fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Abnormal Na Pagdurugo Ng Ari Ng Babae

abnormal vaginal bleeding, reproductive health, family planning

Anong Nagdudulot Ng Kakaibang Pagdurugo?

Kapag sinabing ‘spotting,’ ito ay kaunting pagdurugo mula sa pwerta kahit hindi ka pa dapat datnan ng regla. Tawag rin dito ay intermenstrual bleeding, kung saan nakakaranas ka ng spotting o pagdurugo sa pagitan ng mga regla.

Maraming nakakaranas ng intermenstrual bleeding. Hindi naman ito nakakabahala sa karamihan ng mga kaso, pero may iba na baka senyales na ito ng isang kondisyon.

Nakaranas ka na ba intermenstrual bleeding? Basahin mo kung ano ang maaaring sanhi nito.

Mga sanhi ng intermenstrual bleeding

Maraming puwedeng magdulot ng intermenstrual bleeding. Tandaan o isulat ang mga araw na napansin mo ito, pati na rin ang ibang sintomas na nararanansan mo kung mayroon man. Tutulungan ka ng iyong doktor malaman kung ano ba ang sanhi nito at papayuhan ka sa paggamot.

Hormonal Imbalance

Ang siklo ng regla ay pinamamahalaan ng dalawang hormon: ang estrogen at progesterone. Posibleng makaranas ka ng spotting kapag ang mga antas nila ay nawala sa balanse. Ilang bagay na maaaring makaapekto sa balanse ng iyong mga hormon ay:

  • Dysfunctional ovaries
  • Problema sa thyroid gland
  • Pagumpisa o pagtigil ng pag-inom ng oral contraceptive pill (pero magbabalanse rin ito kalaunan)

Uterine fibroid

Ang mga uterine fibroid ay hindi nagdudulot ng kanser, at tumutubo ang mga ito sa loob ng matres. Karaniwang, sila ay benign at kusang lumiliit. Maliban sa intermenstrual bleeding, ang ibang sintomas ng mga fibroid ay:

  • Mabigat o mahabang daloy ng regla
  • Pananakit ng balakang
  • Pananakit ng bandang ibabang likod
  • Pananakit tuwing nagtatalik
  • Problema sa pag-ihi

May ibang babae na baka walang maranasang sintomas.

Mga sexually transmitted infection

Ang mga sexually transmitted infection (STI) tulad ng chlamydia at gonorrhea ay puwedeng magsanhi ng intermenstrual bleeding o pagdurugo pagkatapos magtalik. Iba pang sintomas ng STI ay:

  • Pananakit tuwing umiihi
  • Puti, dilaw, o berdeng vaginal discharge
  • Pangangati ng pwerta o anus
  • Pananakit ng balakang

Madaling magamot at hindi magdudulot ng mga komplikasyon ang STI, basta lubos at maayos na nagamot nang maaga. Makipag-ugnay kaagad sa iyong doktor kung sa palagay mo mayroon kang STI.

Pelvic Inflammatory Disease

Puwede kang magkaroon ng pelvic inflammatory disease (PID) kung ang bakterya mula sa pwerta ay kumalat sa matres, mga fallopian tube, at obaryo. Ang pamamaga ng organong reproduktibo ay maghahantong sa pagsusugat. Iba pang sintomas ng PID maliban sa intermenstrual bleeding ay:

  • Pananakit habang nagtatalik o umiihi
  • Pananakit ng bandang itaas o ibaba ng puson
  • Lagnat
  • Labis o mabahong vaginal discharge

Makipag-ugnay kaagad sa doktor kung nakakaranas ka ng mga sintomas ng PID. maaari itong magamot at mapigilan lumala kung naagapan kaagad.

Kanser

Sa ilang kaso, may mga uri ng kanser na nagdudulot ng intermenstrual bleeding. Ito ay:

  • Endometrial o uterine cancer
  • Cervical cancer (kanser sa serviks)
  • Ovarian cancer (kanser sa obaryo)
  • Vaginal cancer (kanser sa puwerta)

Komplikasyon Sa Pagbubuntis

Maraming babae ang nakakaranas ng spotting o pagdurugo sa unang tatlong buwan ng kanilang pagbubuntis. Kaunti lang ang pagdurugo at karaniwang kulay rosas, pula, o kayumanggi.

Mga komplikasyon tulad ng pagkalaglag at ectopic pregnancy ay maaaring magsanhi sa pagdurugo habang nagbubuntis.

Kung nakakaranas ka ng pagdurugo, hindi naman ibig sabihin kaagad na komplikasyon na ito. Mabuting makipag-ugnay sa iyong doktor sa lalong madaling panahon kung nakakaranas ka ng pagdurugo habang nagbubuntis, lalo na kung marami ito at sinamahan ng pananakit ng balakang.

Kontrasepsyon

Normal lang makaranas ng intermenstrual bleeding sa unang tatlong buwan ng paggamot ng kontraseptibo gaya ng mga pill, IUD, implant, at injectable. Mawawala rin ang pagdurugo kapag nasanay na ang katawan sa kontraseptibo.

Kung madami ang pagdurugo at nararanasan mo pa rin ito lagpas tatlong buwan, mabuting kumonsulta na sa doktor ukol dito. Baka magrekumenda siya ng ibang kontraspetibo para sa iyo.

Puwede ring mangyari ang intermenstrual bleeding kapag hindi mo sinunod ang tamang paggamit o pag-inom ng kontraseptibo. Halimbawa nito ay ang kapag nakaligtaan uminom ng pill.

Obulasyon

May ibang babae na nakakaranas ng ovulation spotting sa pagitan ng kanilang regla. Nangyayari ang pagdurugo tuwing obulasyon, kung kailan nagpapakawala ng selulang itlog ang obaryo. Basahin ang higit pang impormasyon dito.

Implantation

Isa sa mga unang senyales ng pagbubuntis ay ang implantation bleeding, pero hindi lahat ng babae ay makakaranas nito. Nangyayari ito kapag ang napertilisang selulang itlog ay dumikit na sa uterine lining.

Karaniwang nangyayari ang implantation bleeding ilang araw bago mo inaasahan dumating ang iyong regla. Mas kaunti at sandali ang pagdurugo kumpara sa karaniwang regla.

Perimenopause

Ang perimenopause ay ang unang hakbang bago ang menopos. Hindi na balanse ang mga hormon sa yugtong ito. Hindi na regular ang pagregla, makakaranas na ng spotting at kakaibang pagdurugo, at may ilang buwan na maaaring hindi datnan ng regla.

Trauma

Puwede ring magdulot ng intermenstrual bleeding mula sa trauma o pinsala sa puwerta o serviks. Maaaaring galing ito sa:

  • Sexual assault (rape)
  • Marahas na pagtatalik
  • Isang bagay, tulad ng tampon o laruang sekswal
  • Isang pagsusuri o operasyon, tulad ng pelvic exam

Mga uterine o cervical polyp

Ang mga polyp ay abnormal na paglago ng tisyu sa katawan. Matatagpuan ang mga ito sa matres o serviks. Karaniwan, hindi ito nagdudulot ng kanser.

Ang mga cervical polyp ay madalas na hindi nagpapakita ng sintomas, pero maaari silang magdulot ng:

  • Kaunting pagdurugo pagktapos magtalik
  • Kaunting pagdurugo sa pagitan ng mga regla
  • Kakaibang vaginal discharge

Sa karamihan ng mga kaso, hindi kailangan sumailalim sa paggamot, maliban na lang kung nakakaranas ng nakakabahalang sintomas. Kung inirekumenda ng doktor na alisin ang mga polyp, madali lang ito at hindi masyadong masakit.

Ang mga uterine polyp ay mas karaniwan sa mga babae na tapos na magmenopos. Ang iba makakaranas ng kaunting pagdurugo, habang ang iba naman walang sintomas.

Endometriosis

Ang endometriosis ay isang kondisyon kung saan ang uterine lining ang lumalago sa ibang parte kung saan hindi dapat. Ang iba pang sintomas ay:

  • Pananakit ng balakang
  • Masakit na pagregla
  • Mabigat na daloy ng regla
  • Pananakit habang nagtatalik
  • Kahirapan magbuntis
  • Pananakit tuwing umiihi o tumatae
  • Pagtatae, tibi, o pagkahilo
  • Panghihina

Polycystic ovary syndrome (PCOS)

Ang PCOS ay isang kondisyon kung saan ang mga obaryo o adrenal gland ay lumilikha ng labis na “panlalaking” hormon. Para sa ilang babae na may PCOS, hindi sila nireregla o iilang beses lamang sa isang taon.

Maliban sa intermenstrual bleeding, ang iba pang sintomas ng PCOS ay:

  • Hindi regular na pagregla
  • Pananakit ng balakang
  • Pagdagdag ng timbang
  • Labis na paglago ng buhok sa mga parte na hindi dapat
  • Kahirapan mabuntis
  • Taghiawat

Stress

Maraming paraan naaapektuhan ang iyong katawan kapag ika’y nastress. May ibang babae na nakakaranas ng intermenstrual bleeding dahil sa mataas na antas ng pisikal o emosyonal na stress.

Mga gamot

May ilang mga gamot tulad ng blood thinner, gamot para sa thyroid, at mga hormonal na gamot na nagdudulot ng intermenstrual bleeding.

Iba pang sanhi

Sa ilang bihirang kaso, ang diyabetis, liver disease, kidney disease, at pagdagdag o pagbawas sa timbang ay maaari ring magdulot ng intermenstrual bleeding.

Anong dapat gawin

Kung sa palagay mo ang nararanasan mong spotting ay sintomas ng pagbubuntis, mag-pregnancy test para malaman mo. Pero kung nakumpirma mo nang buntis ka at nakakaranas ka ng pagdurugo, ipaalam ito sa iyong doktor kaagad.

Kumonsulta sa doktor kung nakakaranas ka ng intermenstrual bleeding. Ang sanhi nito ay baka nangangailangan ng agarang atensyong medikal. Makakatulong rin sa iyong doktor malaman ang sanhi kung sinusulat mo ang mga araw na nakakaranas ka ng intermenstrual bleeding, at ang iba pang sintomas na nararamdaman mo.

Mga iba pang sintomas na dapat mong bantayan ay:

  • Lagnat
  • Pananakit
  • Pagkahilo
  • Madaling magpasa

Ang mga babaeng nakakaranas ng pagdurugo kahit na nagmenopos na sila ay dapat magpunta na sa doktor kaagad.

Kung ang intermenstrual bleeding ay nagsimula lamang mula noong unang gamit o inom mo ng kontrasepsyon, bigyan ito ng tatlo hanggang anim na buwan para masanay ang katawan. Kausapin ang doktor kung lumala o tumagal ang pagdurugo.

Paggamot at pag-iwas

Walang home remedy para sa intermenstrual bleeding. Ang tamang paggamot para sa iyo ay nakadepende sa sanhi nito, kaya napakahalagang magpasuri sa doktor.

Kung gumagamit ng kontraseptibo, gamitin ito nang tama ayon sa tagubilin at payo ng doktor. Subukan rin bawasan ang stress sa pamamagitan ng paglaan ng oras para magrelaks. Nakakabuti rin sa katawan ang mabuting pamumuhay. Mag-ehersisyo nang regular, at kumain ng masustansyang pagkain.

Maraming posibleng sanhi ng intermenstrual bleeding. May ilan na kailangan ng atensyong medikal at paggamot, pero ang iba naman ay walang kailangan ikabahala. Anumang intermenstrual bleeding ay dapat ikonsulta kaagad. Ang tanging paraan para malaman ang sanhi ay sa pamamagitan ng pagpapasuri sa doktor.

Mga pinagmulan:

https://www.healthline.com/health/vaginal-bleeding-between-periods#seek-medical-help

https://www.healthline.com/health/womens-health/spotting-before-periods

https://www.medicalnewstoday.com/articles/321811

https://www.webmd.com/women/spotting-between-periods

Please follow and like us:

732 thoughts on “Abnormal Na Pagdurugo Ng Ari Ng Babae

  1. Hello po!
    Ask lang po ako if normal lang po bang hindi labasan yung babae during sex? Kasi khit anong gawin ko, Sobrang dry ng partner ko.. nasasatisfied ako pero di nman sya nilalabasan. Nagtataka lng ako at worried if normal ba yon?
    Sana po masagot nyo.
    Thanks 😊

    1. Hi Carl! Yes, maraming babae ang nakakaranas rin nito. Maaaring dehydrated siya at kailangan uminom ng mas maraming tubig araw-araw, baka siya ay stressed, baka kulang ang panahon na binibigay niyo para sa foreplay, baka siya ay nababalisa, o baka sanhi rin ito ng gamot na kanyang iniinom (kung mayroon man). Mabuting gumamit ng water-based lubricant tulad ng EZ Lubricating Jelly.

  2. Pwede po bang makahingi ng konting tulong kung bakit po kaya pag nilalabas na ako ay dumudugo po ang lumalabas pero pag hindi namn po aco nilalabasan kahit nag sex kami ni hubby eh wala namn pong dugong lumalabas ? Sana po mapansin nyo ung tanong co salamat po..

    1. Hi Jhas! Maraming posibleng sanhi ng pagdurugo sa pagtatalik. Pwedeng kondisyon, impeksyon, o kaya priksyon at kiskisan. Baka makatulong sa inyo ang paggamit ng water-based lubricant gaya ng EZ Lubricating Jelly para mabawasan ang priksyon at pagsusugat na nagdudulot ng pagdurugo.

  3. Nagpalagay po ang asawa ko ng aud . tapos pinatanggal nya kaagad kasi . di kopo gusto kasi pagnagtatalik kami . parang may tumutusok . pero ngayun 2years na bakit may dugo parin sa pepe nya pag piningger ko ng malalim . nag aalala ako sa asawa ko kung baka anong mangyari . salamat po

    1. Hi Mark! Maraming posibleng sanhi ng pagdurugo sa pagtatalik. Pwedeng kondisyon, impeksyon, o kaya priksyon at kiskisan. Baka makatulong sa inyo ang paggamit ng water-based lubricant gaya ng EZ Lubricating Jelly para mabawasan ang priksyon at pagsusugat na nagdudulot ng pagdurugo

  4. Hello po , Nag talik po kasi kami ng partner ko hindi ko naman ipinutok sa loob , 3days na pong tapos ang menstruation niya noong gawin namin yon. Pagkatapos namin magtalik ay kinabukasan po ay nagdudugo siya di naman po marami 2days na po siyang dinudugo ngayon hindi naman daw po regla yon kundi dugo talaga. Hindi po ba sintomas ng pagbubuntis iyon?

  5. Hello po tanong ko lang po if normal pa po ba ang pagdudurugo ko pagtapos makipagsex ngayonkahit 2yrs na walang sex dati. Tapos nakaramdam ako ng pagkahilo at sobrang pagdudurugo na buo buo, Normal pa po ba iyon? Salamat po

    1. Hi Gwen! Maraming posibleng sanhi ng pagdurugo sa pagtatalik. Pwedeng kondisyon, impeksyon, o kaya priksyon at kiskisan. Baka makatulong sa inyo ang paggamit ng water-based lubricant gaya ng EZ Lubricating Jelly para mabawasan ang priksyon at pagsusugat.

  6. Hi tanong ko lang po, nkunan ako tpos hanggang ngayon may bleeding pa din ako? Normal po ba na nagbebleeding ako ng higit isang buwan?? Salamat sa tutugon

  7. Hi po gusto ko lang po mag tanong
    Nag ka regla po ako noong June 3,2020
    Natapos po yung regla ko nong June 7,2020
    Pero dinudugo paren po ako araw araw umabot na po sya ng weeks at ngayon meron paren po ano po ba eto?
    Kinakabahan po kasi ako

    1. Hi Annah! Maraming posibleng sanhi ng iyong nararanasan, gaya ng impeksyon o kondisyon. Doktor lang po ang makakasuri sa inyo. Mabuting makipag-ugnay na kaagad sa obgyn ukol dito o magpunta sa malapit na health center para makita ang sanhi at mapayuhan ka kung ano ang angkop na solusyon para sa iyong sitwasyon.

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon