fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Abnormal Na Pagdurugo Ng Ari Ng Babae

abnormal vaginal bleeding, reproductive health, family planning

Anong Nagdudulot Ng Kakaibang Pagdurugo?

Kapag sinabing ‘spotting,’ ito ay kaunting pagdurugo mula sa pwerta kahit hindi ka pa dapat datnan ng regla. Tawag rin dito ay intermenstrual bleeding, kung saan nakakaranas ka ng spotting o pagdurugo sa pagitan ng mga regla.

Maraming nakakaranas ng intermenstrual bleeding. Hindi naman ito nakakabahala sa karamihan ng mga kaso, pero may iba na baka senyales na ito ng isang kondisyon.

Nakaranas ka na ba intermenstrual bleeding? Basahin mo kung ano ang maaaring sanhi nito.

Mga sanhi ng intermenstrual bleeding

Maraming puwedeng magdulot ng intermenstrual bleeding. Tandaan o isulat ang mga araw na napansin mo ito, pati na rin ang ibang sintomas na nararanansan mo kung mayroon man. Tutulungan ka ng iyong doktor malaman kung ano ba ang sanhi nito at papayuhan ka sa paggamot.

Hormonal Imbalance

Ang siklo ng regla ay pinamamahalaan ng dalawang hormon: ang estrogen at progesterone. Posibleng makaranas ka ng spotting kapag ang mga antas nila ay nawala sa balanse. Ilang bagay na maaaring makaapekto sa balanse ng iyong mga hormon ay:

  • Dysfunctional ovaries
  • Problema sa thyroid gland
  • Pagumpisa o pagtigil ng pag-inom ng oral contraceptive pill (pero magbabalanse rin ito kalaunan)

Uterine fibroid

Ang mga uterine fibroid ay hindi nagdudulot ng kanser, at tumutubo ang mga ito sa loob ng matres. Karaniwang, sila ay benign at kusang lumiliit. Maliban sa intermenstrual bleeding, ang ibang sintomas ng mga fibroid ay:

  • Mabigat o mahabang daloy ng regla
  • Pananakit ng balakang
  • Pananakit ng bandang ibabang likod
  • Pananakit tuwing nagtatalik
  • Problema sa pag-ihi

May ibang babae na baka walang maranasang sintomas.

Mga sexually transmitted infection

Ang mga sexually transmitted infection (STI) tulad ng chlamydia at gonorrhea ay puwedeng magsanhi ng intermenstrual bleeding o pagdurugo pagkatapos magtalik. Iba pang sintomas ng STI ay:

  • Pananakit tuwing umiihi
  • Puti, dilaw, o berdeng vaginal discharge
  • Pangangati ng pwerta o anus
  • Pananakit ng balakang

Madaling magamot at hindi magdudulot ng mga komplikasyon ang STI, basta lubos at maayos na nagamot nang maaga. Makipag-ugnay kaagad sa iyong doktor kung sa palagay mo mayroon kang STI.

Pelvic Inflammatory Disease

Puwede kang magkaroon ng pelvic inflammatory disease (PID) kung ang bakterya mula sa pwerta ay kumalat sa matres, mga fallopian tube, at obaryo. Ang pamamaga ng organong reproduktibo ay maghahantong sa pagsusugat. Iba pang sintomas ng PID maliban sa intermenstrual bleeding ay:

  • Pananakit habang nagtatalik o umiihi
  • Pananakit ng bandang itaas o ibaba ng puson
  • Lagnat
  • Labis o mabahong vaginal discharge

Makipag-ugnay kaagad sa doktor kung nakakaranas ka ng mga sintomas ng PID. maaari itong magamot at mapigilan lumala kung naagapan kaagad.

Kanser

Sa ilang kaso, may mga uri ng kanser na nagdudulot ng intermenstrual bleeding. Ito ay:

  • Endometrial o uterine cancer
  • Cervical cancer (kanser sa serviks)
  • Ovarian cancer (kanser sa obaryo)
  • Vaginal cancer (kanser sa puwerta)

Komplikasyon Sa Pagbubuntis

Maraming babae ang nakakaranas ng spotting o pagdurugo sa unang tatlong buwan ng kanilang pagbubuntis. Kaunti lang ang pagdurugo at karaniwang kulay rosas, pula, o kayumanggi.

Mga komplikasyon tulad ng pagkalaglag at ectopic pregnancy ay maaaring magsanhi sa pagdurugo habang nagbubuntis.

Kung nakakaranas ka ng pagdurugo, hindi naman ibig sabihin kaagad na komplikasyon na ito. Mabuting makipag-ugnay sa iyong doktor sa lalong madaling panahon kung nakakaranas ka ng pagdurugo habang nagbubuntis, lalo na kung marami ito at sinamahan ng pananakit ng balakang.

Kontrasepsyon

Normal lang makaranas ng intermenstrual bleeding sa unang tatlong buwan ng paggamot ng kontraseptibo gaya ng mga pill, IUD, implant, at injectable. Mawawala rin ang pagdurugo kapag nasanay na ang katawan sa kontraseptibo.

Kung madami ang pagdurugo at nararanasan mo pa rin ito lagpas tatlong buwan, mabuting kumonsulta na sa doktor ukol dito. Baka magrekumenda siya ng ibang kontraspetibo para sa iyo.

Puwede ring mangyari ang intermenstrual bleeding kapag hindi mo sinunod ang tamang paggamit o pag-inom ng kontraseptibo. Halimbawa nito ay ang kapag nakaligtaan uminom ng pill.

Obulasyon

May ibang babae na nakakaranas ng ovulation spotting sa pagitan ng kanilang regla. Nangyayari ang pagdurugo tuwing obulasyon, kung kailan nagpapakawala ng selulang itlog ang obaryo. Basahin ang higit pang impormasyon dito.

Implantation

Isa sa mga unang senyales ng pagbubuntis ay ang implantation bleeding, pero hindi lahat ng babae ay makakaranas nito. Nangyayari ito kapag ang napertilisang selulang itlog ay dumikit na sa uterine lining.

Karaniwang nangyayari ang implantation bleeding ilang araw bago mo inaasahan dumating ang iyong regla. Mas kaunti at sandali ang pagdurugo kumpara sa karaniwang regla.

Perimenopause

Ang perimenopause ay ang unang hakbang bago ang menopos. Hindi na balanse ang mga hormon sa yugtong ito. Hindi na regular ang pagregla, makakaranas na ng spotting at kakaibang pagdurugo, at may ilang buwan na maaaring hindi datnan ng regla.

Trauma

Puwede ring magdulot ng intermenstrual bleeding mula sa trauma o pinsala sa puwerta o serviks. Maaaaring galing ito sa:

  • Sexual assault (rape)
  • Marahas na pagtatalik
  • Isang bagay, tulad ng tampon o laruang sekswal
  • Isang pagsusuri o operasyon, tulad ng pelvic exam

Mga uterine o cervical polyp

Ang mga polyp ay abnormal na paglago ng tisyu sa katawan. Matatagpuan ang mga ito sa matres o serviks. Karaniwan, hindi ito nagdudulot ng kanser.

Ang mga cervical polyp ay madalas na hindi nagpapakita ng sintomas, pero maaari silang magdulot ng:

  • Kaunting pagdurugo pagktapos magtalik
  • Kaunting pagdurugo sa pagitan ng mga regla
  • Kakaibang vaginal discharge

Sa karamihan ng mga kaso, hindi kailangan sumailalim sa paggamot, maliban na lang kung nakakaranas ng nakakabahalang sintomas. Kung inirekumenda ng doktor na alisin ang mga polyp, madali lang ito at hindi masyadong masakit.

Ang mga uterine polyp ay mas karaniwan sa mga babae na tapos na magmenopos. Ang iba makakaranas ng kaunting pagdurugo, habang ang iba naman walang sintomas.

Endometriosis

Ang endometriosis ay isang kondisyon kung saan ang uterine lining ang lumalago sa ibang parte kung saan hindi dapat. Ang iba pang sintomas ay:

  • Pananakit ng balakang
  • Masakit na pagregla
  • Mabigat na daloy ng regla
  • Pananakit habang nagtatalik
  • Kahirapan magbuntis
  • Pananakit tuwing umiihi o tumatae
  • Pagtatae, tibi, o pagkahilo
  • Panghihina

Polycystic ovary syndrome (PCOS)

Ang PCOS ay isang kondisyon kung saan ang mga obaryo o adrenal gland ay lumilikha ng labis na “panlalaking” hormon. Para sa ilang babae na may PCOS, hindi sila nireregla o iilang beses lamang sa isang taon.

Maliban sa intermenstrual bleeding, ang iba pang sintomas ng PCOS ay:

  • Hindi regular na pagregla
  • Pananakit ng balakang
  • Pagdagdag ng timbang
  • Labis na paglago ng buhok sa mga parte na hindi dapat
  • Kahirapan mabuntis
  • Taghiawat

Stress

Maraming paraan naaapektuhan ang iyong katawan kapag ika’y nastress. May ibang babae na nakakaranas ng intermenstrual bleeding dahil sa mataas na antas ng pisikal o emosyonal na stress.

Mga gamot

May ilang mga gamot tulad ng blood thinner, gamot para sa thyroid, at mga hormonal na gamot na nagdudulot ng intermenstrual bleeding.

Iba pang sanhi

Sa ilang bihirang kaso, ang diyabetis, liver disease, kidney disease, at pagdagdag o pagbawas sa timbang ay maaari ring magdulot ng intermenstrual bleeding.

Anong dapat gawin

Kung sa palagay mo ang nararanasan mong spotting ay sintomas ng pagbubuntis, mag-pregnancy test para malaman mo. Pero kung nakumpirma mo nang buntis ka at nakakaranas ka ng pagdurugo, ipaalam ito sa iyong doktor kaagad.

Kumonsulta sa doktor kung nakakaranas ka ng intermenstrual bleeding. Ang sanhi nito ay baka nangangailangan ng agarang atensyong medikal. Makakatulong rin sa iyong doktor malaman ang sanhi kung sinusulat mo ang mga araw na nakakaranas ka ng intermenstrual bleeding, at ang iba pang sintomas na nararamdaman mo.

Mga iba pang sintomas na dapat mong bantayan ay:

  • Lagnat
  • Pananakit
  • Pagkahilo
  • Madaling magpasa

Ang mga babaeng nakakaranas ng pagdurugo kahit na nagmenopos na sila ay dapat magpunta na sa doktor kaagad.

Kung ang intermenstrual bleeding ay nagsimula lamang mula noong unang gamit o inom mo ng kontrasepsyon, bigyan ito ng tatlo hanggang anim na buwan para masanay ang katawan. Kausapin ang doktor kung lumala o tumagal ang pagdurugo.

Paggamot at pag-iwas

Walang home remedy para sa intermenstrual bleeding. Ang tamang paggamot para sa iyo ay nakadepende sa sanhi nito, kaya napakahalagang magpasuri sa doktor.

Kung gumagamit ng kontraseptibo, gamitin ito nang tama ayon sa tagubilin at payo ng doktor. Subukan rin bawasan ang stress sa pamamagitan ng paglaan ng oras para magrelaks. Nakakabuti rin sa katawan ang mabuting pamumuhay. Mag-ehersisyo nang regular, at kumain ng masustansyang pagkain.

Maraming posibleng sanhi ng intermenstrual bleeding. May ilan na kailangan ng atensyong medikal at paggamot, pero ang iba naman ay walang kailangan ikabahala. Anumang intermenstrual bleeding ay dapat ikonsulta kaagad. Ang tanging paraan para malaman ang sanhi ay sa pamamagitan ng pagpapasuri sa doktor.

Mga pinagmulan:

https://www.healthline.com/health/vaginal-bleeding-between-periods#seek-medical-help

https://www.healthline.com/health/womens-health/spotting-before-periods

https://www.medicalnewstoday.com/articles/321811

https://www.webmd.com/women/spotting-between-periods

Please follow and like us:

732 thoughts on “Abnormal Na Pagdurugo Ng Ari Ng Babae

  1. Ngayun araw po pagkagaling namin po sa labas mga 2:30 pm kmi lumabas at nakabalik kmi ng mga 6:00 pm pag cr q yung panty liner q po brown meanjng may lumabas ulit ng kunti dugo bago po to nung last 2weeks or last lang month po ngyare sakin din po to..nabahala lang po aq kc dati po nung hyskul or college kc wala nman po to..

    1. Hi, Ekang! Maraming posibleng sanhi ng pagdurugo na walang kinalaman sa regla, kasama na rito ang stress, timbang, diyeta, pagbabago sa antas ng mga hormon, at iba pa. Baka makatulong po sa inyo ang pagbabawas sa stress at paggawa ng libangan na nakakarelaks. May ibang sintomas pa po bang nararanasan? Mabuting makipag-ugnay rin sa OB/GYN para masuri kung ano sanhi nito at mapayuhan ka kung ano pwedeng lunas. Basahin rin po ito: https://doitright.ph/tl/abnormal-na-pagdurugo-ng-ari-ng-babae/

  2. Paano po kung aking regla ay paulit ulit o di kaya namn niregla po ako tapos panay spotting at twing umiihi po ako madaming lumalabas na dugo at matagal na po akong nireregla almost ilang bwan n dn po pero puro spotting minsan malakas minsan spotting pero ayaw po tumigil ni. Hindi ko na po matandaan kung ilang bwan na ako ganito minsan nawawala ang pag durugo pero mga ilang araw bbalik nanaman ang nararanasan kulang po pagkahilo minsan Dahil siguro sa sobrang pag regla sana matugunan ako

  3. Hello po ask ko lang po normal ba na labasan ako ng dugo kinaumagahan pagkatapos namin magtalik ng asawa ko ? Dibale jan 8 po ako nagkaron ng menstration at natapos po ako ng jan 11 tapos po nagspotting po ako ng jan 23 ng umaga. After sex ng aking mister. Tapos paiba iba color ng dugo red na red tapos nagiging parang brown po sya , tapos mejo may amoy sya pero di naman mabaho . Hanggang ngayon po jan25 meron parin po red naman na mejo may buong dugo pero di malakas ang daloy nya. Everytime lang po maghuhugas ako ng pempem ko may nalabas talagang dugo .. Salamat po
    Atsaka po pala may naramdaman akong natamaan sa loob ng nakapaloob ang ari ng mister ko parang may natamaan sya nun kaya mejo napaaray ako . Then kinaumagahan nagspotting po ako.

    Natatakot po kasi ako sa nangyayari sa akin. Diko po alam ang gagawin ko .

    1. Hi, Miriam! Maraming posibleng sanhi ng pagdurugo sa pagtatalik, pero ang karaniwang dulot nito ay priksyon at kiskisan lalo na sa penetrasyon. Baka makatulong sa inyo ang paggamit ng water-based lubricant gaya ng EZ Lubricating Jelly para mabawasan ang priksyon at pagsusugat na nagdudulot ng pagdurugo. Basahin po ito: https://doitright.ph/tl/pagdurugo-pagkatapos-ng-pagtalik/

      Mabibili ang EZ Lubricating Jelly sa pangunahing botika at convenience store. Maaari mo rin ito mabili online!
      Lazada: https://www.lazada.com.ph/shop/trust-philippines-1524467118/
      Shopee: https://shopee.ph/trust.premiere.ez

  4. .. tanong ko lang po .. 4months napo ako ganito .. nagpa consult nadin po ako sa Doctor kasi kala ko may tumor ako .. 2times a month po minsan nagkakaregla tapos minsan pag tapos ko magka regla mga 1week after .. nakakakita ako dugo sa panty ko .so mag nanapkin ako kasi kala ko meron ako.. tapos pag napa cr ako pagtingin ko sa napkin ko wala ni kahit kauniting regla 😔 natatakot po ako kadi diko po alam bat ganun. Maraming salamat po

  5. Tanong ko lang po kung ano ibig sabihin ng spotting ng 2x na 1st po ng dec8 2nd dec25 pero di papo ako nagmemens. Nagsex kami last wk nov. Regular nman mens ko evry month minsan nagaadjust ng date pero every month po tlga sya. Gsto ko lang po mlman kng ano po ibig sabihin nun? Sana po mabigyang sagot po. Thank you po

    1. Hi Ann! TUlad nga po ng inyong nabasa sa artikulong ito, maraming posibleng sanhi ng pagdurugo na walang kinalaman sa regla, kasama na rito ang stress, timbang, diyeta, pagbabago sa antas ng mga hormon, at iba pa. Ang stress (pisikal o emosyonal) ay maaaring makaapekto sa katawan, pati na rin sa menstrual cycle. Baka makatulong po sa inyo ang pagbabawas sa stress at paggawa ng libangan na nakakarelaks. May ibang sintomas pa po bang nararanasan? Mabuting makipag-ugnay rin sa OB/GYN para masuri kung ano sanhi nito at mapayuhan ka kung ano pwedeng solusyon.

  6. Tanong ko lang po, normal lang po ba na namamaga yung pempem ko after naming magsex ng kasintahan ko? Kasi po kapag natatapos kami at maghuhugas ako napapansin ko po na namamaga yung pempem ko po

    1. Hi Adira! Opo, natural pong namamaga nang bahagya ang ari pagkatapos magtalik. Kapag sexually aroused, lumalakas ang daloy ng dugo sa ari, kaya ito namamaga bilang paghahanda para sa pagtalik.

  7. Hello po tanong q lng po naka regla po ako ng 2nd week of nov, pero po dinatnan aq ulit nv nov 29 hanggang dec 2 . Ang pinagttaka q po bkit niregla aq ng nov 29 ulit hanggang dec 2. Tapos po itong dec 15 ginalaw ng bf q ang pwerta ng daliri nya sandali pero pagtingin namin may dugo ung kamay nya. Gling sa pwerta ko po. Anu po ba un regla na ulit o may bleeding ako dahil nasugatan. Pagdating po ng umaga dna aq dinugo. Slanat po

    1. Hi Nicole! Maraming posibleng sanhi ng pagdurugo sa pagtatalik, pero ang karaniwang dulot nito ay priksyon at kiskisan lalo na sa penetrasyon. Baka makatulong sa inyo ang paggamit ng water-based lubricant gaya ng EZ Lubricating Jelly para mabawasan ang priksyon at pagsusugat na nagdudulot ng pagdurugo.

      Mabibili ang EZ Lubricating Jelly sa pangunahing botika at convenience store. Maaari mo rin ito mabili online!
      Lazada: https://www.lazada.com.ph/shop/trust-philippines-1524467118/
      Shopee: https://shopee.ph/trust.premiere.ez

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon