fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Makati Ang Ari Mo, Siz?

Got An Itchy Cooch

Hindi talaga komportable kapag nangangati ang ari, lalo na ang pwerta at bulba (ang labia, clitoris, at pagbubukas ng pwerta) ay napaka-sensitibong mga parte.

Karamihan sa mga sanhi ng pangangati ng ari ay hindi kailangan ikabahala. Karaniwan itong maranasan ng mga babae at madalas nawawala rin nang kusa.

Marami ang posibleng dahilan ng pangangati, at kung minsan ito ay bunga ng isang lingid na kondisyon o impeksyon. Mas mabuting suriin ito kaagad ng doktor kung ito ay malala o sa palagay mo ay isang kondisyon ang sanhi nito. Ang paggamot nang sarili ay baka makalala lang sa sitwasyon lalo na kapag hindi mo tukoy ang sanhi ng pangangati.

Mga posibleng sanhi ng pangangati ng ari

Narito ang ilan sa mga posibleng sanhi ng pangangati ng ari at ng mga paligid nito.

Mga kemikal

Malamang ginagamit mo ang ilan sa mga ito araw-araw. Ang pagdikit masyado ng mga kemikal sa ari ay maaaring magsanhi ng isang reaksiyong alerdyi at gawing makati ang ari. Karaniwang mga kemikal na nakakasanhi ng iritasyon ay:

  • Sabon
  • Mga bubble bath o bath bomb
  • Mga feminine spray at wash
  • Mga douche
  • Mga cream
  • Mga ointment
  • Mga sabon panlaba
  • Mga fabric conditioner
  • Mga tissue at wet wipes na may pabango

Para sa mga may diyabetis o nakakaranas ng kawalan ng pagpipigil sa ihi (urinary incontinence), ang ihi ay maaari ring maging sanhi ng pangangati at iritasyon sa ari.

Mga pagbabago sa hormon

Ang pagbaba ng antas ng estrogen, na madalas na nangyayari sa panahon ng menopos at pagpapasuso, ay nagiging sanhi ng pagnipis ng vaginal lining (kapaligiran ng pwerta). Kapag nangyari ito, humantong ito sa pagkatuyo ng pwerta at nagiging sanhi ng pangangati at iritasyon.

Ang antas ng estrogen ay tumaas muli kapag ang mga nagpapasuso na ina ay tumitigil na.

Sakit sa balat

Ang pangangati sa parte ng ari ay maaaring mula sa mga sakit sa balat tulad ng eksema (eczema) at soryasis (psoriasis).

Ang eksema, o atopic dermatitis, ay pagpantal-pantal na karaniwang nakakaapekto sa mga may hika o alerdyi. Ang mga pantal ay mapula-pula, makati, at makaliskis. Maaari rin itong kumalat sa ari sa ilang mga kaso.

Ang soryasis ay medyo pangkaraniwan. Nagdudulot ito ng makaliskis, makati, at pulang mga patse sa anit at kasukasuan. Minsan pwede rin ito magkaroon sa ari.

Mga sexually transmitted infection

Ang gonorrhea, chlamydia, genital warts (kulugo sa ari), genital herpes (buni sa ari), at trichomoniasis ay ilan sa mga STI na maaaring maging sanhi ng pangangati sa ari. Ang iba pang mga sintomas na maaari din nilang ipakita ay berde o dilaw na vaginal discharge (likido mula sa pwerta) at pananakit o pangingirot sa pag-ihi.

Yeast infection

Ang pwerta ay likas na may mahusay na balanse ng yeast at iba pang mabubuting bakterya. Pinapanatili ng mga bakteryang ito na malusog ang pwerta at hindi dapat maging sanhi ng anumang problema; maliban kung ang paglago ng yeast ay sumobra.

Ang yeast infection ay resulta ng labis na pagdami ng yeast sa pwerta. Ito ay isang pangkaraniwang kondisyon na maaaring makaapekto sa maraming babae, lalo na sa mga kakatapos uminom ng siklo ng mga antibyotiko. Sinisira ng mga ganitong uri ng mga gamot ang mabuting bakterya na bumabalanse sa paglago ng yeast.

Ang pangangati ng pwerta at tila nasusunog na pakiramdam na sinamahan rin ng puti at malapot na vaginal discharge ay mga sintomas ng yeast infection.

Bacterial vaginosis

Ang bacterial vaginosis (BV) ay isa ring karaniwang sanhi ng pangangati ng ari.

Ang kawalan ng tamang balanse ng mabuti at masamang bakterya sa pwerta ay siya ring nagsasanhi ng BV.

Ang BV ay hindi palaging nagpapakita ng mga sintomas, ngunit kung mayroon man, kadalasan ay kasama rito ay ang pangangati, at abnormal at mabahong vaginal discharge. Maaaring manipis at kulay-abo o puti. Minsan mabula-bula rin ito.

Vulvar cancer

Sa mga bihirang kaso, ang kanser sa bulba (vulvar cancer) ay ang sanhi ng pangangati ng ari. Ang ganitong uri ng kanser ay nangyayari sa bulba (vuvla), ang panlabas na bahagi ng ari ng babae. Kasama dito ang panloob at panlabas na labia, klitoris, at pagbubukas ng pwerta.

Ang kanser sa bulba ay hindi palaging nagpapakita ng mga sintomas, ngunit maaaring kasama rito ang pangangati, abnormal na pagdurugo, o pananakit sa bulba

Ang maagang pagsusuri ay ang susi sa matagumpay na paggamot. Ito ang dahilan kung bakit mahalaga ang regular na nagpapasuri sa doktor.

Lichen sclerosus

Ang lichen sclerosus ay isang bihirang kondisyon na nagdudulot ng pangangati at mga puting patse sa ari. Ang mga sanhi ng lichen sclerosus ay hindi pa malinaw, ngunit ang mga babaeng postmenopausal ay mas malamang na magkaroon ng ganitong kondisyon.

Pubic lice

Ang mga maliliit at tila talangka na mga kuto ay nagsasanhi rin sa pangangati ng ari. Karaniwan silang kumakapit sa buhok sa maselang bahagi ng katawan, ngunit maaari ring kumalat ang mga ito sa iba pang mga bahagi ng katawan na tinutubuan ng magaspang na buhok.

Kailan dapat pumunta sa doktor

Huwag magpasiya kaagad na yeast infection ang sanhi ng iyong pangangati. Maaaring ito nga ang dahilan, ngunit ang pagsuri at paggamot sa sarili ay maaaring mapalala ang sitwasyon at mapahirap ang pagpuksa nito. Ang pinakamahusay na paraan upang malaman kung ano ang sanhi nito at kung ano ang maaari mong gawin ay ang pagpunta sa doktor para magpasuri.

Pumunta kaagad sa doktor kung ang pangangati ay sapat na lala upang makaabala sa iyong pagtulog at pang-araw-araw na gawain, at kung magpatuloy ito nang higit sa isang linggo. Abangan din ang iba pang mga sintomas na ito:

  • Mga paltos sa ari
  • Pananakit o pamamaga ng ari
  • Ang pamumula ng ari
  • Hirap sa pag-ihi
  • Kakaibang vaginal discharge
  • Pananakit o pangingirot sa panahon ng pagtalik

Ang alinman sa mga ito ay isang siguradong senyales na dapat nang pumunta sa doktor kaagad.

Paano maiwasan ang pangangati

Mahirap bale-walain ang pangangati ng ari, ngunit madali lang ito iwasan. Karamihan sa mga sanhi ay maaaring maiwasan sa pamamagitan ng kalinisan at gawi sa pamumuhay. Ang mga simpleng hakbang na madali mong magawa sa bahay ay makakatulong upang maiwasan ang mga impeksyon at pangangati ng ari:

  • Gumamit ng maligamgam na tubig upang hugasan ang iyong ari. Kung hindi ka komportable sa paggamit lamang ng tubig, siguraduhin na ang iyong sabon ay banayad at walang pabango.
  • Iwasan ang mabangong sabon, bubble bath, bath bomb, at lotion.
  • Iwasan ang mga vaginal spray at douche.
  • Magpalit sa bago at tuyo na damit pagkatapos ng paglangoy o pag-eehersisyo.
  • Magsuot ng panty na gawa sa cotton at magpalit araw-araw.
  • Kumain ng yogurt na may mga mabubuting bakterya. Ang mga ito ay maaaring makatulong sa pag-iwas sa yeast infection.
  • Gumamit ng condom tuwing magtatalik.
  • Laging magpunas ng ari mula sa harap papunta sa likod pagkatapos gamitin ang banyo.

Mga pinagmulan:

https://www.healthline.com/health/vaginal-itching

https://www.healthline.com/health/vaginal-health/reasons-vaginal-itch-happens-when-you-dont-have-a-yeast-infection#contact-dermatitis

Please follow and like us:

144 thoughts on “Makati Ang Ari Mo, Siz?

  1. Hi. Nangangati po yung pisngi ng ari ki pero sa kaliwang bahagi lang. Minsan makati pero minsan hindi. Ano kayang pwedeng gawin ko. Salamat.

    1. Hi Riz! May ilang posibleng sanhi ng pangangati ng ari, kasama na rito ay ilang mga impeksyon o kaya’y paggamit ng sabon panlaba o femine wash na hindi ka hiyang. Araw-araw siguraduhin na malinis ang ari. Hugasan ito gamit ang malinis at maligamgam na tubig, at dahan-dahan dampiin para matuyo bago magsuot ng malinis na panty. Iwasan rin ang madalas at matagal na pagsuot ng masisikip na damit, at huwag muna makipagtalik habang hindi pa nawawala ang pangangati o hindi pa nakakapunta sa doktor. Kung lumala pa ito, tumagal nang isang linggo, o may iba pang sintomas na nararanasan, mabuting magpasuri na sa obgyn para malaman ang sanhi at kung ano pwedeng gamot. Baka makatulong rin po ito sa inyo: https://doitright.ph/tl/pagpapanatiling-malinis-ang-ari-ng-babae/

  2. Hello po, 3 days na po ang pangangati ng ari ko, minsan di ko na po mapigil nakakamot ko at mas kumakati po sya..ano po kayang home remedies na pwede ko pong gawin?

    Nabasa ko po mga ibat ibang mga sanhi ng pagkati ng Ari, yung Bacterial Vaginosis po ay tugma sa mga nararanasan ko po ngayon, ano po Kaya dapat Kong gawin ?

    1. Hi Jonah! Kung suspetsa niyo po na ito ay BV, mainam na magpasuri na sa malapit na health center para matukoy kung BV nga ba talaga at mapayuhan kayo sa angkop na paggamot para sa iyo.

  3. Hi po, 4 days na po ngayong makati yung ar* ko po, may kinalaman po kaya ito sa UTI..? Kasi bukod sa pangangati medyo hirap din po ako umihi, halos minuminuto lagi akong naiihi ng pakonti pakonti, parang may balisawsaw po ang pakiramdam ko kapag umiihi,..

    1. Hi Rose! Mainam pong magpasuri na sa malapit na health center sa lalong madaling panahon para matukoy ang sanhi ng iyong mga sintomas at mapayuhan sa angkop na paggamot para sa iyo.

  4. hello po. goodafternoon. hmmm may concern lang po ako. may maliit po kasing butlig sa maselang part ko po. may times po na masakit kapag naiipit ng hita ko or pinagdidikit kopo yung hita ko. may times naman po makati sya. ano po kayang posibleng sanhi nito? ano din po kayang gamot dito?

    1. Hi Anne! May ilang impeksyon na posibleng magsanhi sa mga butlig butlig sa gilid ng ari at pwerta. Nag-aahit po ba kayo? Gaano katagal na po itong butlig? Lumalala o dumadami po ba ito? Ang angkop gamot po para dito ay depende rin kasi sa sanhi, at OBGYN lang rin po kasi ang maaaring magsuri at magreseta ng gamot para sa inyo. Sa ngayon, laging maghugas ng ari, iwasan kamutin ang mga butlig, iwasan magsuot ng masisikip na damit, huwag muna makipagtalik, at palaging siguraduhin na malinis ang ari at ang panty na sinusuot.

  5. Hello po 4 na araw na pong makati ang ar* ko diko po alam kung bakit , pag kinakamut po ahy mahapdi , dun po siya banda sa may ibaba nang private part ko dun po yung makati and namumula po dun banda pllssss sana po my home remedy ano po kaya pweding e advice

    1. Hi Jewel! May ibang sintomas pa po bang nararanasan? May ilang posibleng sanhi ng pangangati ng ari, kasama na rito ay ilang mga impeksyon o kaya’y paggamit ng sabon panlaba o femine wash na hindi ka hiyang. Puwedeng magpalit ng feminine wash at ng sabon panlaba. Araw-araw siguraduhin na malinis ang ari. Hugasan ito gamit ang malinis at maligamgam na tubig, at dahan-dahan dampiin para matuyo bago magsuot ng malinis na panty. Iwasan rin ang madalas at matagal na pagsuot ng masisikip na damit, at huwag muna makipagtalik habang hindi pa nawawala ang pangangati o hindi pa nakakapunta sa doktor. Kung lumala pa ito, tumagal nang isang linggo, o may iba pang sintomas na nararanasan, mabuting magpasuri na sa obgyn para malaman ang sanhi at kung ano pwedeng gamot. Baka makatulong rin po ito sa inyo: https://doitright.ph/tl/pagpapanatiling-malinis-ang-ari-ng-babae/

  6. good morning ask ko lang po
    kasi my uti po ako pero Ok na po magaling na po Uti ko
    Pero yung sumunod namn bigla na ngati ari ko
    tapos nawawala wala nmn sya pag nahuhugasan
    tapos my isang butlig na Tumubo na super kati hnd ko lng alm kung kagat ba or ano pero nawawala naman po yung kati nya
    ano kya yon pabalik balik kasi kati ng ari ko

    1. Hi! May ibang sintomas pa po bang nararanasan? May ilang posibleng sanhi ng pangangati ng ari, kasama na rito ay ilang mga impeksyon o kaya’y paggamit ng sabon panlaba o femine wash na hindi ka hiyang. Araw-araw siguraduhin na malinis ang ari. Hugasan ito gamit ang malinis at maligamgam na tubig, at dahan-dahan dampiin para matuyo bago magsuot ng malinis na panty. Iwasan rin ang madalas at matagal na pagsuot ng masisikip na damit, at huwag muna makipagtalik habang hindi pa nawawala ang pangangati o hindi pa nakakapunta sa doktor. Maaari ring subukan palitan ang feminine wash at sabon panlaba ng panty. Kung lumala pa ito, tumagal nang isang linggo, o may iba pang sintomas na nararanasan, mabuting magpasuri na sa obgyn para malaman ang sanhi at kung ano pwedeng gamot. Baka makatulong rin po ito sa inyo: https://doitright.ph/tl/pagpapanatiling-malinis-ang-ari-ng-babae/

  7. hello po. 2 araw na po kumakati ung ar* ko. may oras na hindi sya msydo makati my oras na sobrang kati at humahapdi na po pag kinakampot ko .gynepro po gmit kong feminine wash . at madalas po kasi ako nagpatiliner dati . plsss sna po my home remedy anu po kaya pede advice po

    1. Hi Jennifer! May ilang mga babae na sensitibo sa feminine wash at sabon panlaba na kanilang ginagamit, na nagreresulta sa pangangati. Maaaring subukan palitan ang feminine wash at sabon panlaba. Araw-araw siguraduhin na malinis ang ari. Hugasan ito gamit ang malinis at maligamgam na tubig, at dahan-dahan dampiin para matuyo bago magsuot ng malinis na panty. Iwasan rin ang madalas at matagal na pagsuot ng masisikip na damit, at iwasan muna ang pagsuot ng pantyliner.

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon