fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Abnormal Na Pagdurugo Ng Ari Ng Babae

abnormal vaginal bleeding, reproductive health, family planning

Anong Nagdudulot Ng Kakaibang Pagdurugo?

Kapag sinabing ‘spotting,’ ito ay kaunting pagdurugo mula sa pwerta kahit hindi ka pa dapat datnan ng regla. Tawag rin dito ay intermenstrual bleeding, kung saan nakakaranas ka ng spotting o pagdurugo sa pagitan ng mga regla.

Maraming nakakaranas ng intermenstrual bleeding. Hindi naman ito nakakabahala sa karamihan ng mga kaso, pero may iba na baka senyales na ito ng isang kondisyon.

Nakaranas ka na ba intermenstrual bleeding? Basahin mo kung ano ang maaaring sanhi nito.

Mga sanhi ng intermenstrual bleeding

Maraming puwedeng magdulot ng intermenstrual bleeding. Tandaan o isulat ang mga araw na napansin mo ito, pati na rin ang ibang sintomas na nararanansan mo kung mayroon man. Tutulungan ka ng iyong doktor malaman kung ano ba ang sanhi nito at papayuhan ka sa paggamot.

Hormonal Imbalance

Ang siklo ng regla ay pinamamahalaan ng dalawang hormon: ang estrogen at progesterone. Posibleng makaranas ka ng spotting kapag ang mga antas nila ay nawala sa balanse. Ilang bagay na maaaring makaapekto sa balanse ng iyong mga hormon ay:

  • Dysfunctional ovaries
  • Problema sa thyroid gland
  • Pagumpisa o pagtigil ng pag-inom ng oral contraceptive pill (pero magbabalanse rin ito kalaunan)

Uterine fibroid

Ang mga uterine fibroid ay hindi nagdudulot ng kanser, at tumutubo ang mga ito sa loob ng matres. Karaniwang, sila ay benign at kusang lumiliit. Maliban sa intermenstrual bleeding, ang ibang sintomas ng mga fibroid ay:

  • Mabigat o mahabang daloy ng regla
  • Pananakit ng balakang
  • Pananakit ng bandang ibabang likod
  • Pananakit tuwing nagtatalik
  • Problema sa pag-ihi

May ibang babae na baka walang maranasang sintomas.

Mga sexually transmitted infection

Ang mga sexually transmitted infection (STI) tulad ng chlamydia at gonorrhea ay puwedeng magsanhi ng intermenstrual bleeding o pagdurugo pagkatapos magtalik. Iba pang sintomas ng STI ay:

  • Pananakit tuwing umiihi
  • Puti, dilaw, o berdeng vaginal discharge
  • Pangangati ng pwerta o anus
  • Pananakit ng balakang

Madaling magamot at hindi magdudulot ng mga komplikasyon ang STI, basta lubos at maayos na nagamot nang maaga. Makipag-ugnay kaagad sa iyong doktor kung sa palagay mo mayroon kang STI.

Pelvic Inflammatory Disease

Puwede kang magkaroon ng pelvic inflammatory disease (PID) kung ang bakterya mula sa pwerta ay kumalat sa matres, mga fallopian tube, at obaryo. Ang pamamaga ng organong reproduktibo ay maghahantong sa pagsusugat. Iba pang sintomas ng PID maliban sa intermenstrual bleeding ay:

  • Pananakit habang nagtatalik o umiihi
  • Pananakit ng bandang itaas o ibaba ng puson
  • Lagnat
  • Labis o mabahong vaginal discharge

Makipag-ugnay kaagad sa doktor kung nakakaranas ka ng mga sintomas ng PID. maaari itong magamot at mapigilan lumala kung naagapan kaagad.

Kanser

Sa ilang kaso, may mga uri ng kanser na nagdudulot ng intermenstrual bleeding. Ito ay:

  • Endometrial o uterine cancer
  • Cervical cancer (kanser sa serviks)
  • Ovarian cancer (kanser sa obaryo)
  • Vaginal cancer (kanser sa puwerta)

Komplikasyon Sa Pagbubuntis

Maraming babae ang nakakaranas ng spotting o pagdurugo sa unang tatlong buwan ng kanilang pagbubuntis. Kaunti lang ang pagdurugo at karaniwang kulay rosas, pula, o kayumanggi.

Mga komplikasyon tulad ng pagkalaglag at ectopic pregnancy ay maaaring magsanhi sa pagdurugo habang nagbubuntis.

Kung nakakaranas ka ng pagdurugo, hindi naman ibig sabihin kaagad na komplikasyon na ito. Mabuting makipag-ugnay sa iyong doktor sa lalong madaling panahon kung nakakaranas ka ng pagdurugo habang nagbubuntis, lalo na kung marami ito at sinamahan ng pananakit ng balakang.

Kontrasepsyon

Normal lang makaranas ng intermenstrual bleeding sa unang tatlong buwan ng paggamot ng kontraseptibo gaya ng mga pill, IUD, implant, at injectable. Mawawala rin ang pagdurugo kapag nasanay na ang katawan sa kontraseptibo.

Kung madami ang pagdurugo at nararanasan mo pa rin ito lagpas tatlong buwan, mabuting kumonsulta na sa doktor ukol dito. Baka magrekumenda siya ng ibang kontraspetibo para sa iyo.

Puwede ring mangyari ang intermenstrual bleeding kapag hindi mo sinunod ang tamang paggamit o pag-inom ng kontraseptibo. Halimbawa nito ay ang kapag nakaligtaan uminom ng pill.

Obulasyon

May ibang babae na nakakaranas ng ovulation spotting sa pagitan ng kanilang regla. Nangyayari ang pagdurugo tuwing obulasyon, kung kailan nagpapakawala ng selulang itlog ang obaryo. Basahin ang higit pang impormasyon dito.

Implantation

Isa sa mga unang senyales ng pagbubuntis ay ang implantation bleeding, pero hindi lahat ng babae ay makakaranas nito. Nangyayari ito kapag ang napertilisang selulang itlog ay dumikit na sa uterine lining.

Karaniwang nangyayari ang implantation bleeding ilang araw bago mo inaasahan dumating ang iyong regla. Mas kaunti at sandali ang pagdurugo kumpara sa karaniwang regla.

Perimenopause

Ang perimenopause ay ang unang hakbang bago ang menopos. Hindi na balanse ang mga hormon sa yugtong ito. Hindi na regular ang pagregla, makakaranas na ng spotting at kakaibang pagdurugo, at may ilang buwan na maaaring hindi datnan ng regla.

Trauma

Puwede ring magdulot ng intermenstrual bleeding mula sa trauma o pinsala sa puwerta o serviks. Maaaaring galing ito sa:

  • Sexual assault (rape)
  • Marahas na pagtatalik
  • Isang bagay, tulad ng tampon o laruang sekswal
  • Isang pagsusuri o operasyon, tulad ng pelvic exam

Mga uterine o cervical polyp

Ang mga polyp ay abnormal na paglago ng tisyu sa katawan. Matatagpuan ang mga ito sa matres o serviks. Karaniwan, hindi ito nagdudulot ng kanser.

Ang mga cervical polyp ay madalas na hindi nagpapakita ng sintomas, pero maaari silang magdulot ng:

  • Kaunting pagdurugo pagktapos magtalik
  • Kaunting pagdurugo sa pagitan ng mga regla
  • Kakaibang vaginal discharge

Sa karamihan ng mga kaso, hindi kailangan sumailalim sa paggamot, maliban na lang kung nakakaranas ng nakakabahalang sintomas. Kung inirekumenda ng doktor na alisin ang mga polyp, madali lang ito at hindi masyadong masakit.

Ang mga uterine polyp ay mas karaniwan sa mga babae na tapos na magmenopos. Ang iba makakaranas ng kaunting pagdurugo, habang ang iba naman walang sintomas.

Endometriosis

Ang endometriosis ay isang kondisyon kung saan ang uterine lining ang lumalago sa ibang parte kung saan hindi dapat. Ang iba pang sintomas ay:

  • Pananakit ng balakang
  • Masakit na pagregla
  • Mabigat na daloy ng regla
  • Pananakit habang nagtatalik
  • Kahirapan magbuntis
  • Pananakit tuwing umiihi o tumatae
  • Pagtatae, tibi, o pagkahilo
  • Panghihina

Polycystic ovary syndrome (PCOS)

Ang PCOS ay isang kondisyon kung saan ang mga obaryo o adrenal gland ay lumilikha ng labis na “panlalaking” hormon. Para sa ilang babae na may PCOS, hindi sila nireregla o iilang beses lamang sa isang taon.

Maliban sa intermenstrual bleeding, ang iba pang sintomas ng PCOS ay:

  • Hindi regular na pagregla
  • Pananakit ng balakang
  • Pagdagdag ng timbang
  • Labis na paglago ng buhok sa mga parte na hindi dapat
  • Kahirapan mabuntis
  • Taghiawat

Stress

Maraming paraan naaapektuhan ang iyong katawan kapag ika’y nastress. May ibang babae na nakakaranas ng intermenstrual bleeding dahil sa mataas na antas ng pisikal o emosyonal na stress.

Mga gamot

May ilang mga gamot tulad ng blood thinner, gamot para sa thyroid, at mga hormonal na gamot na nagdudulot ng intermenstrual bleeding.

Iba pang sanhi

Sa ilang bihirang kaso, ang diyabetis, liver disease, kidney disease, at pagdagdag o pagbawas sa timbang ay maaari ring magdulot ng intermenstrual bleeding.

Anong dapat gawin

Kung sa palagay mo ang nararanasan mong spotting ay sintomas ng pagbubuntis, mag-pregnancy test para malaman mo. Pero kung nakumpirma mo nang buntis ka at nakakaranas ka ng pagdurugo, ipaalam ito sa iyong doktor kaagad.

Kumonsulta sa doktor kung nakakaranas ka ng intermenstrual bleeding. Ang sanhi nito ay baka nangangailangan ng agarang atensyong medikal. Makakatulong rin sa iyong doktor malaman ang sanhi kung sinusulat mo ang mga araw na nakakaranas ka ng intermenstrual bleeding, at ang iba pang sintomas na nararamdaman mo.

Mga iba pang sintomas na dapat mong bantayan ay:

  • Lagnat
  • Pananakit
  • Pagkahilo
  • Madaling magpasa

Ang mga babaeng nakakaranas ng pagdurugo kahit na nagmenopos na sila ay dapat magpunta na sa doktor kaagad.

Kung ang intermenstrual bleeding ay nagsimula lamang mula noong unang gamit o inom mo ng kontrasepsyon, bigyan ito ng tatlo hanggang anim na buwan para masanay ang katawan. Kausapin ang doktor kung lumala o tumagal ang pagdurugo.

Paggamot at pag-iwas

Walang home remedy para sa intermenstrual bleeding. Ang tamang paggamot para sa iyo ay nakadepende sa sanhi nito, kaya napakahalagang magpasuri sa doktor.

Kung gumagamit ng kontraseptibo, gamitin ito nang tama ayon sa tagubilin at payo ng doktor. Subukan rin bawasan ang stress sa pamamagitan ng paglaan ng oras para magrelaks. Nakakabuti rin sa katawan ang mabuting pamumuhay. Mag-ehersisyo nang regular, at kumain ng masustansyang pagkain.

Maraming posibleng sanhi ng intermenstrual bleeding. May ilan na kailangan ng atensyong medikal at paggamot, pero ang iba naman ay walang kailangan ikabahala. Anumang intermenstrual bleeding ay dapat ikonsulta kaagad. Ang tanging paraan para malaman ang sanhi ay sa pamamagitan ng pagpapasuri sa doktor.

Mga pinagmulan:

https://www.healthline.com/health/vaginal-bleeding-between-periods#seek-medical-help

https://www.healthline.com/health/womens-health/spotting-before-periods

https://www.medicalnewstoday.com/articles/321811

https://www.webmd.com/women/spotting-between-periods

Please follow and like us:

732 thoughts on “Abnormal Na Pagdurugo Ng Ari Ng Babae

  1. Hello nagtalik po kami ng partner ko. eto lang pong month nato nangyari na after namin magtalik eh pag nagpupunas ako may kasamang dugo? delikado po ba iyon? pero hindi naman po ako nakakaranas ng sakit habang nagtatalil. nagtataka lang po ako bakit may kasamang dugo

    1. Hi Nash! Maraming posibleng sanhi ng pagdurugo pagkatapos magtalik. Baka makatulong sa inyo ang paggamit ng water-based lubricant gaya ng EZ Lubricating Jelly para mabawasan ang priksyon at pagsusugat na nagdudulot ng pagdurugo.

  2. hi! tanong lang po,, di po ako nireregla ng dalawang buwan pero my lumalabas na brown na parang putik araw araw,, pero konti lang, galing po kc akong nag pills almost 8-9 mos.. pero nong tinigil ko na ok nman ang naging regla ko sa simula pero katagalan di na ako niregla pero may lumalabas na brown,, halos dalawang buwan na,, normal po ba ito? di kc makalabas dahil sa covid19

    1. Hi Karen! Marami pong posibleng sanhi ng iyong nararanasan, at doktor lang po kasi ang maaaring magsuri at makasabi kung normal ba ito. May ibang sintomas ka po bang nararanasan?

  3. Hello po!Nawa’y mapansin ninyo ang aking tanong. Ako po ay regular na dinadatnan sa pagitan ng mga petsa na 24,25,26. Ngunit noong May 19, 2020. Ako ay nakaranas nang pagkangawit sa aking balakang at pagsakit ng kaliwa kong puson. Hinala ko ako ay nagkaroon ng Infection sa Bato, 10 days po ako nag water therapy,Nang ako ay nagpacheck ng ihi ay normal lamang po ang resulta. Sabi ng nurse ay maaring senyas lamang ito nang buwanang dalaw ko. Lumipas na ang araw na regular akong dinadatnan. Ngunit ako ay niregla sa araw na May 29, 2020. Makalipas ang anim na araw mula ng matapos ang aking regla ay nagsiping kmi ng asawa ko. Ako ay dinugo ng marami,Inisip ko na baka dugo lamang iyon na hindi lumabas. Makalipas ang ilang araw,Kami ay nagsiping ulit at dinugo na naman ako pero hindi na kasing dami ng nauna. Sa ikatlong beses Jun 12, ay muli kami nagsiping at ako ay dinugo ulit pero hindi na kasong dami ng mga naunang bese. Ano po kaya ang nararanasan kong ito?Salamat po sa inyong pagsagot

    1. Hi Ronalyn! Maraming posibleng sanhi ng pagdurugo sa pagtatalik. Pwedeng kondisyon, impeksyon, o kaya priksyon at kiskisan. Baka makatulong sa inyo ang paggamit ng water-based lubricant gaya ng EZ Lubricating Jelly para mabawasan ang priksyon at pagsusugat na nagdudulot ng pagdurugo.

    1. Hi Misha! Maraming posibleng sanhi ng iyong nararanasan, gaya ng impeksyon o kondisyon. Doktor lang po ang makakasuri sa inyo. Mabuting makipag-ugnay na kaagad sa obgyn ukol dito o magpunta sa malapit na health center para makita ang sanhi at mapayuhan ka kung ano ang angkop na solusyon para sa iyong sitwasyon.

  4. Hi po ask ko lang po kase yung friend kopo natatakot po siya dahil nung first time po siya na finger ng boyfriend niya may lumabas na dugo and baka daw po mabuntis siya , may possible daw poba yon ? And kakatapos lang daw po ng mens niya nung fininger siya ng bf niya ?

    1. Hi Liezel! Baka makatulong ang paggamit ng water-based lubricant gaya ng EZ Lubricating Jelly para mabawasan ang priksyon at pagsusugat na nagdudulot ng pagdurugo. May tsansa na mabuntis kung ang semilya ng kanyang boyfriend ay nakapasok sa kanyang ari.

  5. Tanong lang po, nagtalik kami ng kasintahan ko tas after a day, nagkaroon ako ng brown discharge tapos medyo mahapdi pag lumalabas. Bali pang 4th day na ng brown discharge ko tapos mahapdi padin. Irregular rin po ang menstration ko. Normal lang po ba ito?

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon