fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Mga Impeksyon Sa Ari (Ng Babae)

OB GYNE Doctor

Malusog Na Ari

Ang ari (ng babae) ay isang saradong kalamnan na kanal na umaabot mula sa bulba (vulva)—ang panlabas ng ari ng babae—hanggang sa leeg ng matris (uterus), ang serviks (cervix). Ang kalusugan ng ari ay mahalagang bahagi ng pangkalahatang kalusugan ng babae. Ang mga problema sa ari ay maaaring makaapekto sa iyong pagkamayabong, pagnanais makipagtalik, at kakayahang maabot ang orgasmo.

Ang mga ganap na isyu sa kalusugan ng ari ay maaari ring magdulot ng stress, mga problema sa relasyon, at makaapekto sa iyong kumpiyansa sa sarili. Alamin ang mga senyales at sintomas ng mga problema sa ari, at kung ano ang maaari mong gawin upang maprotektahan ang kalusugan. Ang iba’t ibang mga kadahilanan ay maaaring makaapekto sa kalusugan ng iyong ari, kabilang ang:

  • Ang pagtalik nang walang proteksyon ay maaaring magresulta sa pagkuha ng sexually transmitted infection (STI).
  • Ang marahas na pagtatalik o isang pinsala sa pelvic area ay maaaring magresulta sa vaginal trauma, o mga maliliit na sugat sa ari.
  • Mga kondisyon o paggamot. Ang ilang mga kundisyon, tulad ng endometriosis at pelvic inflammatory disease (PID), ay maaaring maging sanhi ng sakit o kirot habang nagtatalik.
  • Ang paggamit ng ilang mga antibiotics ay nakakadaragdag ng panganib magkaroon ng vaginal yeast infection.
  • Mga kontraseptibong pildoras at mga produktong feminine-hygiene wash. Ang mga kontraseptibong barrier, tulad ng mga condom, ay maaaring maging sanhi ng pangangati ng ari sa ibang babae. Ang mga produktong feminine-hygiene wash ay maaaring maging dahilan ng kawalan ng balanse sa antas ng pH ng ari, na mas nagpapadali makakuha ng impeksyon.
  • Pagbubuntis at panganganak. Kung buntis ka, hindi ka rereglahin hanggang maisilang ang iyong sanggol. Sa panahon ng pagbubuntis, madalas marami ang nailalabas na likido ng ari. Karaniwang magkakaroon ng mga sugat sa ari sa panahon ng panganganak. Ang vaginal delivery ay maaari ring bawasan ang lakas at higpit ng kalamnan sa ari.
  • Mga isyung sikolohikal. Ang pagkabalisa at pagkalungkot ay maaaring mag-ambag sa pagkawala ng nais makipagtalik at nagreresulta sa sakit o kirot habang nagtatalik. Mga trauma tulad ng pang-aabuso na sekswal o isang masakit na karanasang sekswal ay maaari ring humantong sa sakit na nauugnay sa pagtalik.
  • Mga antas ng hormon. Ang mga pagbabago sa antas ng mga hormon ay maaaring makaapekto sa ari. Halimbawa, ang produksyon ng estrogen ay bumababa pagkatapos ng menopos at habang nagpapasuso sa sanggol. Ang pagkawala ng estrogen ay maaaring maging sanhi ng manipis na uterine lining, na reresulta sa sakit o kirot habang nagtatalik.

Normal Na Vaginal Discharge

Ang isang malusog na ari ay gumagawa ng mga likido upang linisin at alagaan ang sarili, na katulad ng kung paano nililinis at kinokontrol ng laway ang kapaligiran ng bibig. Ang mga vaginal secretion na ito ay normal na vaginal discharge. Ang anumang pagkagambala sa maselan na balanse ng mga vaginal secretion ay maaaring gawing mas madali para makakuha ng impeksyon sa ari.

Ang normal na vaginal discharge ay may ilang mga layunin: paglilinis at pagbasa-basa sa ari, at pagtulong upang maiwasan at labanan ang mga impeksyon. Bagaman normal na mag-iba ang kulay, pakiramdam, at dami ng mga likido ng ari sa pag-ikot ng siklo ng regla, may ilang mga pagbabago na maaaring senyales na pala ng isang problema.

Nakakatulong malaman ang mga pagkakaiba sa pagitan ng normal at abnormal na discharge ng ari. Ang mga normal na likido ng ari ay kadalasan manipis, malagkit, at nababanat o makapal at malapot, at dapat sila ay malinaw, puti, o off-white ang kulay.

Impeksyon Sa Ari

Ang mga impeksyon sa ari na maaaring makuha sa pagtalik man o hindi, tulad ng candidiasis (yeast infection), bacterial vaginosis, at trichomoniasis, ay karaniwang mga sanhi ng abnormal na vaginal discharge. Mayroon ring ilang mga STI na maaaring magdulot ng mga pagbabago sa vaginal discharge, tulad ng gonorrhea. Kung may napansing anumang mga pagbabago sa iyong vaginal discharge, o sa palagay mo mayroon kang problema, dapat makita ang doktor sa lalong madaling panahon.

Yeast Infection

Ang candidiasis o yeast infection ay maaaring magresulta sa napakaputi at makapal na vaginal discharge, na kahawig ng cottage cheese. Ang yeast infection ay karaniwang hindi nagiging sanhi ng pagkakaroon ng malakas na amoy ng discharge, ngunit maaaring magresulta ito sa matinding pangangati at hapdi sa ari.

vaginal yeast infection
Image: https://www.macphersontcm.com/single-post/2016/06/18/Vaginal-Yeast-Infection-%E2%80%93-How-TCM-can-help

Bacterial Vaginosis

Ang Bacterial Vaginosis (BV) ay maaaring maging sanhi ng manipis at kulay-abo na vaginal discharge, na mayroong hindi kanais-nais, at malansang amoy.

Trichomoniasis

Ang Trichomoniasis, isang karaniwang STI, ay maaaring maging sanhi ng malakas na amoy. Ang vaginal discharge ay maaaring maging dilaw-berde ang kulay, at maging mabula-bula. Ang Trichomoniasis ay madalas ding nagdudulot ng pangangati sa ari, at kirot kapag umiihi.

Trichomonas-vaginitis
Image: https://stdtestingnearme.org/identify-std-discharge-in-men-and-women-based-on-color-odor-and-consistency/

Mga Payo Para Sa Malusog Na Ari

  • Pagkatapos gumamit ng banyo, palaging magpunas mula sa harap patungo sa likod. Maaaring makatulong ito upang maiwasan ang paglipat sa ari ng mga bakterya mula sa rectum.
  • Magsuot ng panty gawa sa cotton sa araw dahil ang iyong ari ay “nakakahinga” sa cotton. Iwasan magsuot ng panty sa gabi.
  • Iwasang magsuot ng masisikip na pantalon, leggings, at swimming suit nang matagal.
  • Baguhin ang iyong sabon panlaba kung sa palagay mo ay maaaring sanhi ng iritasyon sa iyong ari.
  • Ang latex sa condom at pampadulas na ginagamit sa pagtalik ay maaaring maging sanhi ng iritasyon para sa ilang mga babae. Alamin kung saan ka hiyang.
  • Maligo araw-araw at marahan punasan ang ari bago magsuot ng damit.
  • Huwag gumamit ng mga produktong feminine-hygiene wash o iwasan hugasan ang loob ng iyong ari. Maaari itong maging sanhi ng pagkawala ng balanse sa natural na kapaligiran ng ari.
  • Iwasan ang paggamit ng mga feminine-hygiene sprays/washes, tisyu na may pangkulay o pabango, at mga napkin o tampon na may pabango.

Mga pinagmulan:

https://www.everydayhealth.com/news/vaginal-infection-types/

https://www.webmd.com/women/guide/sexual-health-vaginal-infections#1

Please follow and like us:

603 thoughts on “Mga Impeksyon Sa Ari (Ng Babae)

  1. Napapadalas po ang pagdurugo ng private part ko po. Lagi akong may spotting kung minsan light red or brown. Tapos nung may nangyari samin ng asawa ko dumugo ang private part ko na parang regla pero nawala din agad hindi po sya masakit wala po akong naramdaman na masakit. Napapadalas lang po sakit ng ulo ko. Ano po kaya yun?? Thank you po.

    1. Hi! Maraming posibleng sanhi ng pagdurugo sa pagtatalik, pero ang karaniwang dulot nito ay priksyon at kiskisan lalo na sa penetrasyon. Baka makatulong sa inyo ang paggamit ng water-based lubricant gaya ng EZ Lubricating Jelly para mabawasan ang priksyon at pagsusugat na nagdudulot ng pagdurugo. Basahin po ito: https://doitright.ph/tl/pagdurugo-pagkatapos-ng-pagtalik/

      Mabibili ang EZ Lubricating Jelly sa pangunahing botika at convenience store. Maaari mo rin ito mabili online!
      Lazada: https://www.lazada.com.ph/shop/trust-philippines-1524467118/
      Shopee: https://shopee.ph/trust.premiere.ez

  2. May nakapa po akong parang lump sa skin outside. Akala ko po baka may kung anong nakakagat lang sakin pero two days na sya ngayon at lalong lumaki. Masakit sya kapag dinidiinan. Nahihirapan na din ako maglakad

  3. ilang buwan ko na po nararanasan ng pangangati sa ari ko, di nman sya tuloy tuloy, pero mas madalas ang pag sumpong ng kati. minsa sa sobrang kati naghuhugas nko ng maligamgam n tubig dhil di ko n kaya

    1. Hi Lhen! Naghuhugas lang po kayo ng ari tuwing matindi ang pangangati? Dapat po araw-araw ang paghuhugas sa ari at ang pagpapalit ng malinis na panty. Iwasan rin po ang madalas at matagal na pagsusuot ng masisikip na damit. Baka hindi rin po kayo hiyang sa sabon panlaba ng panty o sa feminine wash na inyong ginagamit. Baka makatulong po sa inyo ang pagpalit ng sabon panlaba at feminine wash.

  4. Hello po normal lang po ba sa ari na may maliit ns bilog sa luob parang monggo kaliliit mga tatlong piraso,, pero hindi naman makati o masakit normal din po ang period ko,,,. Hindi din po ako nakipagtalik kung kani kanino ofw po ako,, may nakapa lang po ako lately pero wala po masakit sakin wala din lumalabas na kung ano ano,,

    1. Hi Lyn Hindi po namin masasabi kung ano ang tiyak na sanhi at kung delikado po ba ito. Maraming posibleng sanhi ng iyong nararanasan, gaya ng impeksyon o kondisyon. Doktor lang po ang makakasuri sa inyo. Mabuting makipag-ugnay na kaagad sa OB/GYN ukol dito o magpunta sa malapit na health center, lalo na kung lumala o nagkaroon pa ng iba pang sintomas, para makita ang sanhi at mapayuhan ka kung ano ang angkop na lunas para sa iyong sitwasyon.

    1. Hi Reysel! May ibang sintomas pa po bang nararanasan? May ilang posibleng sanhi ng pangangati ng ari, kasama na rito ay ilang mga impeksyon o kaya’y paggamit ng sabon panlaba o femine wash na hindi ka hiyang. Araw-araw siguraduhin na malinis ang ari. Hugasan ito gamit ang malinis at maligamgam na tubig, at dahan-dahan dampiin para matuyo bago magsuot ng malinis na panty. Maaaring subukan palitan ang feminine wash at sabon panlaba. Iwasan rin ang madalas at matagal na pagsuot ng masisikip na damit, at huwag muna makipagtalik habang hindi pa nawawala ang pangangati o hindi pa nakakapunta sa doktor. Kung lumala pa ito, tumagal nang isang linggo, o may iba pang sintomas na nararanasan, mabuting magpasuri na sa obgyn para malaman ang sanhi at kung ano pwedeng gamot. Baka makatulong rin po ito sa inyo: https://doitright.ph/tl/pagpapanatiling-malinis-ang-ari-ng-babae/

  5. Matagal na kaming nagsesex ng bf ko, nawalan lang kami ng koneksyon dahil nag lockdown. After 8months nagtalik ulit kami. Ngayon, sobrang hapdi ng ari ko, halos di na ako makaihi sa sobrang sakit ng ari ko at pag umiihi ako may sumasamang konting dugo 🙁 hindi ko alam kung nasugatan ba ang ari ko or may UTi nnman ako. Pls help. Ano po need gawin? At ano pong gamot para mabawasan yung hapdi na nararamdaman ko..

    1. Hi Kristel! Maraming posibleng sanhi ng pagdurugo at pananakit sa pagtatalik, pero ang karaniwang dulot nito ay priksyon at kiskisan lalo na sa penetrasyon. Baka makatulong sa inyo ang paggamit ng water-based lubricant gaya ng EZ Lubricating Jelly para mabawasan ang priksyon at pagsusugat na nagdudulot ng pagdurugo.

      Basahin po ito: https://doitright.ph/tl/pagdurugo-pagkatapos-ng-pagtalik/

      Mabibili ang EZ Lubricating Jelly sa pangunahing botika at convenience store. Maaari mo rin ito mabili online!
      Lazada: https://www.lazada.com.ph/shop/trust-philippines-1524467118/
      Shopee: https://shopee.ph/trust.premiere.ez

  6. Hi ., good evening po
    Ask ko lang po anu po kaya yung nraranasan ko po panay ihi po ako ., tpos pag iihi po ako sobrang sakit po ng labasan ng ihi ko yung parang binabalisawsaw po ako .. mag 1 week mahigit na po kc sya ..

    1. Hi Anne! Maraming posibleng sanhi ng iyong nararanasan, gaya ng impeksyon o kondisyon. Doktor lang po ang makakasuri sa inyo. Mabuting makipag-ugnay na kaagad sa OB/GYN ukol dito o magpunta sa malapit na health center para makita ang sanhi at mapayuhan ka kung ano ang angkop na solusyon para sa iyong sitwasyon.

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon