fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Pagpapanatiling Malinis Ng Ari (Ng Babae)

Vagina, hygiene, Sexual Health, Family Planning

Sa kabila ng kung ano ang sinasabi ng mga patalastas, ang iyong ari ay hindi dapat kasing amoy ng “mga sariwang bulaklak.” Ang pag-aalaga ng iyong ari ay napaka-simple, at hindi mangangailangan ng mga mamahaling produkto — ngunit dapat bang hinuhugasan ang iyong pwerta? Hindi, ngunit ang iyong vulva ay kailangang hugasan.

Ang pwerta (vagina) at bulba (vulva)

Kaya ano ang pagkakaiba? Ang pwerta ay ang panloob na kanal sa loob ng iyong katawan. Ang bubla ay tumutukoy sa mga maselang bahagi ng katawan ng babae sa labas ng ari, tulad ng:

  • Klitoris
  • Klitoral hood
  • Ang panloob at panlabas na labia

Mabuting hugasan ang mga bahaging ito, ngunit hindi mo kailangang mag-alala tungkol sa iyong pwerta; kaya nitong alagaan ang sarili.

Likas na kapaligiran ng pwerta

Ang pwerta ay gumagawa ng sarili nitong mabuting bakterya at likas na uhog na tumutulong mapanatiling malinis ang sarili. Ang paggamit ng sabon sa paghuhugas ng iyong pwerta ay maaaring hadlangan ito sa paggawa ng sariling mga tungkulin sa paglilinis at sirain ang likas na balanse nito. Kung nais mong panatilihing malusog ang pwerta, hayaan itong gawin ang sariling trabaho.

Paghugas ng iyong bulba

Palaging pinapaisip sa atin ng lipunan at kultura na marumi ang ari ng babae, ngunit hindi talaga nangangailangan ng matinding pagkuskos o malupit na mga produkto upang malinis ito. Paano ba talaga dapat linisin ang bulba?

  • Gumamit ng maligamgam na tubig at banayad na sabon. Sapat na ang maligamgam na tubig pang linis ng iyong bulba; ngunit kung mas komportable sa paggamit ng sabon, gumamit ng banayad at walang halong pabango. Hindi dapat masyadong mainit ang tubig at dapat ibanlaw nang husto ang sabon.
  • Maging banayad. Dahan-dahang ibuka ang mga labia gamit ang mga daliri, at hayaan lamang ang maligamgam, at mabulang tubig na dumadaloy sa paligid ng klitoral hood at sa pagitan ng labia — hindi na kailangan ng pagkuskos! Sensitibo ang balat at hindi na kailangan ng washcloth o loofah. Gayundin, siguraduhin na hindi papasok ang sabon sa pwerta. Mahusay din na hugasan ang anus at ang lugar sa pagitan ng anus at bulba. Kung gagawin mo ito, tandaan na maghugas mula sa harap papuntang likod upang iwasan mapunta ang bakterya ng anus sa pwerta at yuritra.
  • Dampiin para matuyo. Matapos mong lubusang hugasan ang iyong bulba, dampiin ito gamit ang isang malambot na tuwalya para matuyo.
  • Magsuot ng malinis at gawa sa cotton na panty. Matapos maligo o hugasan ang iyong bulba, tiyakin na ang panty na iyong isusuot ay malinis at nalabhan. Ang panty gawa sa cotton ay ang pinakamabuti dahil sa ganitong uri ng materyal “nakakahinga” ang iyong ari.

Regular na palitan ang iyong napkin o tampon kung ikaw ay nireregla. Maaari mo ring hugasan ang iyong bulba nang higit sa isang beses sa isang araw kung nais manatiling presko o nag-aalala ka na mangamoy.

Ano ang Iwasan

  • Douching. Ang douching ay ang pag-agos ng tubis sa loob ng pwerta upang ito ay “malinis” at maalis ang natural na mga uhog. Ginugulo nito ang likas na kapaligiran ng pwerta at ang mga bakterya na nagpoprotekta dito, kaya mahihirapan ito na linisin ang sarili. Mas mabuting iwanan ang paglilinis sa pwerta — alam nito kung ano ang gagawin.
  • Mga feminine spray at wash. Ang mga produktong tulad ng feminine spray at wash ay karaniwang may mga pabango at kemikal na maaaring maging sanhi ng pangangati o iritasyon sa sensitibong balat ng iyong ari. Kung nag-aalala ka tungkol sa amoy, hugasan nang regular ang iyong bulba gamit ang maligamgam na tubig, o gumamit ng banayad ata walang pabangong sabon..
  • Vaginal steaming. Ang vaginal steaming ay ang pagkulo ng mga herb sa mainit na tubig at pag-upo sa ibabaw ng tubig upang dumaloy ang singaw sa loob ng pwertai. May mga nagsasabi na nakakatulong ito sa pananakit ng puson, kabag, at iba pang mga kondisyon, ngunit walang mga pag-aaral na patunayan na ang vaginal steaming ay nakakatulong na mapabuti ang kalusugan ng ari. Maaaring masunog ng mainit na singaw ang sensitibong tisyu ng pwerta at makagambala sa likas na kapaligiran, kaya hindi inirerekumenda na mag-vaginal steaming.
  • Masikip na damit. Ang masikip na damit ay maaaring pigilan ang likas na bentilasyon, at maaaring gawing makati, mainit-init, at mahalumigmig ang iyong ari — sa ganitong kapaligiran karaniwang lumalago ang mga bakterya. Iwasan ang pagsusuot ng masisikip at mamasa-masang damit nang matagal upang mapanatiling presko ang iyong ari.

Mga Pinagmulan: 

https://www.healthline.com/health/how-to-clean-your-vagina#steaming

https://www.nhs.uk/live-well/sexual-health/keeping-your-vagina-clean-and-healthy/

Please follow and like us:

63 thoughts on “Pagpapanatiling Malinis Ng Ari (Ng Babae)

  1. Hi Po, may partner Po ako, sa Tuwing may nangyayari sa Amin madalas pong sumakit Ang pwerta ko, normal Lang Po ba Ito? At tyaka 2 months na Po Ang namagitan sa Amin pero di pa rin Po ako nabubuntis, Sabi niya hindi daw Po talaga siya nakakabuo, pero Hindi pa Po siya nakakapagpacheck up, Yun Lang po, Sana may mairecommend Po Kayo na pwede naming pagpacheck-upan, Salamat Po,

  2. * magandang gabi po ask ko lang PO Bakit ang nilalabas ko ay kulay puti na buo pero hindi naman masangsang ang amoy. Ano po ito hindi po ba maganda yun ? 10months na din po na Wala ako Nakaka sex.

  3. Ask ko lang po normal ba na magkaroon ng amoy? Kase po make love time namin ng partner ko kagabe hindi nya nakain ng matagal kase po may amoy Po daw. Salamt sana po masagot

    1. Hi Jhona! Isa sa mga pangunahing dahilan para sa pangangamoy ng ari ay ang kakulangan sa kalinisan sa sarili. Araw-araw siguraduhin na malinis ang ari. Hugasan ito gamit ang malinis at maligamgam na tubig, at dahan-dahan dampiin para matuyo bago magsuot ng malinis na panty. Iwasan rin ang madalas at matagal na pagsuot ng masisikip na damit. Maliban sa kalinisan sa sarili, maaari ring makaapekto sa amoy ng ari ang iyong pagkain o gamot (kung mayroon mang iniinom). Basahin rin po ito dahil makakatulong ito sa iyo: https://doitright.ph/tl/ibat-ibang-amoy-ng-ari-at-ang-kanilang-mga-sanhi/

  4. Hello po? pwede po magtanong? paano po paputiin ulit yung pwerta? kasi po hindi naman po ito maitim noon baka siguro po sa tuwing nagreregla ako dun po umiitim, paano po sya ulit maibalik sa dati haha, sana po masagot. Thankyou po.

    1. Hi Kyla! Normal at natural lang na umitim ang ari habang tumatanda. Hindi mo na po ito mapapaputi. HINDI rin dapat gamitan ng kojic o papaya soap dahil magsasanhi ito sa iritasyon, at maaaring pa-itimin pa ito lalo.

  5. Yung implant po 3yrs po sya ginagamit then Yung menstruation po Hindi sya regular… Tapos yun po ang baho Ng pechay mo… Kasi 2months Wala akong regla… Tapos kpag sumulpot na Yung menstruation ko inaabot nmn 2weeks Yung regla ko… Sobrang lakas po nung dugo… Pagkatapos nung madaming dugo na nilalabas ko puro nmn sya spot spot ng dugo inaabot Ng isang buwan… Tapos the next month Wala n nmn akong menstruation at end of the month… Kya iniisip ko kya siguro may amoy Yung pempem ko dahil Hindi regular… Nagumpisa lng nmn sya dahil sa implant… Pero regular po tlaga ako nagkaka menstruation

    1. Hi Daisylyn! Posibleng sanhi ng irregular mens ang implant. Mabuting tanungin rin po ang doktor mo ukol dito. Ang pangangamoy ng ari ay karaniwang sanhi ng kakulangan sa kalinisan dito. Dapat po araw-araw siguraduhin na malinis ang ari. Hugasan ito gamit ang malinis at maligamgam na tubig, at dahan-dahan dampiin para matuyo bago magsuot ng malinis na panty. Iwasan ang madalas at matagal na pagsuot ng masisikip na damit. Kung lumala pa ito o may iba pang sintomas na nararanasan, mabuting makipag-ugnay na sa obgyn para malaman ang sanhi at kung ano pwedeng gamot. Baka makatulong rin po ito sa inyo: https://doitright.ph/tl/pagpapanatiling-malinis-ang-ari-ng-babae/

  6. Isa na Po akung ina PerO pag nakikipag talk Po sakin ang asawa kO ay nkakawalang gana ang pwerta kO dahil una palang Po basa na Po ito anO ba ang dapat kung gawin??

    1. Hi Mylene! ‘yung likido o basa-basa na nilalabas ng iyong pwerta bago magtalik ay normal na gawain ng pwerta para ihanda ang katawan para sa pagtatalik. Nagsisilbi itong proteksyon mula sa priksyon at kiskisan na maaaring magdulot ng pagsusugat at pagdurugo. May ibang sintomas po bang nararanasan? Kung nakakabahala, mabuting magpunta sa obgyn.

  7. Magandang gabi po, ako po ay virgin pa at wala pa pong nakaka-pasok na lalaki sa pwerta ko ngunit kapag naghuhugas ako gamit ang pang-spray na tubig ay parang nakikiliti po ang clitoris at pwerta ko at nakagawian ko na pong gawin yon sa araw-araw ko lalo na’t wala pa akong experience na makipag-sex kaya yun lang ang ginagawa ko habang nag-i-imagine ako na may ka-sex ako dahil ayaw ko pang masira ang virginity ko, masama po bang laging ginagawa yon?
    Salamat po sa pagtugon..

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon