sa loob at paligid ng ari ay ang pinakakaraniwang sintomas ng yeast infection. Maaari ka rin makaranas ng:

  • Pamumula at pamamaga ng ari, na tila mainit ang pakiramdam
  • Pananakit o pangingirot ng ari kapag umiihi
  • Pananakit o pangingirot kapag nagtatalik
  • Pananakit at pagkahapdi ng ari
  • Malapot, maputi, at walang amoy na vaginal discharge (mukhang cottage cheese)

Maaaring lahat o iilan lamang sa mga sintomas ang iyong maranasan, ngunit kung minsan may mga sintomas na may pagkakapareho sa iba pang mga kondisyon at STI. Ang tamang pagsusuri ay makakatulong na makakuha ng pinakamahusay na paggamot, kaya mabuti na kumunsulta sa iyong tagabigay ng serbisyong pangkalusugan kung sa palagay mong mayroon kang yeast infection o nakakaranas ng anumang sintomas.

Pano Ito Lunasan

Ang mga antifungal cream, ointment, at mga suppositori ay kadalasang nalulunasan ang yeast infection sa loob ng ilang araw. Ang iyong tagapagbigay ng serbisyong pangkalusugan ay maaari ring magreseta sa iyo ng tableta. Anuman ang ibibigay sa iyo na gamot, siguraduhin na susundan mo ang mga direksyon upang matiyak na ang yeast infection ay lubos na mawala.

Ang priksyon ay maaaring makadagdag sa pangangati o gawing mas mahirap malunasan ang impeksyon, kaya mas mahusay na magpahinga muna sa pakikipagtalik o magpasok ng anumang bagay sa loob ng iyong ari hanggang sa matapos ang paggagamot. Ang ilan sa mga gamot para sa ari ay naglalaman ng langis, na maaaring makasira ng mga condom. Ang yeast infection ay makati at nakakahikayat na magkamot, ngunit subukang pigilan ang iyong sarili na magkamot para mas madali magamot ang impeksyon.

Paano Ito Maiiwasan

Ang paggamit ng condom ay isa sa mga pinakamahusay na paraan upang maiwasan ang pagkakaroon at pagpasa ng yeast infection. Kahit na ito ay karaniwang nangyayari, narito ang mga paraan kung paano mo maiwasan ito:

  • Magsuot ng preskong panty tulad ng gawa sa koton
  • Iwasang magsuot ng mga damit na sobrang hapit
  • Huwag mag-douche ng iyong pwerta
  • Gumamit ng mga feminine hygiene products na walang halong pabango
  • Iwasan magbabad sa mga mainit na tubig (gaya ng jacuzzi)
  • Magpalit kaagad kapag basa o mamasa-masa ang damit
  • Laging punasan ang ari mula sa harap papuntang likod pagkatapos magbanyo
  • Regular na palitan ang iyong napkin o tampon kapag nireregla
  • Sikapin na makakuha ng tamang paggamot para sa iyong diyabetis
  • Gumamit lamang ng mga antibyotiko kapag kailangan
  • Panatilihing malinis at tuyo ang iyong ari
  • Panatilihing malinis ang katawan

Mga Pinagmulan:

https://www.webmd.com/women/guide/understanding-vaginal-yeast-infection-basics#1

https://www.plannedparenthood.org/learn/health-and-wellness/vaginitis/what-yeast-infection

https://www.webmd.com/women/guide/10-ways-to-prevent-yeast-infections

Please follow and like us:

97 thoughts on “Ito Ang Mga Dapat Mong Malaman Tungkol Sa Vaginal Yeast Infection (Vulvovaginal Candidiasis)

    1. Hi Vaneza! Posibleng kakulangan sa pampadulas ang sanhi ng pananakit habang nagtatalik. Baka makatulong ang paggamit ng water-based lubricant gaya ng EZ Lubricating Jelly para gawing mas swabe at kaaya-aya ang pagtatalik, patagalin ang foreplay, o sumubok ng ibang posisyon. Kung hindi ito nakatulong at nakakaranas ng iba pang sintomas, mabuting makipag-ugnay sa obgyn para masuri kung mayroon bang impeksyon o ibang kondisyon na nagdudulot ng pananakit.

  1. Hi po.ask.ko.lmg po.evryday nkkramdam ako ng pangngati ng ari pero sa gilid lmg amn.po.xa ala.sa.loob ng pepe.sbrng kati nia dko.maiwasamg d kamutim tapos my time.na sbay ang singit at ung gilid nagkbila ng pepe.grave ang kati.hinuhgasn ko xa ng mainit na tubig na my asin nwawala ang kati pero.aftr a minute makati na nmn.ano.po.ba dpat gawin😒😒.

    1. Hi Rhodora! Maraming posibleng sanhi ng iyong nararamdaman, gaya ng impeksyon. Doktor lang po ang makakasuri sa inyo. Mabuting makipag-ugnay sa health center kaagad ukol dito para masuri at mapayuhan ka sa pwedeng solusyon. Kung hindi pa makapunta sa health center, araw-araw siguraduhin na malinis ang ari. Hugasan ito gamit ang malinis at maligamgam na tubig, at dahan-dahan dampiin para matuyo bago magsuot ng malinis na panty. Iwasan rin ang madalas at matagal na pagsuot ng masisikip na damit. Iwasan rin po ang pagkamot dito o madalas na paghawak dito dahil baka makalala ito sa pangangati. Uminom ng maraming tubig araw-araw. Baka makatulong rin po ito sa inyo: https://doitright.ph/tl/pagpapanatiling-malinis-ang-ari-ng-babae/

  2. Hi, natural lang po ba after manganak eh magkakaron ng malagkit na white ments na lumalabas sa private part ko at minsanan na pangangati. Dapat na din po bang umieas sa pakikipagtalik kapag nakakaranas ng ganitong symptoms. Ano po ba ang dapat gawin??

  3. hello po? buntis po ako ngayon nakakaranas ako ng sintomas ng yeast infection, posibble po kaya na yeast infection to? kasi nagpatest naman ako sa hiv, syphillis mga ganon lahat negative naman, mataas lang yung sa uti ko pero nakaka irita kasi ang kati nya, dumagdag pa yung pag ahit ko sa puvic hair ko. nag lalagay ako ng cream pero bakit para hindi effective nakakairita talaga ano kayang dapat kong gawin??

    1. Hi Jes! Ang mga babae ay karaniwang nakakaranas ng mga pagbabago sa hormon kapag sila’y buntis, at isa sa mga epekto nito ay ang pagiging mas sensitibo ng ari. Ang pag-aahit rin po ng buhok sa maselang bahagi ng katawan ay talagang nakakadagdag sa pangangati. Itong cream po ba na inyong nilalagay ay niriseta ng iyong doktor? Napakahalaga rin po ng kalinisan sa sarili para maiwasan ang anumang pangangati sa ari. Araw-araw siguraduhin na malinis ang ari. Hugasan ito gamit ang malinis at maligamgam na tubig, at dahan-dahan dampiin para matuyo bago magsuot ng malinis na panty. Iwasan ang madalas at matagal na pagsuot ng masisikip na damit, at huwag muna makipagtalik habang hindi pa nawawala ang pangangati o hindi pa nakakapunta sa doktor. Doktor lang po ang makakasuri at makakabigay ng reseta para sa iyong kondisyon. Mabuting makipag-ugnay sa iyong obgyn ukol dito.

  4. May fungal infection po ako sa ari nitong march po bumalik po ulit ang pangangati matapos ko makipagtalik sa ngayon po hindi pa pwede lumabas dahil sa lockdown sa aming lugar baka po sa Mayo or Hunyo pa ko makapag pa check up ulit sa OB ayos lang po ba yun? Hindi po ba lalala ang aking kalagayan kung mag aantay pa po ako ng halos dalawang buwan pero sa ngayon po ay umiinom muna ako ng cetirizine para makaiwas konti sa kati. Ano pong magandang gawin kasi di po talaga pwede lumabas ng bahay

    1. Hi Shine! Sa ngayon, araw-araw siguraduhin na malinis ang ari. Hugasan ito gamit ang malinis at maligamgam na tubig, at dahan-dahan dampiin para matuyo bago magsuot ng malinis na panty. Iwasan ang madalas at matagal na pagsuot ng masisikip na damit, at HUWAG muna makipagtalik habang hindi pa nawawala ang fungal infection o hindi pa nakakapunta sa doktor. Maaaring mahawa ang iyong partner o lumala ang impeksyon kapag nakipagtalik ka nang hindi pa nagagamot iyan.

  5. Hello po ask ko Lang po bakit po kaya every month meron akong anty fungal sa pepe 😒 lahat naman po nung gamot na nireseta sa akin sinunod ko po pero bakit po kaya pabalik balik nalang pangangati 😭😭 pero after 3days nawawala po sya pero evermonth nagkakaroon aq ng pangangati 😭

    1. Hi Khaye! Naghuhugas po ba ng ari at nagpapalit ng malinis na panty araw-araw? Malaki ang halaga ng pagpapanatiling malinis ang katawan, lalo na ang ari, para sa pag-iwas ng pangangati at pagbalik ng mga impeksyon.

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon